GLIMPSE OF THE PAST

115 14 5
                                    


CHAPTER 29:


*THIRD PERSON'S POV*

Maagang pumasok si Alora at nasalubong sa pag-akyat nang hagdan si Hiro na pababa naman. Sinubukan nitong kausapin ito ngunit hindi siya pinansin at nagdire-diretso sa pagbaba na parang hindi siya nakita.

"Hi--" Nag-wave pa ng kamay si Alora ngunit agad din niya itong ibinababa at matamlay na nagtuloy sa paghakbang.

Ang hindi niya alam ay tiningnan siya ni Hiro at pinagmasdan siya. Hindi nakalimutan ni Hiro ang dalaga, hindi niya lang alam kung paano kakausapin ito. Hindi siya tuluyang bumaba at dumiretso sa library, walang mga estudyante doon pero nakabukas ito maging mga ilaw.

Sa isang sulok ng kwarto ay may lugar na hindi pinapansin ng iba naging tambayan niya. Sa mga pader nito ay mga mga nakadikit na bond paper na may nakaguhit na mukha ng iisang babae. Hinahangin ang mga papel dahil na rin nakabukas ang bintana malapit dito.

Pinagmasdan niya iyon, at hinawakan ang isang partikular na larawan na kanyang iginuhit. Ito ang palaging pinagkakaabalahan niya, ang iguhit ang babaeng bumago sa kanyang kapalaran. Nakaguhit doon ang bawat detalye ng mukha ni Alora.

Sa isang corner ng pader ay may biglang sumulpot na parang blackhole. Ito ay katulad na katulad nang blackhole na palagi niyang nakikitang lumilitaw, naging interesado siya dito at nilapitan ito.

Unti-unti niyang ipinasok ang kamay sa blackhole. Noong una ay parang wala siyang maramdaman pero nang ilalabas niya na ang kamay ay hindi niya magawa. Parang hihigupin siya nito ngunit pinipwersa niya ang kamay na makalabas.

Habang pilit niya itong inaalis ay may biglang lumabas na parang scenario sa loob nang blackhole. Parang alam at naranasan niya ang ipinapakita dito. Nakita niya ang sarili, si Alora at si Trevor, ibang iba ang hitsura at pananamit nila pero tiyak siyang hindi niya iyon guni-guni. Parang repleksyon ito ng nakaraan.


*FLASHBACK*

"Napakaganda naman yata sa lugar na ito, ginoo?" saad ng dalagang nakasuot nang napakahabang bestida at naka-ipit ang mahabang buhok.

Tiningnan siya nang binatang nasa likod lang niya at palihim na ngumiti, "Mabuti't nagustuhan mo, binibini. Ikinagagalak kong malaman iyan," sagot ng binata at nilapitan ang dalagang naupo sa maberdeng damuhan at nililibang ang sarili sa pagtingin at paghipo sa mga bulaklak at halamang nakatanim doon.

"Nandito ka lang pala, binibini." Isang tinig ang nakapagpatayo sa dalaga sa pagkakatayo. Ito ang lalaking kanyang nagugustuhan.

"Ginoong Santiago.." Tila parang nahiya ang dalaga nang makaharap niya ang binata.

"Binibining Alondra," wika naman nito pabalik at hinalikan ang mga kamay nito nang makalapit.


Ang naunang binata ay tumabi at hinayaan ang dalawa na mag-usap. Gusto niyang lapitan ang dalawa ngunit may kung anong pwersa ang pumipigil sa katawan niya at nagtatali nang dila niya para hindi makapagsalita.

Siya ang kanang kamay nang binatang dumating na si Santiago, siya ang mapapangasawa nang babaeng kanyang binabantayan, si Alondra. Wala siyang magawa kundi sundin ang sinasabi ng kanyang panginoon. Alam niya sa kanyang sarili na napamahal na siya sa dalaga, ganu'n din naman ito sa kanya. May hindi lang siya maintindihan kung bakit minsan ay si Santiago ang hinahanap nang dalaga.


"Mauna na tayo, Binibini.." Narinig niya ang tinig ni Santiago at Alondra, pabalik at palapit na ito sa kinaroroonan niya.

Sa wakas ay nakakagalaw na siya, sinalubong din niya ang dalawa ngunit may halong lungkot na ang ngiti ni Alondra nang makalapit sa kanya.

"Ihatid mo na ang binibini, aking alipin. Ako ay may kailangan pang ibitbit na usapin sa aking ama," bilin nito dito at saka muling bumaling nang tingin sa dalaga, "Hanggang sa muli, binibini." At saka niya ito nginitian bago iwanan ang dalawa at sumakay sa kanyang kabayo.


*END OF FLASHBACK*


Biglang nawala ang blackhole kasabay ng pagdurugo ng peklat niya sa kanyang kamay. Nanariwa ito at sumakit.

Napayuko siya halos sa sakit, at tinitigan ang palad na may malaking hiwa. Hindi niya alam kung may kinalaman ito sa nakita niya, wala rin siyang ideya kung paano nangyari ito.

-------

Kahit tapos na ang araw na hinintay ni Alora ng ilang araw ay hindi niya makakalimutan ang araw na naging espesyal sa kanya dahil na rin kay Hiro.

Naabutan muli ng dalaga na mag-isa si Hiro sa may garden at nakaupo sa isang bench. May hawak itong maliit brown na notebook at may kung anong isinusulat doon. Napangiti siya at napatiklop ng mga kamay sa kanyang likuran.

"Huy!" Ginulat nito si Hiro na bigla namang natigilan at itinago ang notebook sa likuran nito.

Naupo si Alora sa tabi nito at sinisilip ang notebook na sa likod ni Hiro. Sumandal nang maayos ang binata at napayuko, ayaw niyang makita nito ang nakasulat sa notebook niya.

"Ano 'yun? Bakit hindi mo pinakita?" Patuloy pa rin na nag-uusisa si Alora, at dumikit pa kay Hiro.


*Alora's POV*

Naabutan ko na namang mag-isa si Hiro, at ngayon ay nahuli ko siyang may isinusulat sa notebook niya. Palihim akong napangiti, dahil sa reaksyon niya. Parang nahihiya siyang nahuli na may itinatago.

"Ang daya mo!" Kunwari'y nagtatampo ako at mas isiniksik pa ang sarili sa kanya. Sa kakausod niya sa nasa dulong parte na kami ng bench, hindi pa rin siya ganoong kumikibo pero hindi niya na ako iniiwasan katulad noon.

"Alora, Hiro!" Narinig naming may tumawag sa aming dalawa.

Papunta sa direksyon namin si Zack at may dalang paper bag. Palagi niya lang kaming nakikitang dalawa na magkasama!

Kumaway pa ito sa amin at itinaas ang paper bag na dala niya nang makalapit na sa pwesto namin. Tiningnan niya kaming dalawa, at nag-ayos naman ako nang upo at dumistansya kay Hiro. I know what he's thinking right now, nakikita kong palihim niya kaming pinagtawanan.

"What are you both doing here?" Sabay turo nito sa amin at naupo sa tabi ko.

"Aahhh...Wala, wala naman." Palusot ko at nagpeke ng ubo. Parang bigla kaming napipi at natahimik.

"Kamusta ka, Hiro? Aking kapatid," aniya at tinapik-tapik sa balikat si Hiro kahit napapagitnaan nila akong dalawa.


Kapatid?


"May sasabihin ako," saad ni Hiro. He speaks again out of nowhere.

"Sige, maganda 'yan. Gusto ka rin naming makilala," sabat ni Zack habang inilalabas ang sandwiches sa loob ng dala niyang paper bag. He already knew where here, prepared siya e.

"Tungkol dito." At ipinakita naman ni Hiro ang kaliwang palad niya na may parang malaking hiwa. Nagulat ako nang makita 'yun. I just know he had a scar, paano siya nagkasugat?

"Napa'no 'yan?" Kinuha ko kaagad ang kamay niya at inobserbahan.

"Hindi ko alam kung panaginip o totoong nangyari," panimula ni Hiro. "Matagal na tayong magkakilala. Tungkol sa itim na butas, parang parte ng nakaraan."

"Tayo? Matagal na magkakilala?" Paglilinaw ko.

"Ikaw, ako at si Trevor. Nakita ko na magkakasama tayo," sagot nito sa akin.

"Baka may kinalaman 'yan sa past life ni Hiro, hindi kaya?" Biglang singit ni Zack, at inabutan kaming pareho ng sandwich na dala niya.


Past life? Meaning we are together even when this world is existed?


"Baka kaya wala kang alam sa kung sino ka dahil hindi mo maalala, at ngayon lang bumabalik ang memory mo." Zack added. I am amaze by his words right now, saan niya napupulot 'to? He is definitely not a cool guy kapag kasama namin.


Well, it doesn't matter to me kahit saan man nagmula si Hiro. Kahit pa hindi niya talaga kilala kung sino siya, ang mahalaga ay kasama ko siya ngayon.

Look, I found you (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon