Chapter 20

20 8 1
                                    

Nakauwi na ng maayos ang mga kasamahan ko.

Habang ako ay naglalakad pauwi ay napansin ko ang isang kotse na nakaparada sa harap ng bahay namin kaya't nagmadali akong naglakad patungo rito.

Ang inaasahan ko ay ang aking tunay na ama subalit nakita ko si Mrs. Danica na pauli uli na palakad lakad sa loob ng aming bahay.

Tila hinuhusgahan nya ang katayuan namin.

Papasok na sana ako ng tuloy tuloy ngunit napag isipan kong makinig muna sa kanila ni inay.

Wala ang mga tao rito sa bahay si inay at tiya lamang ang nakaharap sa aming bisita.

"So, dito pala kayo naninirahan... Masyadong maliit, mabanas, marumi at mahihirapan kayo dito" paumpisa ni Mrs. Danica.

"Narito ka ba upang husgahan kame? "

"hindi naman sa ganon, you know I'm just concern sa anak mo eh.. Kawawa naman kung dito sya titira sa bahay ng malandi nyang ina"

Nangangalaiti ako. Hindi malandi ang nanay ko.

"Ano bang gusto mo? , ang ilayo sakin ang anak ko? Para ano? Para Paghigantihan mo? "

"Ahuh? Ganyan na ba ang tingin mo sakin bess? Ganyan na ba ko kasama? "

Bess....

Huh?

"D-danica... Ayoko ng gulo kaya umalis ka na"

"Hindi naman ako naghahanap ng gulo at lalong ayokong manggulo sa mabaho nyong lungga... "

"umalis ka na! "

"kayo ang umalis! " sa pagkakataong ito ay galit ang nababasa ko sa kanya.

"Umalis kayo sa lugar na to ngayon den! Wag na wag na kayong magpapakita sa asawa ko! "

Gusto nyang ilayo ako sa tatay ko...

"hindi kami aalis. "

"Ano bang gusto nyo ha? Pera? Sige magkano ba? "

"hindi namin kailangan ng pera mo "

"wow? Eh diba kaya mo lang pinatulan ang asawa ko ay dahil lang sa pera, umaasa ka na hiwalayan nya ko at ikaw ang piliin para makuha lahat ng yaman at mapunta lahat sa anak mo diba?-" isang sampal galing kay inay ang sumalubong kay Mrs. Danica.

"Ni kaylanman ay hindi ako naghangad ng kayamanan!  Alam mo iyon Danica! Dahil matagal na tayong magkakilala"

Matagal na magkakilala?

Haaaa????

Magkaibigan ba sila noon?

"At hindi na kita kilala simula noong inagaw mo ang asawa ko! At ngayon na umeepal yang anak mo sa manang makukuha ng anak ko. Nang totoong DOMINGO! "

"Oh so inamin mo na din na ikaw pala ang naghahangad ng kayamanan" singit iyon ni tiya. Na halata ko ay kaninang pang nais mag salita.

"Aalis na ako wala nga pala akong mapapala sa mga basurang gaya nyo"

Naglakad ito paalis sumulyap pa ito sakin at nag iwan ng masamang tingin.

"Anak? Kanina ka pa? " bungad ni inay.

"K-kamusta po kayo? "

Bahagyang napangiti si inay sa aking naging tanong.

Hindi ko alam pero niyakap na lang nya ako bigla ramdam kong umiiyak sya. Hindi ko kaya.

Paradox DevotionWhere stories live. Discover now