Chapter Ten

23 11 0
                                    

Hingal na hingal si Drishti habang tinuturo ang direksyon kung saan makikita ang isang matangkad na lalaki na tumatakbo.

"H-help! He stole my wallet! "

Di na ako nagdalawang isip at tumakbo na agad sa kinaroroonan ng lalaki.

Mabilis itong tumakbo. Pero nasa sa akin na ang kagustuhan na mahabol ito. Bakit? Natural lang naman sigurong tumulong diba?

Nang mapansin kong duon sya tutungo sa may highway ay dinaanan ko ang makipot na eskinita. Ito ang tanging daan na naiisip ko upang mahuli ang lalaki.

Marami akong nasasagi at di ko na sila magawang lingunin sa takot na baka makawala ang lalaking aking hinahabol.

At tama nga ako nakita ko sya na palingon lingon habang hinihingal.

"Ha! Ayus! " giit pa nito na animoy natakasan na ang humahabol.

Pero mali ka boy.

Agad akong pumwesto sa kanyang gilid at siniko ang kanyang likuran!

"ugh bwisit! "

Susubukan pa sana nyang tumakbong muli ngunit nasapak ko na ito. Ramdam ko ang sakit sa mukha nya at kirot sa aking kamao hudyat na masyadong malakas ang epekto nang pagkakasuntok ko.

Agad kong binawi ang wallet ni Drishti maging ang cellphone pala nito ay tinangay ng gagong to.

"There! He's the dumbass who fucking stole my wallet! " narinig ko naman ang galit na tono ni Drishti.

At nang makalingon ako ay nakita ko ang mga tanod na kinukuha ang lalaki.

Sa wari ko ay kasing edarin lamang namin ito o may tanda ng isa o dalawang taon sa akin.

"eto na ang wallet mo" sabi ko sa kanya sabay abot ng wallet at cellphone nya

Tinignan lang nya ako at padarag na kinuha ang gamit na binawi ko.

'Attitude ka gurl? '

"madalas kitang nakikitang inihahatid at sinusundo ng mga driver mo,asan na sila ngayon? " usisa ko araw araw kasi syang hatid sundo sa kotse nila. Siguro mapapagalitan ito pag nalaman ang nangyari.

"Why are you asking ba? Are we close ba? "

Sabi ko nga mananahimik na.

Naglakad na lang kami ng sabay patungo sa room ng walang imikan. Sa lagay ko ay nahuli na kami sa aming paunang klase.

Nang narating na namin ang room ay mas naunang pumasok si Drishti. Wala pa din ang pangalawa naming guro para sa asignaturang ingles.

"sabay kayo pumasok ni Allen? " tanong ni Freya the usisera este Freya Mabangiz.

"no i just saw him in the hallway" tanggi ni Drishti

Nakita ko ang mga titig ni James sa akin kanin ngunit ng marinig ang sabi ni Drishti ah mukhang nakahinga ito ng maluwag.

Wala naman siguro syang dapat ikabahala diba? Di ko naman aagawin yang crush nyang pinaglihi ata sa manggang hilaw

"Mr. Huxley! Don't you want to take your sit?! " at yun na nga di ko namamalayan na nakatayo lang pala ko. At nasa likod ko lang pala tong kabute kong teacher. De joke baet yarn. Okay. Di naman nakakahiya.

Sabi ko nga ma'am hehe.

"i-im sorry miss" nahihiyang sabi ko. Sabay punta sa inuupuan ko. Shet.

"Okay lang yan vro, kakabreak lang nyang si miss kay Proffesor  Sean, pagpasensyahan mo na" Sabi naman nitong si James na animoy nang aasar pa.

Paradox DevotionWhere stories live. Discover now