Chapter Eight:

26 16 1
                                    

"a-ahm a-allen sabay tayo m-maglunch p-pede? " kamot ulong sabi ni Daniela.

Tutal yoko munang kasama si Rhys at Wala akong binalutan. Umoo na lang ao sa kanya.

"what do you want? My treat. " nakangiting sabi pa ny nang makarating kami sa cafeteria.

"no, ako na may pera naman ako" sabi ko na lang , nahihiya na at naiilang kasi ako sa kanya.

"sige na please!! " sabi pa nya na may pakurap kurap pang mga mata

Ano pa nga bang magagawa ko? Kaya umoo na lang ako.

Sya na lang ang hinayaan kong mamili ng para sakin. Nang matapos sya ay umupo na rin sya sa tapat ko.

"so... "

"so?"

"aattend ka ba sa birthday party ni James? " yes sa sabado na kasi ang birthday nya. At pinag iisipan ko kung pupunta ako. Ininvite na rin nya ko dito at ang buong section namin. Di nga lang ako sigurado kung makakapunta.

"di ko alam eh, di na siguro?" alinlangan na sagot ko.

" oh come on, pumunta ka na dun masaya yun for sure, kasi nung last bday nya may pa games ang buong barkada and friends." nakangiting sabi nya. Nangungumbinsi.

"di kasi ako sanay sa mga ganyan. Tsaka wala akong maisusuot " nahihiyang sabi ko.

"duh di naman kaylangang bongga ang isusuot mo eh" naninibago ako talaga dito eh parang kanina lang uutal utal tas ngayon feeling close.

"sumama ka na please! " nagpout pa sya.

"titignan ko" sabi ko.

Nagpatuloy na lng kami sa pagkain.

"ahm thank you nga pala ha! " yun yung nasabi ko matapos ang pagkain

"welcome! Im so excited for js prom omayghod! "

"ha? Eh antagal pa nun diba? " yakang tanong ko.

Matagal pa naman talaga eh.

"yeah but meron na ko agad isususot hehe! " magiliw na sabi nya.

Di naman siguro to super excited? Ano?

Umakyat na kami at pumunta sa room.

"naks brad pinopormahan mo na ba yang si Daniela?" pabungad na tanong nitong si James.

"ha? Hindi ah" sabi ko naman.

"tss, baliw yun wag ka dun! " singit naman ni Lance.

Baliw? Si daniela? Huh?

Umiling na lang ako at pumunta na sa upuan ko at nagbasa basa.

"brad sa birthday ko ah, di pedeng wala ka ipapakilala kita sa mga magulang ko" sabi ni james sa kalagitnaan ng pagbabasa ko.

"ano yan? Mapapangasawa mo? " sarkastikong sabi ni Lance.

"malamang kaibigan gago ka! " atungal naman nitong si James.

"so kilala na kasi itong si lance kaya ikaw naman" sabi pa nya sakin.

"kala ko ba di ka nakikipagkaibigan lance!?" sbi ko kay lance.

" ano brad? Di mo kami kaibigan? Sige ganyan ka na! Mahulog ka sana sa imboranal gago! " sabi ni James.

Tumatawang umiling naman si lance "kayong dalawa lang kaibigan ko. Ayan okay na? " sabi pa nya na natatawa parin.

Paradox DevotionWhere stories live. Discover now