Chapter 19

35 9 1
                                    

"ahm uuwi ka na sa inyo? " tanong ni Irish na nasa tabi ko

Tumango naman ako

"S-sorry ahm nakapag picture pa ba kayo kagabi? " tanong ko kay jame-kuya...

"no,  pero di na importante yun"

Bigla kong naalala si Mrs. Danica...

Ano kaya ang nararamdaman nya?

"Your lucky huh? Yaman naman pala" Si Drishti iyon.

Imbis na mainis ay natawa nalang kami sa kanya, nasasanay na ko sa ugali nya.

Napagmasdan ko rin si Irish na palihim na sumusulyap kay James.

Napailing na lamang ako

"Tara na sa house nyo para makita din namin" si Freya iyon.

Pinsan ko tss.

Ang galing naman ni Sir Rafael at nasabi nya agad sa mga to...

Naglalakad kami habang nagkukwentuhan sila.

"Pano kaya kung ipakilala mo na sakin Irish yang cousin mo" that's Daniela. Ewan ko nalang kung magustuhan mo yon.

"Sige ba"

"cousin? Sino yun? Anong meron? " May pagka tsismosa din pala tong si Drishti eh no

"ipapakilala daw nya ko eh"

"I think mga bukas kakalat na agad yang balita na ikaw pala ang nawawalang bunso" sabi sakin ni Lance

Bakit naman?

"Kilala ang Daddy nyo sa lugar na to, mabilis umusad ang usapin"

Kung sa bagay...

Nang makarating sa bahay ay halata kong hindi nagreklamo tong si Drishti. Di pala sya maarte.

"Hello tita! " si Freya iyon

Hindi sya masyado napansin ni nanay dahil nakatingin ito sakin.

Iiyak na naman ba sya?

"a-anak, hinanap ka namin kagabi san ka ba nagpunta? Alalang alala kami sayo"

Di ako nakasagot bagkus ay nakatingin ako sa lalaking aking nasa harap

"Sabi ko na nga ba uuwi ka pag kasama mo na ang mga kaibigan mo" pilit na ngiting sabi nya

Di ako umimik

"dyan na muna kayo akyat lang ako sa kwarto" nasabi ko nalang kina Lance.

Nang makaakyat sa hagdan ay...

"kuya, okay kalang ba? "

"oo naman okay lang di ko lang ata kayang tanggapin sa utak yung nangyari"

"naks ahm yaman ah" Lam kong pilit nya lang pinapagaan ang kalooban ko.

"tss, ang asikasuhin natin ay yang pano mababayaran ang 25,000 sa lawrence na yan"

"Oo nga no? Hyst sige na magbihis ka na muna ambaho mona eh"

Aba loko to ah

Pumasok ako sa kwarto at mabilis na naligo at nagbihis.

Pagkababa ko ay tawanan ang bumungad.

Nanonood sila sa tv namin? Cartoons ba yon?

"oh andyan na pala si Allen" si Freya iyon

Paradox DevotionWhere stories live. Discover now