Chapter One:

119 38 19
                                    

Rae Allen:

Tiktilaok!

"Good Morning" bungad ko sa bintana pagkagising ko.

Agad naman akong bumaba para sa umagahan at sakto ay naabutan ko si inay.

"Kumain ka na dyan kanina pa kaming kumain ang tagal mong magising"pasigaw na sabi ni inay

Agad naman akong pumunta duon sa may lamesa at tinignan kung anong makakain doon at di nako nagtaka kung anong makita ko don...

Toyo'

Madalas naming yan ipang ulam sabi nga ni inay isipin na lang namin na adobo yan eh tch! 

Minsan naiisip ko na lahat ng ito ay kasalanan ni itay.

Maayos ang buhay namin noon kasama si itay. Ultimong lahat ng bagay ay kaya naming mabili pero lahat ng iyon ay nagbago ng dahil rin sa kanya.

Sumama sya sa kapwa nya amerikano.

Amerikano ang aking ama kaya nga huxley ang aming apelyido.  Di pa sila hiwalay ni inay kaya ginagamit parin namin ang kanyang apelyido.  Pero para sakin ay di na sya nag eexist niloko nya kame eh at lubusan akong nasaktan don lalo na si inay.

Saka lamang ako napatigil sa pag iisip ng biglang magsalita si Rhys Kye Ang kapatid ko!

"kuya tititigan mo na lang ba yang pagkain? " at don ko lang napansin na di pa pala ako nakakasubo dahil sa pag iisip.

Di ko na sya sinagot at nagpatuloy na lamang sa pagkain.

Maya maya ay agad na naman syang nagsalita.

"Kuya bukas ay papasok na tayo, paniguradong maraming bigtime na mga estudyente doon! "

"maswerte na lang talaga tayo at nakakapag aral tayo sa ganong klase ng paaralan"

Napapangiti naman ako ng maisip na nakapasa kaming pareho ng kapatid ko at dahil yun sa utak namin.

Noon kase ay sa public school lang kami sa may laguna kaso lumipat kami ng bahay matapos kaming palayasin sa di pag babayad ng upa.  Buti na lamang talaga at mabait ang kapatid ni inay at pinatuloy kami sa bahay nya kesyo nga daw magisa narin daw naman sya. Ang javillodian school na kase ang mamahaling paaralan sa maynila at ito rin ang malapit.

"kuya mukhang ikaw pa lamang ang makakapasok bukas"dagdag nya pa

Agad namang kumunot ang noo ko "bakit nman unang araw yun ng pasukan! "

"masama kasi ang pakiramdam ko siguro sa mga sumunod na araw na ko makakapasok"

"alam na ba ni inay yan? "

"oo at sabi nya na magpahinga na raw muna ko"

Kung ganon mag isa lang pala ko bukas kainis naman. Di ko kabisado ang paaralang iyon shit magtatanong tanong na lang siguro ako. Grade 10 na ako bukas graduating student kumbaga
Tapos ang kapatid ko naman ay grade 8

Di sa pagmamayabang pero kaming dalawa ay may angking talino na di alam kung saan ang pinagmanahan.

Matapos kumain ay nag sepilyo na ako at naligo. Matapos noon ay nagbasa basa na lamang ako para makapaghanda sa pasukan. Hindi ako mahilig sa paglalaro maski cellphone ay wala ako di ako marunong sa mga sport nakakahiya mang sabihin pero iyon ang totoo. Alipin ako ng pag aaral.  Samantalang ang kapatid ko ay maraming alam magaling sya sa pagpipinta gaya ko pero masasabi kong mas magaling sya kesa sa akin. Lahat ng sport ata ay alam noon pero di napapabayaan ang pag aaral.

Paradox DevotionWhere stories live. Discover now