Chapter 14

22 8 1
                                    

Maaga ang naging gising ko ngayong araw.

At kay aga aga nandito na naman si Andrew.

"ano nangyari sa inyo ni Daniela kagabi?"

"H-huh, anong nangyari? Dapat bang may mangyari sa unang pagkikita namin?"

Tangina.

"Pano sya nakauwe?"

"Naglakad ata?" umakto pa nga ang loko na nag iisip.

"Hindi na kayo nag usap? "

"huh? Anong pag uusapan namin di ko nga yon kilala. Kakagabi ko lang nakita tinarayan pa ko"

"tss, tanga"

"aba! Sinong tanga? "

"ako ata? "

"hala! Tanga ka?!"

Tanga talaga.

"Kuya, aga ah" bati sa akin ni Rhys na wari ko ay kagigising lang.

"Hoy oo nga pala, san ba kayo galing kagabi? " puna nitong si Andrew.

"Dyan lang sa tabi tabi"

Yun na lang ang nasabi ko, dahil kaming dalawa lang dapat ni Rhys  ang nakakaalam na sa susunod na sabado na ang trabaho namin.

Oo gada sabado at linggo.

Kumain na kami.

As usual nakikain uli si Andrew.

"Basketball? "  boses iyon ni Paul.

Si paul na kaaway ni Andrew sa school. Ewan ko nagkakayabangan ata tong dalawa eh.

"Naks, gusto mo ko kalaro? " sabi naman ni Andrew na animoy ng aasar ang bawat ngisi.

Narito kami sa clubhouse. May nagpapractice pa nga dito ng sayaw eh hyst.

Nasa bahay si Rhys, ginagawa ang assignment kasi bukas may gala pa raw kami nina inay.

"Gusto sana kitang labanan eh yung tayong dalawa lang,  kaso mukhang naduduwag ka sakin."

Nagtawanan naman ang mga tropa ni Paul.

Lima silang lahat. Apat ang buntot nitong Paul na to.

Nagtaka na lang ako ng biglang tumawa ng malakas si Drew.

"ako? Maduduwag? O baka naman ikaw?"

"bakit namn ako maduduwag diba? "

"sa pagkakaalam ko kasi Paul, talong talo na kita sa lahat eh HAHAHAHHAHA yung sa laro natin noon, sinong nanalo? Diba ako? Tapos sino ng yung gf mong halos magkandarapa-" isang malakas na sapak ang naabot ni Andrew kaya di nya natuloy ang sasabihin.

Gumanti din ng sapak si Andrew. Nakita kong hinahawakan na nung dalawang buntot Ni Paul ang braso ni Andrew para suntukin ni Paul.

Ngunit agad akong nakisuntok. Hindi ako basagulero. Kaibigan ko si Andrew. Di ko papayagang masuntok lang tong gagong to.

Nakatikim ako ng suntok sa tyan.

Ughh sakit.

"Gago kang epal ka ha! "

Nagkasuntok suntok na kami sa bawat isa.

"putangina lima laban sa dalawa,  ang tinde. " sabi ni Andrew na nag eenjoy pa ata sa nangyayari.

Paradox DevotionOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz