Chapter 13

30 8 0
                                    

Natapos ang klase ng hindi mapalagay ang isip ko. Bukas na ang Birthday celebration ni James pero parang mas ako pa ang kinakabahan. Hyst ewan ko ba

Nagulat ako ng may nabangga akong lalaki. Sya ang principal. Ama ni Drishti. Nakausap ko na ito noon habang nag aapply ng scholarship.

Patay na.

"s-sorry po" nahihiya at kinakabahang sabi ko.

"mukhang malalim ang iniisip mo iho ah? Stress na ba sa mga school works? " nakangiting usal nito.

Nakitawa nalang ako.

"sorry po ulit"

"no problem. "

Ambait ng daddy ni Drishti. Hindi kagaya nya.

"So, my daddy talk to you ha" naarinig ko na lang si Drishti sa likod ko. Grabe nakakagulat.

"actually, he knows you nga eh pano scholar ka nya"

"ah hehe oo" sagot ko nalang. Agh.

"tss stupid" sabi nya at nag lakad na din paalis.

Stupid? Wow lang ha?

"Hey allen, your address " ay oo nga pala

Binigay ko na kay James ang address ko para doon ako sunduin papunta sa party.

Di ko pa pala nasasabi kay inay.

Mabilis akong nakarating sa bahay.

"Uy gago allen, ano dala mo?" eto na naman si Andrew. Napansin ko ang pasa nya sa mukha. Binugbog ata sya ng ama nya.

"San galing yan? " tanong ko.

"HAHAHHA syempre tatanga tanga nadapa ako sakit sa nguso."

Tss.

"ano ba yan? " pagbabalik tanong nya sa akin

"paper bag" sabi ko

"anong laman? "

"basta hindi ito pagkain"

Nilagpasan ko na lamang sya habang nakasunod sya sa akin at kung ano ano ang pinagsasasabi. Tss. Baliw.

"nay" paunang bati ko. Wari ko ay nagulat pa ito.

"anak? O kamusta? Gutom ka ba? Kain ka muna nagluto ako ng kaunting sopas. "

"bukas may party ang kaibigan ko, pupunta ko meron na kong damit at may susundo na rin"

"shet allen! Yayamanin talaga libre yun? Pede akong sumama?" sabi na eh nakikichismis tong ulupong na to eh.

Kalalaking tao napa ka tsismoso.

"ahm saan naman yan anak? "

"malapit lang dyan" sagot ko.

"ahm sige anak hehe enjoy ka bukas dun ha"

Tumango nalang ako at pumunta sa kwarto.

Narinig ko pang sinasabi ni inay na kumain muna ko pero di ko muna iniintindi.

Bakit ba ko kinakabahan para bukas? Eh hindi naman ako yung mag bibirthday. Tsk siguro dahil first time ko makakapunta sa sosyalin na ganon? Oo tama siguro yun nga ang dahilan.

Matapos kong magbihis ay nakarinig ako ng ingay sa baba.

"Wow naman tito! Da best ka!" amdito pa pala tong Andrew na to.

Paradox DevotionWhere stories live. Discover now