Chapter 11

28 11 0
                                    

"Pera ko ang ninakaw ng kapatid mo! "

Pera?  Anong pera ba?!

"magkano ba? " matapang na sagot ko.

Tinignan nya ko mula ulo hanggang paa at sabay silang nagtawanan ng mga tropa nya

"sa itsura mong yan maaafford mong bayaran yung ninakaw ng kapatid mo?! Gago! " sigaw nya sa mukha ko.

Luh di ko naman sinabing babayaran ko eh

"25,000" ha?

"25,000  ang ibibigay mo total yun yung halaga na kinuha ng kapatid mo"

Ang mahal naman aba teka

"at pano ka naman na kakasiguro na kapatid ko yun ha?! " di nya ko mauuuto malay ko ba

Pero biglaan nyng hinarap sa akin ang cellphone nya?  At may nag peplay na video? Cctv footage?

Nakita ko dun ang kapatid ko na may kausap na isang lalaki.

Tapos maya maya tumakbo yung lalaki matapos mag usap.

Dumaan yung mga taga senior high tapos , sinadyang ihulog ni Rhys ang wallet nung lalaki?

Di ako makapaniwala.

at dali daling tumakbo si Rhys matapos yun.

"Di ka makapaniwala? Eh pamilya nga pala kayo ng squatter ano?  Siguro mga magnanakaw den kayo? " sigaw na naman nitong senior high.

Kinuwelyuhan ko ito-hindi ako palaaway na tao pero sumosobra na to.

"unang una sa lahat ibabalik na lang ng kapatid ko yung pera mo-" di ko natapos ang sasabihin ko ng may biglang nanikmura sa akin.

"alam mo ikaw kanina ka pa eh napaka kulit mong bata, kanina pa kita pinag bibigyan ha ngayon pinupuno mo na ko, baka di mo ko kilala!!! "

"kuya okay ka lang! " agad na lumapit si Rhys para patayuin ako. Nakita ko ring palapit na si Lance at James sa akin.

"Stop doing shit kuya" mahinahong sabi ni Lance

Kuya? Sinong kuya?

"oh lil bro i just want these squatters to learn a lesson, and look i just did great- don't you proud of me? "

"proud?  Do you think someone will be proud of your stupidshits!"

Nag ngising aso na lang ang lalaki ngunit bago ito umalis ay humarap muna ito sa akin.

"hindi mo magugustuhan pag di ko nakuha ang bayad totoy, 25,000 o may magaganap?" nagtawanan na naman sila at tuluyang umalis.

Nagbabanta ba sya?

Nakita kong madaming nakatingin sa kapatid ko at nagbubulungan.

Sige bahala kayo ampapangit nyo.

"Im sorry for what my brother did to you"

"grabe ka naman di mo manlang ako tinulungan ka nina" nakatingin lang kasi sila eh.

"pag may away si kuya talagang walang makakapigil,pasalamat ka nga pinatigil ko kahit papaano eh kung hindi di ka na makikilla sa inyo" wow ha?

"k-kuya" paiyak na sabi ni Rhys

Ngayon ko lang sya nakitang mukhang miserable.

Ano ang meron sayo Rhys?  Anong nagawa mo?

"Sa bahay, maguusap tayo" yun na lang ang nasabi ko.

"k-kuya wag mo tong ipapaalam kina nanay. " sabi nya na parang takot na takot.

Paradox DevotionWhere stories live. Discover now