Ika-23 Kabanata: Si Mr. Tisyu

3.6K 91 18
                                    

Natawa ang lalaki sa sinabi ni Sophia. Nilapag nito ang isang box ng tissue na kinuha niya sa section ng toiletries.

"Superhero na Mr. Tissue ang name? Ano namang superpowers ko?" tanong nito kay Sophia

Ewan, para talagang pamilyar ang mga ngiting iyon kay Sophia. Dahilan din siguro kung bakit hindi siya nahihirapang kausapin ang lalaki. Pakiramdam niya ay handa niya agad ibigay ang tiwala dito, para bang matagal na silang magkakilala.

"Tiga-bigay ng tissue,"biro ni Sophia

"Bakit ka ba umiiyak?" usisa ng lalaki. Tiningnan lamang siya ni Sophia at hindi sumagot, "Pasensya na, hindi ko dapat tinatanong ang mga bagay na iyon."

Nangiti si Sophia, napakagalang ng lalaking ito kahit na sabihing mas bata siya dito. Kung papansinin mo ang bawat kilos ng lalaki, kalkulado ito at halatang may pinag-aralan. Kung mas maayos nga lang itong manamit ay iisipin nitong mataas ang estado nito sa buhay.

"Wala 'yun." Sabay hampas ni Sophia sa braso nito.

Napakamot naman si Mr. Tissue sa sobrang pagkakampante ni Sophia sa kanya. Siya na tuloy ang nahiya dito.

"Kumain ka na ba? Kasi may malapit na kainan dito kung nagugutom ka na," anyaya nito kay Sophia.

Tinulak ni Sophia ang kanyang pushcart habang nag-uusap sila. Mabagal ang ginawa niyang pagtulak, naaliw siya sa pag-uusap nilang dalawa. Mature itong mag-isip at malawak ang pananaw sa buhay. Maya-maya ay napansin ni Sophia na wala namang dalang pinamili ang lalaki. Naghinala tuloy siya at baka sinusundan siya nito.

"Ano nga palang ginagawa mo dito? Mukhang wala ka namang binili. Baka naman sinusundan mo ako ha." Sabay tiningnan niya ng masama ang lalaki.

"Hindi, may inasikaso lang ako, then nakita kita. Paalis na sana ako eh napansin ko umiiyak ka kaya lumapit ako sa iyo," paliwanag ni Mr. Tissue.

"Ang laki ng department store na ito, ano? Balita ko, marami 'tong branches nationwide. Ang yaman siguro ng may-ari nito. Sana maambunan naman ako ng swerte niya. Ang saya-saya siguro niya, araw araw nakahiga sa pera," wika ni Sophia na parang nananaginip.

"Masaya? Ang mga kagaya niya siguro ang pinakamalungkot na tao sa mundo. Marami silang kailangang i-give up para lang makarating sa ganoong estado. Noong una na-eexcite sila kasi nga madaming challenge sa business hangang lumago na ang negosyo nila to the point na marami nang umaasang pamilya sa kanila. Hindi na nila pwedeng bitawan ang negosyo dahil once na bitawan nila, maraming madadamay. Kadalasan sa kanila, nakakaligtaan ang pamilya hanggang sa wala na silang balikan," seryosong sabi ni Mr. Tissue.

"Naks naman! Ang lalim mo ha, Mr. Tissue. Mr. Balon na lang kaya ang itawag ko sa iyo?" Niliko ni Sophia ang kanyang pushcart hanggang sa makarating sila sa pila. Tuloy pa rin sila sa kwentuhan ng lalaking hindi niya pa alam ang pangalan. "Pero parang may kilala akong ganyan. 'Yung tatay niya hindi man lamang nakarating sa graduation ng anak."

"Isa pa iyon, madalas kailangan nilang palampasin ang mga importanteng event sa buhay ng pamilya nila. Birthday, anniversary, graduation, minsan kahit binyag o burol. Wala kasi silang pagpipilian."

"Mahirap pala talaga ang lagay nila, buti na lang tayo normal lang ang buhay."

At nagtawanan sila ni Mr. Tissue.

..........

Mangilan-ngilan lamang ang tao sa isang simpleng restaurant na nagse-serve ng mga Pinoy dishes, pero maririnig mo ang impit na tawa ng isang babae habang nagkukwento ang isang lalake.

"Tama na, iyan ka na naman sa mga joke mo. Hindi ako makakain," saway ni Cecilia kay Anton.

Matapos nilang magka-ayos noon ni Anton ay madalas na silang nagkikita. Nami-miss din kasi ni Cecilia ang mga nakaraan at iba talaga kapag magkwento si Anton, punong puno iyon ng buhay na parang ibinabalik siya sa nakaraan.

The Last Stop (Completed)Where stories live. Discover now