Panimula sa Pangalawang Arko:

3K 74 1
                                    

Mabigat ang loob ni Sophia na pakawalan si Joseph. Masakit iyon pero 'yun ang tama. Kung babalik si Joseph sa buhay niya ay babalik ito, hindi niya kailangang maging makasarili at isipin lamang ang kaligayahan niya.

Gaya nang napag-usapan nila, nawalan sila ng koneksyon ni Joseph hanggang sa isang araw ay nabalitaan na lamang ni Sophia na umalis na ito.

*Dalawang taon, dalawang taon. Gaano lang ba kabilis ang dalawang taon? Pero maraming pwedeng mangyari sa loob ng dalawang taon.* wika ni Sophia sa sarili niya

Sinubukang ipagpatuloy ni Sophia ang buhay niya bilang isang Virtual Assistant. Dumating ang araw na naisip niya na hindi siya makakasulong kung palagi na lamang siyang nasa loob ng bahay nila. Una sa lahat ang sinusuweldo niya ay hindi sapat sa kanilang tatlo. Nagpapadala nga si Gil ng pera ngunit ang malaking porsyento noon ay tinatabi nila. Gusto kasi ni Sophia na maka-ipon agad ang kapatid. Si Robert naman na kasintahan ng kanyang ina ay walang trabaho. Pero saan ba siya pwedeng mag-apply. Ilang taon na lang i-kokonsidera na na pang retiro na ang edad niya.

Sinimulan niyang pasadahan ang mga online advertisement. Pasok naman siya sa ibang requirements pero pagdating sa age limit ay talagang nabobokya na siya. Hanggang sa madaanan niya ang isang particular na kumpanya na naghahanap ng bagong trabahador.

Sunrise Tech Industry

Be a part of the leading industry in technology.

If you are someone with

Good organisation skills

Good time management

Good communications skills, written and verbal

Discretion

Confidence with IT and computer packages

We are looking for you. Send your resume at recruitment@sunrisetech.com.ph

Hindi na pinalagpas ni Sophia ang pagkakataon. Agad siyang nag-apply at nagpadala ng kanyang resume complete with Transcript sa sinabing email address. At makaraan ang ilang araw isang tawag ang natanggap niya. Inaanyayahan siya nito para sa isang job interview sa Sunrise Tech Industry.

"Diyos ko, sana magkatrabaho na ako!" ani Sophia.

The Last Stop (Completed)Where stories live. Discover now