Ikalabintatlong Kabanata: White Lies

4.2K 111 23
                                    

Binawi ni Sophia ang kamay niya, para siyang napaso sa sinabing iyon ni Joseph. Hindi siya nagkamali sa narinig niya. Alam nitong siya si Mysty.

"Ano bang pinagsasasabi mo?" binitawan niya ang hinihiwang kamatis at kunwaring kinuha ang ibang gamit sa ref.

"Na ikaw si Mysty. Alam ko na ikaw si Mysty, matagal na. Kung babasahin mong lahat ang pag-uusap natin sa chat room, never kitang tinawag na Mysty dahil alam kong ikaw si Sophia."

Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig, tumindig ang lahat ng balahibo niya sa narinig niya. Sinara niya ang ref dahil wala naman talaga siyang kukuhanin doon. Hindi niya hinarap si Joseph, para bang hindi niya kayang tingnan ang binata.

"Matagal mo nang alam? Kailan pa?" gulat na gulat siya sa sinabi ni Joseph.

"Noong gabing nakitulog ako dito. Sumilip ako sa kwarto mo para lang sana makita kang natutulog, pero nagulat ako ng makitang nasa harap ka ng laptop mo. May malaking logo ng website niyo at tinandaan ko. Hindi ka ba nagtataka na gising pa ako noong oras na iyon?" pag-amin niya dito.

"Pero paanong?"magulo pa rin ang isip niya hindi niya malaman kung nagkataon lang ba at naging kliyente niya ito.

"Kinausap ko ang Boss mo at naki-usap ako na kung maari ay i-assign niya ako sa freelancer na may pangalang Sophia Velasco, kaya napunta ako sa iyo." Tuloy lang sa pagpapaliwanag si Joseph. Gusto niyang malaman ni Sophia na hindi na nito kailangang magtago sa kanya.

"Pinaglaruan mo ako? Bakit? Anong kasalanan ko sa iyo?" tumulo ang luha ni Sophia, pakiramdam niya ay naloko na naman siya ng isang lalaki at ang masama nahuhulog na ang loob niya sa lalaking ito.

Nagulat si Joseph sa naging reaksyon ni Sophia, akala niya ay maluwag nitong tatangapin ang sitwasyon. Pero taliwas sa inaasahan niya, tila iba ang dating ng ginawa niya kay Sophia.

"No, Hindi kita pinaglaruan. Naisip ko na never kang magiging open sa idea na magkarelasyon sa isang mas bata sa iyo kung hindi ko ginawa iyon. Ginawa ko lang iyon para mapalapit sa iyo. Wala akong masamang intensyon." Lumapit si Joseph kay Sophia at niyakap niya ito. Hindi niya alam na ganito pala ang mararamdaman ni Sophia kapag nalaman niya ang lahat.

Nagpumiglas si Sophia at nagsimulang itulak si Joseph ngunit sadyang mahigpit ang kapit ni Joseph.

"Layuan mo ako! Gusto mong maging ready ako sa idea na magmahal ako ng isang lalaking mas bata sa akin?" humugot siya ng malalim na hininga sabay sinigaw kay Joseph ang matagal na niyang nais marinig. "Oo, Joseph! Mahal kita! Sapat na ba sa iyo yan? Ngayon makakaalis ka na!"

Napabitiw si Joseph kay Sophia sa narinig. Ang makitang umiiyak ang mahal niya ng dahil sa kanya ay bagay na hindi niya inakalang posibleng mangyari. Ni sa hinagap niya ay hindi niya iniisip na hahantong sa ganitong eksena ang ginawa niyang pagtago sa kanyang mga nalalaman.

"Ilang beses kitang binigyan ng pagkakataong umamin, pero parang wala kang balak. Noong nagrole-playing tayo sa chatroom, noong tinanong kita tungkol sa trabaho mo, then noong narinig ko ang boses mo,at noong pinapunta ko si Adrienne sa mall para makita mo siya." Walang katapusang pagsamo ang ginawa niya kay Sophia na sana ay pakinggan siya sa mga paliwanag niya.

"Pinapunta mo si Adrienne? Anong ibig sabihin nito? Ginawa niyo akong gago at tanga?" pakiramdam niya ay tinraydor siya ng lahat ng tao. Naging mabuti siya sa mga ito ngunit ginawa lang pala siyang tautauhan ng mga ito sa isang malaking palabas ni Joseph. Para siyang nadaya.

"Adrienne is a budding model sa isang agency. Hindi siya mahirap hanapin dahil maliit lang naman ang ginagalawang mundo ng models at ng mga kagaya namin. Believe me, wala akong intensyon para ipadama sa iyo yan. Mahal na mahal lang kita Sophia." Sinubukan muling yakapin ni Joseph si Sophia ngunit isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Joseph.

The Last Stop (Completed)Where stories live. Discover now