Ikalabing-anim na Kabanata: Akin lang si Joseph

4.1K 110 27
                                    

Pinanood nila nang unti-unting lumayo si Gil sa kanilang paningin. Hindi na nakatingin si Sophia at napakabigat ng loob niya na makitang aalis na ang kapatid na matagal nang nakasama. Yumakap siya sa kanyang ina ng mahigpit.

"Mamu! Iisa na lang ako sa bahay." Hindi niya mapigilan ang luha niya sa pag-agos.

"E di sasamahan ka namin ni My Labs," wika ng kanyang ina na pinakikitungkol sa kinakasama nitong 30 anyos na lalaki.

"Pwede ko rin ba siyang tawaging si My labs?" biro ni Diosa kay Mamu sabay nagtawanan silang lahat.

Paalis na sana sila Sophia at Diosa ng anyayahan sila ni Adrienne na magsama-sama naman sila at magvideoke ngayong gabi. Ayaw sanang sumama ni Sophia ngunit wala na siyang nagawa nang tumango na si Diosa.

"Ay naku! Hindi namin uurungan ni Sophia yan. I-ready niyo lang yung mga pang-Regine Velasquez at bumubuga ng apoy si Sophia kapag kinanta 'yan," biro ni Diosa ngunit totoo naman iyon. Maganda naman talaga ang boses ni Sophia.

"I would love to hear her sing." Sabay tingin ni Joseph sa kanya. Nailang tuloy si Sophia sa titig ni Joseph at baka kung ano pang isipin ni Adrienne.

Agad na rin silang nagpaalam at sumakay sa sasakyan. Sinabi ni Diosa na mamayang gabi na lamang sila magkita-kita at kailangan pa niyang asikasuhin ang kanyang negosyo. Si Sophia naman ay nagpaalam lang sandali sa kanyang boss at babalik din sa pagtatrabaho.

Habang umandar sa sasakyan ay hindi naiwasang pagkaisahan na naman si Sophia dahil napansin nila Mamu at Diosa ang mga titig ni Joseph na iyon.

"Mukhang malakas talaga ang tama sa iyo ni Papa Joseph. Malagkit at may pagnanasa ang mga tingin, para kang hinuhubaran. Kung ako ang titingnan ng ganoon, baka naghubad ako ng wala sa oras kanina," wika ni Mamu

"True Mamu, lahat tayo napapansin natin pero si Sophia in denial. Mababa ang IQ, humahalik sa lupa," asar na sabi ni Diosa sabay hatak sa buhok ni Sophia.

"Aray naman! Napapansin ko naman 'yun, kaya lang..." Pinutol agad siya ni Diosa sa kanyang sasabihin

"Kaya lang may girlfriend siya at kaibigan pa natin, gaga ka at pinalagpas mo pa ang isang putahe na center of attraction kapag fiesta," sabi naman ni Diosa

"Anong akala niyo kay Joseph, Lechon?" natatawang sabini Sophia

"German Sausage," paseksing sabi ni Mamu.

Ang boyfriend naman ni Mamu (na hanggang ngayon ay hindi ko pa maisipan ng pangalan) ay para namang walang pakialam sa kanilang usapan. Ni hindi nga ito sumali sa kanila at parang hindi ito interesado.

Medyo nahiya tuloy sila sa pagkukukwento nang makitang may kasama nga pala silang ibang tao sa loob at hindi dapat pinag-uusapan ng ganoon si Joseph. Natahimik sila ng matagal tagal sa biyahe hanggang sa buksan ni Sophia ang usapan tungkol sa planong videoke mamayang gabi.

"Diosa, dapat siguro hindi na tayo pumunta mamayang gabi. Hindi ba parang date na nila 'yung dalawa, baka naman makagulo lang tayo," nag-aalalang sabi ni Sophia.

"Ako, sigurado akong hindi ako makakagulo. Pero ikaw, presence mo pa lang I'm sure magugulo mo na si Joseph. Pero kailangan mong samahan ako mamayang gabi, wala akong kasamang pupunta, baka magahasa ako sa daan," Pilit nito sa kaibigan. "At saka naka-oo na ako. Nakakahiya lalo kung hindi tayo pupunta at inaasahan ka na ring darating ni Joseph."

"Dapat talaga matigil na ang pagkikita namin ni Joseph. Lalo lang kaming mahihirapan," mahinang sabi nito, ngunit narinig iyon ni Mamu at inakbayan ang kanyang anak.

"Bakit kasi kailangan mong pahirapan ang sarili mo? Ano bang tingin mo sa buhay mo, isang malaking teleserye?"

"Bakit ba kasi ang komplikado ng buhay?" tanong ni Sophia sa kanyang ina.

The Last Stop (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon