♟️ Chapter 12♟️

3 0 0
                                    

Chapter 12

Tricky Player

"Wynter."

"Wynter." ulit ko sabay tango. Tumayo ako at inakay siya papuntang damuhan tsaka sabay kaming umupo doon.

Medyo mataas ang lugar na iyon at kita mula dito ang dagat sa di kalayuan. Papalubog na rin ang araw. The sight made me smile. Bumaling ang paningin ko sa munting bata na nasa tabi ko. Dahan-dahang naglaho ang ngiti ko nang makita siyang malungkot na nakayuko. Kaya may naisip ako.

"Wynter." tawag ko sa kanya dahilan upang mapaangat siya ng tingin sakin.

"Yes, ate?" malungkot ang tinig na tanong niya.

"Do you have any allergies?" tanong ko.

Kumunot ang noo niya at napanguso. Cute. "Yes, ate. I'm allergic to red cabbage. Why, po?"

Nginitian ko siya. "I know how to make you smile."

He pouted his lips again and that made me chuckled. Bahagya kong ginulo ang buhok niya bago ako tumayo. Nilapitan ko ang motor ko at kinuha ang tinake-out kong fishball at kwek-kwek, agad akong bumalik sa kinauupuan namin.

"Here." tumabi ako sa kanya at binuksan ang supot ng kwek-kwek.

"What's that, ate?"

"Kwek-kwek." simpleng sagot ko at inabutan siya ng stick para pantusok. Kumunot na naman ang noo niya. "I know you haven't tasted this yet, so I want you to try." biglang tumunog ang tiyan niya dahilan upang mapatawa na naman ako. "And I know you're hungry, too."

Inilabas ko mula sa supot ang cup ng sauce at ang kwek-kwek na nasa maliit na paper plate tsaka inilapag iyon sa pagitan namin. Inilagay ko na din ang supot ng fishball na nakatusok pa sa sticks.

"Isn't it dirty, ate? I always saw it at the street."

"Somehow, but it's delicious. Trust me." natatawang sambit ko. I cannot say that those are healthy but not that dangerous. It's still a human food anyway.

"I-I'll try." nag-aalinlangan siya habang tumutusok ng kwek-kwek. Kinilatis niya pa ito at inamoy. Napa-ngiti ako dahil ang cute niya'ng tignan.

Isinubo niya ito sa bibig niya at kunot noo niya itong nginuya. Agad naman siyang tumango-tango nang malasahan niya. "It's not that bad, Ate." ngumiti siya dahilan upang mapatitig ako sa kanya. Parang may kamukha siya dahil sa ngiti niyang iyon.

"Really?" tanong ko habang nakatitig pa rin sa kanya.

"Can I have another one, po? Masarap!" napangiti ako nang makita kong maliwanag na ang mukha niya ngayon kumpara kanina. Hindi ko alam pero masaya na ako kapag may bata akong nakikitang masaya.

"Sure." sabi ko at kumuha na rin ng kwek-kwek at isinawsaw sa sauce. Mabuti na lang at hindi maanghang ang napili ko.

Nagsimula na akong aliwin siya. Nagkuwento ako tungkol sa alamat ng ulan at alamat ng dapit-hapon. Namangha naman siya sa mga kuwento ko at nagtatawanan pa kami paminsan-minsan. Masarap sa pakiramdam na nakikita ko siyang tumatawa dahil sa mga kwento ko. Siguro dahil sa wala akong nakakabatang kapatid na maituturing kong ganito, kaya naisipan ko na rin na magiging guro. Gustong-gusto kong palaging nakikita ang saya sa mukha ng mga bata. Nakakagaan ng loob.

"What's your name by the way, Ate?" tanong niya sa kalagitnaan ng pagkain namin. Malapit na nga namin maubos.

"Kaibigan na ba tayo?" pabirong tanong ko.

"Of course! Napakabait niyo po and you're so gorgeous too!" natatawang ginulo ko ang buhok niya.

"Silly. My name is Archimedes. Unique right?"

The Breaker Pawn: The art of a game #1Where stories live. Discover now