♟️Chapter 19♟️

5 0 0
                                    

Chapter 19

Skewer
————

Naiilang na ako dahil sa posisyon namin na iyon kaya kaagad akong napatayo at nag-iwas ng tingin.

"L-let's just pretend that there's nothing happened." sabi ko at naglakad palayo papunta sa lugar kung saan alam kong magpapakalma ng utak ko.

Hindi ko maiintindihan kung bakit ginagawa niya sa akin yun. Nagtataka din ako sa ginawa niyang pagdepensa sa akin kanina kay Wilver.

"Wait!" bigla niya kong pinigilan sa braso.

Inis akong lumingon sa kanya. "Ano bang kailangan mo sakin Emeric?"

"I would just not pretend that I saw nothing, Archimedes. Hindi ako magaling magpanggap... hindi katulad mo."

Napatigil ako at napatingin sa kanya. Does he know something about me? He knows even my name.

Marahas kong hinila ang braso ko mula sa pagkakahawak niya at hinarap siya. "Ano bang alam mo?" Sa pagkakaalam ko ngayon lang kami ulit nagka-usap matapos ang nangyari sa cafeteria. Pero bakit tila may alam siya tungkol sakin. "Wala kang alam sakin, Emeric... At ganun din ako sayo. Kung anuman ang nalaman o nakita mo, kalimutan mo na lang yun... at wag mo na kong guluhin..." sabi ko at agad na tinalikuran siya.

"Bakit ka nagpapanggap na mahirap?" napatigil ako sa paglalakad dahil sa tanong niya. "Bakit mo hinahayaang alipustahin at saktan ka ng maraming tao? Bakit mo tinatago sa kanila ang tunay na ikaw? Na hindi ka mahirap... na mas mayaman ka pa sa inaakala nila... Dahil sa panglilihim mo, nasasaktan ka... At dahil sa pagpapanggap mo, nararanasam mo la—"

"Ano ang karapatan mo para sabihin sakin ang mga yan?" dahan-dahan akong humarap sa kanya at nakipagsukatan ng tingin. "At sasabihin ko sayo... HINDI AKO MAPAGPANGGAP... Hindi ako nagpapanggap na mahirap ako... Hindi ko kasalanan Emeric kung ganoon ang nakikita nila sakin... at lalong-lalo na hindi ko kasalanan kung  ganun ang  kaugalian nila... At isa pa,  hindi ako makaramdam ng sakit kung walang taong mapanakit, naiintindihan mo?... Wala na akong magagawa kung ganoon  na talaga ang pang-uugali nila... Wala akong kakayahan na baguhin yun—"

"Meron... May magagawa ka para hindi ka nila aapihin at sakta—"

"Na ano? Ang magyabang sa kanila at ipamukha sa lahat kung anong meron ako?" napangiti ako ng mapait at humakbang papalapit sa kanya. "You know what? Kaya ko naman na ipamukha sa kanila kung anong meron ako, eh..." tumigil ako sa paghakbang. "Kaso, hindi ako mayabang... Hindi katulad niyo..." halos pabulong na sambit ko. Ginaya ang sinabi niya kanina...

Hindi siya makasalita kaya napa-smirk ako at nagpatuloy ulit sa paglalakad. Pero nakailang hakbang na ako nang napatigil ako at bumaling sa kanya nang may naalala ako. Hindi pa rin siya umaalis sa kinatatayuan niya..

"Kung may inililihim man ako... sisiguraduhin kong hindi niyo malalaman yun... Dahil alam kong hindi niyo na yun problema at labas na kayo dun... " seryosong sambit ko at naglakad papunta sa likod ng Windfeild building para maging payapa ang isip ko. Mabuti naman at hindi na sumunod pa si Emeric.

———

Wilver.

"Wil, my friend... I think, it's time for you to share what happened."

The Breaker Pawn: The art of a game #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon