♟️Chapter 18♟️

6 1 0
                                    

Chapter 18

Weaker Side
———————


"So you're working at the bar?"

"No... Actually I had a date in there." Napatango ako dahil sa naging sagot niya. Casual lang na tila sanay na siya'ng magkwento    tungkol sa mga naka-date niya. Kaya pala ganyan ang suot.

Napag-alaman ko din na sa iisang apartment lang pala kami nakatira at sa second floor ang unit niya. Iyon din pala ang dahilan kung bakit kanina pa siya nakabuntot sa akin.

Kasalakuyan na kami ngayong naglalakad sa hagdan at napatigil lang ng marating namin ang second floor. Sa mainstair na kami dumaan dahil naka-lock na daw ang sidestair kapag ganitong oras.

"Tara muna sa unit ko. Ipaghahanda kita ng makakain." aya niya nang mapahinto kami sa harap ng unit niya.

Napatingin naman ako sa wallclock na nasa corridor at namataan ko na alas-diyes na pala ng gabi.

"No, thanks. Magpapahinga na ko." tanggi ko na ikinalungkot niya.

"Oh, that's sad. But it's okay... Ipagluluto na lang kita bukas ng umaga." napataas naman ang isang kilay ko. "Sa fourth floor, right? Yun lang ang may bakante noon, e. Hehehe."

Mahina naman akong napatango at parang naalinlangan pa. "Great! Aagahan ko na lang dahil alam kung may pasok ka bukas."

"How do you know?"

Napatawa naman siya ng mahina. "I think we are at the same age naman, e. It's around 17 or 19—"

"17."

"Oh, yeah. I guessed it right. Hehehe." napangiwi naman ako. Siguro mas matanda lang siya sakin ng kunti. Nakakapasok na nga ng bar, e.

Pero hinihintay ko talaga na makapasok na siya sa unit niya para makaalis na din ako at makapagpahinga sa unit ko.

"So, see you na lang tomorrow?" nginitian ko naman siya ng pilit habang patango-tango. "Goodnight, Archimedes!" huling bati niya at binigyan ako ng matamis na ngiti bago pumasok sa unit niya.

Napabuntong hininga na lang ako pagkasara niya ng pinto. Sa wakas makakapagpahinga na ako. Kanina pa kasi ako inaantok habang naglalakad sa kalsada na patay kwento at tanong niya. Iyon din ang dahilan kung bakit kami natagalang makarating dito.

Tss. Sana pala hindi ko na lang siya kinausap. Bakit pinatulan ko pa kasi...

Nang marating ko na ang unit ko ay agad kong hinubad ang hoody ko at inilock ang pinto. Pinatay ko ang ilaw bago pumasok sa kwarto at nahiga. Tanging lampshade lang ang nakailaw sa buong kwarto.

———

*Knock  *knock

Nagising ako dahil sa naring kong katok. Sigurado akong sa pinto ko iyon.

"Good morning! Archimedes!"

*Knock *knock

Tumayo na ako at lumabas ng kwarto kahit parang inaantok pa.

"Yuhoo... You still there?!"

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang ngiti-ngiting si Anne na may dalang tupperware pero bigla din napalitan ng ngiwi.

The Breaker Pawn: The art of a game #1Where stories live. Discover now