♟️Chapter 13♟️

1 0 0
                                    

Chapter 13

Cheaters go to Hell
——————————–

Archimedes.

"Are you ready?"

Kumawala ako ng isang malalim na buntong hininga at humarap kay Kye na sinuot pala niya ang sombrero ko.

"I've always been ready." seryosong sagot ko at mabilis na kinuha ang sombrero na nasa ulo niya.

"Dahan-dahan naman! Masisira buhok ko!" inirapan ko na lang siya at humarap agad sa salamin.

There, I see my reflection. Isang babaeng nakaitim na cardigan at black boots. Walang emosyon ang mukha katulad ng kulay na suot ko. The small bruises are still visible. Tss.

Isinuot ko ang sombrero sa ulo ko at inayos iyon. Doon, alam kong iba na ang pagkatao ko. Ang kulay abo na mga mata sa salamin ay nakatingin ng deretso sa akin, walang makikitang kahit anong emosyon kundi pormalidad lang.

Napabaling ang paningin ko sa isang kamay na  may nais ipaabot.

"Here, wear this. Somehow, it'll be able to conceal those tiny bruises of yours."

Kinuha ko ang itim na mask sa palad niya at dahan-dahang isinuot iyon habang tinitigan pa rin ang sarili ko sa salamin. It's my signature mask.

"Bakit ba hindi mo sasabihin sa akin ang nangyari diyan?"

"Because you don't need to know." mabilis na sagot ko at umalis na doon sa harap ng salamin.

"Why?" napatigil ako sa paglalakad. What does his mean by 'why'? Nilingon ko siya. "We've been together since I  become your coach but you don't trust me. I'm worried not because I'm your coach but as a friend."

Napaangat ang gilid ng labi ko dahil sa sinabi niya. "Tss. I don't even know that we're friends." Sabi ko at agad na lumabas sa suite. Narinig ko pa ang buntong hininga niya pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Agad namang sumunod ang napakaraming guards pagkalabas ko at alam kong pakana na naman to ni Dad.

Naglalakad ako habang pinapalibutan ng mga guards na pinoprotektahan ako mula sa madaming tao na nag-aabang sa labas ng hotel. Madaming kamera, maingay, may mga ilaw at tunog ng kamera, at madaming taong nagtutulakan. Inaasahan ko na ang mga iyon, at iyon ang buhay na ayaw ko.

Madaming nagpupumilit na makausap ako o mahawakan man lang pero hindi nila magawa dahil sa mga guards ko. Tuwid ang tayo ko habang naglalakad at hindi pinapansin ang mga nasa paligid. I won't entertain them unless they make sense. They're keep on saying the same thing repeatedly. They want me to mingle with them or just a hi, they want to touch me as if I'm a saint, they want me to put my sign on something like I'm the most famous actress in the world, and they want to shake hands with me as if I'm the president. AND I DON'T WANT THAT. I don't want to be like anybody else they recognize because of popularity or heyday.

"This way, Young Lady." iginiya ako ng isang guard papunta sa sasakyan na gagamitin ko kaya sumunod ako.

Nang matanaw ko na ang sasakyan, may agad na nagbukas nito at akmang papasok na ako. Pero napatigil ako bigla nang may humawak sa kamay ko. The hell! No one dared to touch me without my permission.

Mabilis kong hinarap ang mapangahas na tao at sinamaan siya ng tingin.

"Your coach is trying to be gentleman towards you, Young Master." sabi niya kaya hinayaan ko siya na igiya ako papasok ng sasakyan. But I noticed that he's more serious than the other time. I wonder what happened to him.

Pormal akong umupo malapit sa bintana at naramdaman kong umupo rin si Coach Kye sa tabi ko habang minamasdan ko ang mga tao na nagkakarandapang makuha ang pansin ko. I don't know why they're doing such thing they don't even know what they get after.

The Breaker Pawn: The art of a game #1Where stories live. Discover now