Chapter 6

33 3 3
                                    


 

CHAPTER 6



Pagkatapos ng klase ko ay nagmamadali akong lumabas ng classroom para umuwi. Kailangan kong makarating ng maaga sa bahay dahil may sakit ang baby ko. Kanina pa ko nag-aalala kaya muntik na akong mablangko sa long quiz namin buti na lang at natandaan ko ang mga lectures ng prof ko.


Bago ako makalabas sa university ay may humawak sa braso ko kaya napalingon ako.



"Bakit ka ba nagmamadali Dessa? Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ko nililingon. Para kang di mapakali kanina pa. Ano bang problema mo?" tanong sa akin ni Zac na nakakunot ang noo. Binawi ko ang braso ko sa pagkakahawak niya pero hindi nito binitiwan.



"Zac ano ba? Kailangan ko nang umuwi. Please let me go!" sabi ko na nakikiusap dahil sobra talaga akong nag-aalala sa baby ko.



Nagtext kasi si daddy kanina na mataas na raw ang lagnat ni Zasza kaya pinainom na nila ng gamot para sa lagnat.



"Bakit ganyan ka Dessa? Wala ka na bang kahit katiting na feelings sa akin? Bakit ayaw mong mag-usap tayo baka sakali maayos pa natin ang relasyon natin na nasira? Bakit ba iniiwasan mo ko? Ayaw mo na ba talaga sa akin? Wala na ba talagang pag-asa?" tanong sa akin ni Zac na ikinabigla ko.

Anong ibig niyang sabihin? Hindi totoong wala na kong feelings sa kaniya! Mahal na mahal ko pa rin siya. Pero hindi na pwede dahil may Faith na siya. Ayokong makasira sa showbiz career niya at siya pa nga mismo nagsabi na wala na kaming dapat pang pag-usapan.

Pagkasabi noon ni Zac bigla niyang binitawan ang braso ko at nagmamadaling umalis. Naiwan akong nakatulala sa gate ng university.


Pagkarating ko sa bahay ay diretso agad ako sa kwarto namin ng anak ko. Nakita ko sina daddy at yaya na inaayos ang gamit ng anak ko.



"Dad kamusta na po baby ko?" tanong ko sabay lapit at haplos sa anak kong natutulog. Mainit pa rin siya at namumula kaya lalo akong nag-alala.



"Kailangan na natin siyang dalhin sa doctor. Mataas na lagnat niya baka mag-convulsion siya!" sabi sa akin ni daddy kaya agad kong binuhat ang baby ko at magkakasabay kaming umalis papuntang ospital.


Magdamag akong gising dahil sa pagbabantay sa baby ko dito sa hospital. Nagtext na lang ako sa prof ko na hindi ako makakapasok dahil masama ang pakiramdam ko. Wala pa kasing nakakaalam na may anak na ko kundi kami lang ng family ko.

Muntik na pala mauwi sa pulmonya ang sakit ng anak ko kung hindi naagapan! Mainit kasi dito sa manila kaya madalas siyang mapagpawisan. Hindi ko na lang sinita si yaya Meding baka kasi sa dami din ng trabaho kaya siguro minsan hindi na nababantayan ang baby ko kung natuyuan na ng pawis. Para tuloy nagsisisi ako at nag-enroll pa.

Sana hinintay ko na lang lumaki ang anak ko saka na lang ako nag-college.



Habang hinihintay ko si yaya meding galing sa bahay para magdala ng damit ko dito sa hospital ay nakaidlip ako. Nagulat na lang ako nang marinig kong tumutunog ang cellphone ko.



Unknown calling...


Sino kaya ito? Wala naman ibang nakakaalam ng cellphone number ko kundi ang family ko lang at ang iba kong professors.


"H-hello?" tanong ko habang lumalayo sa kama ng anak ko para hindi ito maabala sa pagtulog.


"Dessa? Where are you? May sakit ka raw sabi ni Ma'am Cruz. Nasa  inyo ka ba ngayon? Pupuntahan kita."sabi ni Zac sa kabilang linya. Kinuha niya ba ang number ko kay Ma'am Cruz? Tsk!


"Wala...Nasa hospital ako. Ok naman na  ko hindi mo na kailangang pumunta.Salamat na lang. Sige na Zac. Bye!"mabilis kong sabi saka ko ini-off ang cellphone ko. Ayoko pang may makausap sa ngayon lalo na si Zac. Medyo nadedepress pa ko sa nangyari sa anak ko. I'm still torn between the thoughts of continue studying or not. Sumasakit na ulo ko lalo at wala pa kong tulog...



Hinaplos ko ang mukha ng baby ko. Naaawa ako sa kaniya na lumalaki siya na walang ama. Hindi ko alam kung dapat ko pa ba siyang ipakilala kay Zac o hindi na. Masyado nang sikat si Zac sa showbiz ngayon at kapag may nakaalam nang tungkol sa pagkakaroon niya ng anak ay baka ikabagsak niya. Ayokong mangyari yun sa kaniya.



Tinitigan ko si Zasza na himbing sa pagtulog. Napakaganda niyang bata. Kamukhang-kamukha niya talaga si Zac! Naalala ko si yaya Meding...baka mamya ay magpunta nga sa bahay si Zac at tanungin pa si yaya mabuko pa ko. Kailangang magtext muna ko kay yaya at kay daddy para hindi na madagdagan pa ang problema ko.




Diary Ng NerdWhere stories live. Discover now