Chapter 2

42 4 4
                                    

CHAPTER 2


Nandito na ko sa room ko dati. Inilapag ko sa kama si Zazsa ang anak ko dahil nakatulog sa byahe. Ako naman ay hindi dalawin ng antok. Alas singko na ng hapon at kanina pa kaming alas tres dumating. Hindi talaga ako dinadalaw ng antok.

Nagbukas ako ng tv para sakali ay antukin.

Nakita ko sina Lolit Solis na nagsasalita sa tv. Parang Talk show kaya hinayaan ko na lang para makabalita sa mga local artists. Biglang binanggit na may guest silang new promising young actor daw at abangan ang kanyang irereveal about sa kanyang lovelife! Medyo napaisip naman ako kung sinong actor yun tinutukoy nila. Ang gusto ko kasing teen actor dati nung nandito pa ko sa pinas ay si Daniel Padilla...sino kaya ang actor na tinutukoy?

Well, malabo naman na si Daniel P. dahil sa kabilang channel siya. Sinubukan ko ilipat sa kalabang channel pero iba ang palabas...ibinalik ko na lang sa dating channel dahil medyo namiss ko rin ang chismis dito sa pinas.

After ng kung ilang commercials ay nainip na ko sa guest na sinabi nila kaya binalak ko nang patayin ang tv pero bigla namang tinawag ang young actor na binanggit nila kanina. Hindi ko naituloy ang pagturn-off sa tv dahil tinawag si Zachy Perez!

So? Si Zac pala ang tinutukoy nila?

Lumabas mula backstage si Zac palapit kina Mr. Butch at Ms.Lolit.

Mas lalong gwapo si Zac ngayon! Mas matikas ang pangangatawan at medyo nagmukhang matured sa paglipas ng ilang taon.

"Hello Zachy!" bati nina  Ms.Lolit at Mr.Butch sa kanya

"Hello po sa inyong lahat pati sa mga televiewers..hello po!" bati ni Zac habang nakataas ang kamay bilang pagbati.

"Mayroon ka raw irereveal about sa lovelife mo...Is it about you and Faith? For real na ba ang relasyon niyo ng kaloveteam mo?" sunod-sunod na tanong ni Mr.Butch. Napakamot naman sa ulo si Zac at yumuko saglit saka binalik ang tingin kina Ms.Lolit at Mr.Butch.

"Actually, it's not about Faith and I...It's about other girl when I'm not in showbiz pa. Totoo po yung nasa blind item na may naging girlfriend na ko nung highschool pero nagkahiwalay din po kami." sabi ni Zac na seryoso

"Ah. So, totoo nga. Is that true na iniwan ka raw niya and nagpunta sa states? According yan sa aming source." sabi naman ni Ms.Lolit.

"Masakit mang aminin pero yun nga po ang totoo. She left me alone and went to the states." sabi ni Zac na seryoso ang mukha.

"Ano naman ang masasabi mo sa kanya kung sakaling bumalik siya at magkita kayo uli lalo ngayong sikat ka na?"tanong uli ni Ms.Lolit kay Zac na biglang yumuko na parang may iniisip na kung ano saka muling ibinalik ang tingin sa kaharap at tumingin sa camera.

"Wala akong dapat sabihin sa kanya. Iyon ang desisyon niya kaya iginagalang ko iyon. Kung bumalik man siya at magkita kami siguro simpleng kamusta na lang saka wala naman na kaming dapat pang pag-usapan pa dahil tapos na ang lahat sa amin." mahabang sabi ni Zac na nakakunot ang noo.

"Eh yung sa inyo naman ni Faith? Totoo ba na you were both dating na?" tanong uli ni Mr.Butch kay Zac na tipong nanunukso.

"Well, nasa getting-to-know stage pa lang po kami. Faith is really a good lady and masarap siyang kasama." sabi ni Zac na nangingiti.

"Ibig sabihin ba niyan ay may posibilidad na maging kayo talaga?Uyyy!"tanong naman ni Ms.Lolit na nanunukso kay Zac.

"Depende po sa kaniya..." sabi ni Zac na labas ang ngipin sa sobrang pagkakangiti.

Bigla akong nakaramdam ng inis sa mga sinabi ni Zac sa harap nina Mr.Butch. Gusto ko nang batuhin kanina pa ang tv pero pinigilan ko lang ang sarili ko dahil baka magising ang anak ko na natutulog.

So? Obviously ako yung tinutukoy niya na girl kanina na nang-iwan sa kaniya! Bwisit pa yung sinabi niya na tapos na sa amin ang lahat! Pwes! Hindi ko ipapakilala sa iyo ang anak mo bwisit ka! Dun ka na lang sa Faith na yun!

Oo na kasalanan ko at iniwan ko siya dati at hindi pinaglaban kay daddy...pero sana maintindihan niya na mahirap para sa akin ang magdesisyon sa panahon na yun! Lalo na at si daddy na lang ang pamilya ko...Natakot kasi ako dati...

Pero di ba kung minahal niya rin naman ako talaga dapat gumawa rin siya ng paraan para magkausap uli kami at magsama? Pero wala eh. Naghintay ako sa wala. Nagtext ako at tumawag sa kaniya noong nasa airport kami pero  hindi siya sumagot. Walang response sa mga text at tawag ko hanggang sa nakaalis na kami ni daddy.

Nakakainis lang dahil parang pinasama niya ako sa harap ng publiko! Parang ang naging dating eh inapi ko siya. Nakakainis lang talaga!

Humanda ka!

Hinding hindi ko na ipapakita sa iyo ang anak natin!!!

Bwiset! Gumawa kayo ng Faith mo!

Damn you!

Diary Ng NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon