Chapter 8

11 1 0
                                    

Kinabukasan ay nagdecide na kong pumasok sa school. Iniwan ko uling tulog ang anak ko kay yaya Meding. Simpeng bestidang pink with green floral lang ang suot ko at flat sandals na color silver. Tinernuhan ko na lang ng color silver din na channel hand bag. Nagmamadali akong pumasok sa loob ng room dahil 5 minutes na kong late. Bago ako makalapit sa pwesto ko sa tabi ni Nick ay napansin ko ang isang magandang babae na katabi ni Zac sa bandang likuran namin. Naalala ko na siya yung babae na kasama ni Zac na nakita ko sa isang malaking billboard sa kahabaan ng edsa.

Agad akong umupo sa tabi ni Nick na napansin kong nakabusangot ang mukha. Pagkakita sa akin ni Nick ay agad inilapit ang mukha para makipagbeso sa akin. Paglingon ko ay nakita kong nag-uusap si Zac at yung magandang babaeng katabi niya.

"Class, you are going to have a group presentation next month. I'll assign your groupmates and kayo na bahala kung sino ang gusto nyong maging leader. I'll give you a topic and you have to make a research on it. I want each of you to participate. Understood?" sabi ni Maam Borja sa harap ng klase habang nakataas ang isang kilay.

"Yes ma'am!" sabay-sabay nilang sagot.

"Laxa, Soriano, Rosario, Marcelo, Barcelona, and Fajardo kayo ang magkakasama sa grupo. Next Padua, Herrera, Perez, Orcilla, Iringan, and Alegre kayo naman ang last group.So, inaasahan ko na magiging maganda at maayos ang presentation ninyo.I have a pieces of paper here and each group have to pick one. Nasa kapirasong papel na iyan ang magiging topic ninyo. Next week ay may long quiz tayo kaya magreview kayo from chapter one to three ok? Sige guys I have to go. See you next week." mahabang sabi ng prof namin.

Napalingon ako nang marinig ko yung Faith na nagbuntong hininga. Nakita kong nakaakbay sa kanya si Zac habang hinahaplos ang buhok nito. Bigla akong nakadama ng sobrang selos kaya di ko namalayan na nakukurot ko na pala ang braso ni Nick na nasa harap ko.

"Aray naman! Bakit mo ba ko kinukurot?"inis na tanong ni Nick sabay haplos sa braso niya na namumula dahil sa pagkakurot ko.

"Sorry Nick!" sabi ko na lang sabay hatak sa braso nito para haplusin.

"Ang sakit nun ah! Masisira ang magandang kutis ko sayo eh. Kagagaling ko lang kay Doc Calayan kahapon. Tatanggapin ko yang sorry mo basta ilibre mo ko sa canteen." mahabang reklamo ni Nick sa akin sabay hatak sa braso ko para magpunta sa canteen. May 30mins pa ang vacant period namin kaya tumayo na ko para sumama kay Nick. Narinig ko naman nagsalita si Zac sa likod namin na halatang naiirita.

"Gutom na ko Faith pwedeng kumain muna tayo sa canteen at doon mo na lang ikwento yang mga happenings mo kagabi."sabi ni Zac sabay tayo pero hinatak siya nung Faith kaya bigla itong napaupo at napalapit ang mukha dito na saktong paglingon ko. Nakita ko ang paglapat halos ng labi nila kaya agad akong nagmadali sa paglabas ng room at nagpatiuna kay Nick sa paglakad.

"Ano bang nangyari sayo Dess at bigla kang nagmamadali dyan kala mo mauubusan ng pagkain sa canteen."sabi ni Nick na nakangisi kaya inirapan ko siya.

"Gutom na ko eh. Ano bang gusto mo? Hoy! Yung kaya lang ng budget ko ha..."sabi ko kay Nick dahil nakikita ko siya na ang daming dinadampot na pagkain at inilalagay sa tray niya.

Makalipas ang ilang sandali ay nakahanap na kami ng pwesto at agad inilapag ang tray na may mga lamang pagkain.

"You know Dess, naninibago ko sa mga kinikilos mo nitong mga huling araw. I think it was started nung pumasok si Zac at naging classmate natin. Parang may something sa inyong dalawa...Am I right?"tanong ni Nick sakin na ikinagulat ko.

"Ha? Bakit mo naman nasabi? Wala namang something sa amin!"sagot ko sa kaniya. Ayoko pa muna sabihin sa kaniya ang mga nakaraan ko at namin ni Zac. Hindi pa panahon. Ayoko rin maging daan ako ng pagkasira pa ng career ni Zac.

"Are you sure? Baka may gusto ka sabihin sa akin? I'm your friend and asahan mo na walang ibang makakaalam ng kung ano man iyan. Basta kapag ready ka na sabihin, I am so willing to listen and if ever you need a help just call my name and i'll be there!"sabi ni Nick na astang kumakanta sa huling linya nya.

"Michael Jackson ikaw ba yan? Hahaha! Thanks anyway. Basta pag ready na ko sasabihin ko sayo lahat lahat."sagot ko na nakangiti na biglang napawi dahil namataan ko ang pagpasok nina Zac sa loob ng canteen.

"Ikaw din Nick may napapansin ako sayo eh kala mo! Nagseselos ka dahil kasama ni Zac si Faith."sabi ko ng diretsa sa kaniya.

"Ha??? How did you know? Masyado ba kong obvious?"sagot ni Nick na kinatawa ko lalo dahil nakita ko syang namumula.

"Sabi na eh! hahaha!"sabi ko sabay tawa ng malakas.

"Ssssh! Wag ka nga maingay... Ok aaminin ko na. Ex ko kasi si Faith. Actually di ko masasabi na ex talaga dahil wala kaming closure. Basta isang araw na lang biglang hindi na kami. Nang mag-end ang loveteam namin parang ganun din nangyari sa relasyon namin. Hindi na kami nagpansinan. Parang nagkaroon bigla ng pader na hindi ko alam kung bakit. Sinubukan ko syang kausapin pero lagi sya nagdadahilan na busy sya. Hindi ko nga sukat akalain na mag-aaral sya uli at classmate pa natin. Iba kasi ang pangarap niya. She wanted to be famous and wala sa plan niya ang mag-aral uli. Kaya nakakagulat...I think it's because of Zac kaya nya itutuloy ang studies niya. Zac and I were good friends before...Nagkaroon ng rivalry dahil sa loveteams. If you're into showbiz, you'll know Sarah ang ka-loveteam ko. Iba ang loveteam namin malayo sa dating loveteam namin ni Faith. Serious type si Sarah, mahirap biruin masyadong sensitive. I think hindi magkiclick ang loveteam namin."mahabang kwento ni Nick.

"So, you still want I mean you are still in-love with Faith? Kaso malabo yan dahil mukang inlababo sya kay Zac. Tignan mo makalingkis sarap bigwasan!"sabi ko na nanggigigil.

"Yeah I know. Ikaw rin naman obvious na inlababo kay Zac!"sabi ni Nick na napalakas kaya bigla ko tinakpan ang bibig niya.

"Shemay ka! Baka mamaya nyan narinig tayo. Hay naku halika na nga at 5 minutes na lang tapos na vacant natin. Gorabels na tayo sa room natin."sabi ko sabay hatak kay Nick.

"Saan mo naman natutunan yang lengwahe mo?Nagkasakit ka lang kung anu anong term na sinasabi mo."tanong ni Nick habang palabas kami ng canteen. Napansin ko si Zac na hindi humihiwalay ang tingin sa amin.

"Sorry. Si yaya Meding kasi madalas magsalita ng mga ganun kaya medyo nahawa ako.Hahaha! Taralets na nga!"sabi ko na natatawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 21, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Diary Ng NerdWhere stories live. Discover now