Chapter 7

28 3 2
                                    

CHAPTER 7


Sobrang antok na antok na ako kaya nang pwede nang ilabas ang anak ko ay umuwi kaagad kami at diretso sa kwarto para makabawi naman ako ng tulog. Dalawang araw din kami sa ospital kaya hindi pa rin ako pumasok sa university. Mukha na akong zombie sa sobrang puyat ko. Hindi ba naman ako natutulog sa pagbabantay sa anak ko eh!

Makalipas ang limang oras ay nagulat na lang ako sa pag-alog ng balikat ko. Pagdilat ko nakita ko si  yaya Meding na ginigising ako kaya napaupo ako habang kinukusot ang mata.


"Yaya bakit po?" tanong ko habang naghihikab. Kahit paano naman nasulit na rin ang tulog ko. Nakita ko ang baby ko na naglalaro sa playmat habang hawak ang malalaking shapes na iba't ibang color.


"May bisita ka sa ibaba Dess...Kanina pa siya naghihintay. Pinapaalis ko na nga kanina pa dahil sabi ko natutulog ka pero ayaw hihintayin ka raw niyang magising. Natatakot ako baka maabutan siya ng daddy mo!"mahabang sabi ni yaya na ikinagulat ko.

"Sinong bisita ko yaya?"tanong ko na nakakunot ang noo.

"Si Zac..."sagot ni yaya na sobrang kinabigla ko kaya bigla akong napatingin sa anak ko.

"Yaya...kayo na muna bahala kay Zasza...H'wag po kayong bababa ako nang bahala kay Zac. Hindi niya dapat makita ang anak ko."bilin ko kay yaya habang palabas ng kwarto. Hinaplos ko lang ng konti ang buhok ko at damit para masigurong maayos akong haharap kay Zac. Pagkababa ko sa hagdan ay agad tumayo si Zac nang makita niya ako.


"Dessa!Kamusta na? Magaling ka na ba? Two days ka nang absent kaya naisipan kong dalawin ka na dito sa inyo..."sabi ni Zac habang bumabalik sa pagkaupo sa sofa.


"Ok naman na ko. Hindi ka na sana nag-abala pang dumalaw papasok naman na ko bukas. Nagtext na ko sa mga prof natin. Well, thanks anyway!"sabi ko na lang kay Zac habang paupo sa sofa paharap sa kaniya.

Naiilang ako sa mga titig niya at natatakot din at the same time. Hindi na siya dapat pang pumunta pa dito sa amin. Ano pa bang gustong mangyari ni Zac? Siya na rin naman ang may sabi na wala na kaming dapat pag-usapan pa. Natatandaan ko lahat ng binitiwan niyang salita sa tv show kung saan siya nag-guest.


"Bakit ganyan ang pakitungo mo sa akin? Nag-alala lang naman ako ng sobra sa iyo. Hindi mo man lang ba naappreciate ang pag-alala at effort ko Dessa?"tanong ni Zac na nakakunot ang noo. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang mga tanong niya.

"Sana noon pa Zac...sana noon pa..."nasabi ko na lang na naiiyak. Sana noon pa niya naisip na mag-effort. Noong kailangan ko siya. Noong kailangan namin siya ng anak namin. Hinayaan niya lang na paglayuin kami ni daddy.


"Dessa...hindi mo lang alam ang pinagdaanan ko noon. Gumawa ako ng paraan para magkausap tayo pero laging humaharang ang daddy mo. Pilit ka niyang inilalayo sa akin."sabi ni Zac habang hinihilamos ang palad sa mukha.

"Anong paraan ang sinasabi mo? Iyong hayaan akong makaalis papuntang states tapos ni hindi ka man lang sumipot sa airport para magkita tayo? Alam mo bang that day ay pinlano ko na sumama sa iyo? Pero hindi ka sumasagot sa mga text at tawag ko. Hanggang sa makarating ako ng states...ni hindi ka man lang nag-effort na ma-contact ako. Wala Zac! Nasaan ang effort na sinasabi mo???"sabi ko na naiiyak na sobrang emosyon na nararamdaman ko.


"Hindi mo alam Dessa ang pinagdaanan kong hirap para makausap at makita ka lang. You can ask your dad about it! Alam niyang lahat dahil siya mismo ang may kagagawan ng paghihirap nating dalawa!"sabi ni Zac na kinagulat ko.


"H'wag mong sisihin si daddy Zac! Hindi ako naniniwala na magagawa ni daddy iyang sinasabi mo! Mabuti pang umalis ka na... Ayoko nang marinig pa ang mga kasinungalingan mo!"sigaw ko sa kaniya sa sobrang galit na nararamdaman ko.

Hindi ako naniniwala sa sinasabi niyang si daddy ang may kagagawan ng paghihirap namin. Mahal ako ni daddy...noong una nadismaya ako sa kagustuhan niyang ipa-abort ko ang anak ko pero dagli ring nagbago ang desisyon niya. Ipinagpatuloy ko ang pagbubuntis dahil inaasahan ko na magiging maayos din ang lahat. Inisip ko na sa pagbabalik ko dito sa pinas ay maari na naming ituloy ni Zac ang relasyon namin kahit ako na ang gumawa ng effort.

Pero nagulat na lang ako sa nalaman ko na isa na siyang artista at may iniingatang reputasyon. Bukod pa sa mayroon na rin siyang bagong lovelife kaya napagpasyahan ko nang h'wag nang ipakilala sa kaniya ang anak ko!


Nakita ko si Zac na nagmamadaling umalis at dumiretso sa kotse niya. Natanawan kong hinampas nito ang hood ng sasakyan niya saka pumasok sa loob at saka pinaharurot ito. Nalilito ako. Hindi ko na alam ang dapat isipin at maramdaman. Parang namamanhid na ko sa iba't ibang damdamin na bumabalot sa puso ko...

Diary Ng NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon