Chapter 5

27 3 1
                                    

CHAPTER 5

Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Sinamantala ko hangga't tulog pa ang anak ko ay umalis agad ako papuntang university.

Kapag kasi naabutan niya ko sa paggising niya ay mahihirapan na naman akong umalis. Nagsuot lang ako ng simpleng white shirt at maong skirt. Tinernuhan ko na lang ng sandals na silver at bag na Louis Vuitton.

Nakarating ako sa classroom 5 minutes before ang start ng klase ko. Naabutan ko na si Nick na nakayupyop sa upuan habang nakapasak sa tenga ang headset.

Paglapit ko ay hinawi ko ang headset niya at binulungan siya ng 'good morning'. Napabangon si Nick sabay halik sa pisngi ko.

Nagulat kami nang may parang bumagsak na bagay sa likuran namin kaya sabay kaming napatingin. Si Zac pala, inihagis ang gamit niya sa upuan. Ano na naman kaya ang problema niya?

"Kailan ka pa naging friendly? Ang pagkakatanda ko ay isnabera ka." bulong ni Zac na dinig na dinig ko. Obvious na para sa akin yun pero hindi ko na lang siya pinansin.


"Nakakainis naman may nakapasok atang bubuyog dito!"hindi ako nakatiis ay sabi ko kay Nick dahil sa naririnig kong pagdadabog sa likuran ko. Kumunot naman ang noo nito at inalis ang headset sa tenga.

"Ha? Anong sinabi mo hindi ko narinig." tanong ni Nick pero umiling na lang ako at hindi ko na inulit ang sinabi ko dahil para talaga iyon kay Zac. Nagtataka ako kung bakit naging classmate ko rin siya sa una kong subject samantalang dalawang subject lang sa bandang hapon kami magkaklase nitong nakaraang mga araw.

Napailing na lang ako.

Maya-maya ay dumating ang prof namin kaya natahimik ang lahat at nagsiayos ng upo.

"Mabuti naman at nakapasok ka na sa subject ko Zac! Tapos na ba shooting niyo?" tanong ng prof namin kaya lahat kami ay napalingon kay Zac.

"Patapos pa lang po. May ibang scene na lang po ang tinatapos kaya baka bukas po ay makapasok na si Faith."sabi ni Zac sa prof namin kaya napabalik ang tingin namin sa harap. Napatango na lang ang prof namin at napansin ko naman ang mga classmates ko na tipong kinikilig.

"Yes! Classmates natin sina Zac at Faith...Ang sweet naman nila parehas din ng schedule ang kinuha." bulong nung isa kong classmate na babae sa katabi niya ring babae na mukhang nangingisay na sa sobrang kilig.

Naimbyerna tuloy ako kaya sinagi ng paa ko ang upuan niya pero nagkunwari na lang ako na hindi ko sinasadya.

Napatingin ako sa katabi kong si Nick at napansin kong nakatiim ang bagang nito. Bakit kaya? Mukhang may something sa kanilang tatlo nina Zac, Faith at Nick. Hay! Showbiz talaga...

After ng klase ay nagpunta ako ng library para matahimik ang mundo ko. Mas gusto kong mag-isa na lang muna dahil naiirita pa ko sa mga kaklase kong mongoloid. Mean na kung mean pero I don't care dahil badtrip talaga ako ngayong araw na 'to.

Nagbabasa ako ng book habang walang tigil sa pagtitext. Kinakamusta ko kasi ang lagay ng anak ko dahil nalaman ko kay yaya Meding na may sinat si Zasza. Gusto ko na nga sanang umuwi kung wala lang kaming long quiz mamaya sa isa kong subject.

Nagtext na lang ako kay daddy na i-check ang anak ko dahil hindi pa ko pwedeng umuwi. Sobrang nag-aalala na kasi ako sa anak ko kaya hindi ko naman namalayan ang oras.

"Let's go Dessa! Mag-start na klase natin tigilan mo na 'yang pagtitext..hindi ka naman nagbabasa kanina pa. Mali-late na tayo!"sabi ni Zac sabay hatak sa braso ko. Hindi ko namalayan na katabi ko pala siya sa silya sa loob ng library! Shit! Baka nabasa niya yung mga text ko about sa anak namin? Ayoko nang ipaalam sa kaniya na hindi pinalaglag ni daddy ang anak namin.

Hindi na niya dapat malaman na tinuloy ko ang pagbubuntis ko sa anak niya. May Faith na siya at ayoko ring makasira sa showbiz career niya. Wala na kami dahil matagal nang tapos ang lahat sa amin...

"Tititigan mo lang ba ko? Mahuhuli na tayo sa klase."untag sa akin ni Zac nang mapansin niyang hindi ako kumikilos sa pagkakaupo ko.

"Bakit nandito ka? Kanina ka pa dyan?"tanong ko sa kaniya na kinakabahan. Sobrang gwapo ni Zac ngayon nang matitigan ko siya  nang malapitan!

"Magkasabay tayong pumasok dito sa library. Actually kanina ko pa napapansin na parang wala ka sa sarili mo. Hindi mo pinansin si Nick na tumatawag sa iyo kanina kaya sinamantala kong sabayan ka dito. Halika na mamaya na tayo mag-usap dahil late na tayo."aya sa akin ni Zac sabay kuha sa mga gamit ko na nasa table.

Hindi pa rin ako makakilos kaya naramdaman kong hinatak niya ko sa braso na ikinapitlag ko naman dahil sa kuryenteng naramdaman ko sa pagdaiti ng balat namin.


Diary Ng NerdWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu