Chapter 4

63 4 3
                                    

CHAPTER 4


After ng klase na iyon ay lumipat ako ng room. Ang pangit talaga ng nakuha kong schedule. Ang sumunod kong klase ay iba na ang mga classmates ko pero mukhang mabait naman ang prof naming lalaki. Mahilig magkwento ng kung anu-anong nakakatawa.

Ang mga sumunod na subjects ko ay classmates ko uli ang mga classmates ko kay Ma'am Borja. Hanggan sa huling klase ay kami pa rin ang magkakasama sa loob ng classroom. Ang pwesto namin ay ganun pa rin kaya magkatabi pa rin kami ni Dominick Padua si "Mr.Suplado".

Kahit paano ay nagkasundo rin kami ni Nick makalipas ang dalawang araw ng  klase namin na magkatabi kami. Sa akin siya sumasabay kapag kakain ako sa canteen at kapag tatambay ako sa library. Mas feel niya raw kasi ang company ko kesa sa iba na obvious na gusto lang makilala dahil kasama siya.

Nasa loob kami ng classroom at kasalukuyang hinihintay ang prof namin sa pangalawang huling subject namin.

"Dess lapit mo nga yang chair mo para kumportable ako..gusto ko lang umidlip saglit.Wala pa naman prof natin." sabi sa akin ni Nick kaya nilapit ko ang chair ko sa tabi niya. Yumupyop siya sa desk ng upuan ko at ako naman ay tinuloy ay ang paglalaro sa tablet na dala ni Nick.

Napatingin ako sa harap namin at hindi nga ko nagkamali dahil nakita ko ang mga classmates namin na nakatingin sa aming dalawa. Binalik ko na lang ang tingin ko sa nilalaro ko at di ko naman alintana ang pagpihit ng ulo ni Nick paharap sa akin habang natutulog. Nakatapat ang mukha niya sa dibdib ko pero hindi ko iyon napapansin dahil nag-eenjoy ako sa paglalaro sa tablet.

Makalipas ang 15 minutes ay may naramdaman akong bagong dating dahil narinig kong nagkagulo ang mga classmates ko kaya napatingin ako kung si prof na iyon.

Sobrang nagulat ako sa nakita kong lalaking pumasok sa loob ng classroom!

Si Zac??? Nag-aaral pa rin pala siya? Hindi pa rin pala siya nakatapos ng college? Dahil din ba sa showbiz gaya nitong si Nick? Kunsabagay two years pa nga pala bago siya makagraduate di gaya ko ilang taon pa ang bubunuin.

Nakatingin din sa akin si Zac na tila gulat na gulat. Naghanap siya ng bakanteng pwesto at nang makita niya ang bakanteng upuan sa Likod ko ay doon siya nagtungo.

Napansin kong palipat-lipat ang tingin niya sa akin at kay Nick na natutulog sa harap ko. Hindi ko alam kung babatiin ko ba si Zac or hindi ko na lang siya papansinin. Bigla akong pinagpawisan kahit airconditioned sa loob ng classroom.

"Long time no see Odessa..." bati sa akin ni Zac na kinagulat ko.

"Yeah! Long time no see..."sagot ko na lang sa kaniya. Napansin kong nagtagis ang bagang ni Zac kaya sinundan ko ng tingin ang tinititigan niya.

Si Nick!

Oo nga pala...Ang sagwa pala ng ayos namin ngayon ko lang napansin!

Nasa tapat siya ng dibdib ko at natutulog. Wala naman kasing malisya sa amin ni Nick iyon pero natakot pa rin ako sa maaaring isipin ni Zac sa akin.

Ginising ko na lang si Nick para umayos ng pwesto sakto naman na pagdating ng prof namin. Buong oras ng klase ay ilang na ilang ako. Feeling ko kasi ay nakatingin sa likod ko si Zac. Napansin kong napalingon si Nick sa likuran at nakita niya si Zac.

"Nag-enroll ka rin pala bro!"mahinang bati ni Nick kay Zac pero wala akong narinig na tugon mula kay Zac.

Hanggang sa huling klase ko ay magkaklase pa rin pala kami ni Zac. Doon pa rin ang pwesto niya sa likuran ko. Si Nick naman ay abot ng abot sa akin ng chocolate kisses na baon niya para pang-alis ng antok.

"F*ck!" Narinig kong sambit ni Zac mula sa likuran ko kaya napalingon ako sa kaniya. Nakita ko siyang palipat-lipat ng tingin sa akin at kay Nick.

Ano naman kaya problema niya? Gusto ba niya ng chocolates? Hindi naman akin iyon kaya hindi ko siya maalok. Actually mukhang hindi sila in good terms ni Nick kahit parehas silang artista. Hindi ko na kilala ang mga bagong artistang naglalabasan ngayon mula nang bumalik ako from states.

Uwian na at nakipagbeso-beso ako kay Nick para magpaalam. Naging ugali na namin iyon kapag magpapaalam or magbabatian nitong nakalipas na mga araw. Si Nick kasi ay dideretso ng taping niya at ako naman ay nagmamadali palaging makauwi dahil namimiss ko na ang bebe ko.

"Ihahatid na kita." sabi mula sa likuran ko bago ako tuluyang makalabas ng campus. Paglingon ko ay palapit na sa akin si Zac. Bigla akong kinabahan sa paglapit niyang iyon.

"No, Thank you na lang. Sige mauna na ko." sabi ko sa kaniya at nagmamadali akong umalis pero bago ako makadalawang hakbang ay nahawakan na niya ang braso ko para pigilan.

"Tatakasan mo na naman ako gaya ng dati. Iyan lang ba talaga ang alam mong gawin? Ang tumakas at iwan ako?" sabi ni Zac sa akin na nagdulot ng kilabot sa katawan ko dahil naramdaman ko ang hininga niya sa kaliwang tainga ko.

"Kailangan ko nang makauwi ng maaga Zac..."Hindi pa ko tapos sa sinasabi ko ay nagsalita agad si Zac.

"Kailangan nating mag-usap Dessa!" Matatag na sabi ni Zac sa akin. Hindi ko alam kung papayag ako o hindi. Pero naalala ko ang anak ko na baka hinahanap na ko ngayon. Bigla kong naalala ang napanood ko sa talk show na sinabi ni Zac.

"Di ba sabi mo sa isang talk show na wala naman na tayong dapat pang pag-usapan?" sabi ko sa kaniya at tumakbo akong palabas ng campus para hindi na niya ako mapigilan sa pag-alis. Hindi ko na inalam ang reaksyon niya sa sinabi ko sa kaniya. Bigla akong nainis uli sa kaniya nang maalala ko ang mga sinabi niya sa talk show.

Diary Ng NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon