"Miss Fernandez, you're next." Pagtatawag ng babaeng mukhang secretary ng may-ari nitong hotel.


"Coming!" Sigaw ko at tumango nalang Kay Sofia at umalis na para pumasok sa loob.


Pagkapasok na pagkapasok ko ay agad akong pinaupo No'ng lalaking halos kaedad ko lang at mukhang CEO nitong kompanya.

"Good morning, sir." Bati ko at umupo.

"Hand me your resume." Saad niya Kaya Dali Dali Kong inabot sakaniya Ang resume ko. Inusisa Niya Naman Ito at tumango tango.


"So, why should I hire you?" Tanong Niya. Ngumiti ako at sinimulang sagutin ang tanong Niya.


"You should hire me because I can do my job well and I've heard that this hotel is a well-known—"


"Another answer please. Paulit ulit ko ng naririnig 'yan. I want an honest answer." Pagpuputol Niya sa'kin. Pasimpleng umirap ako at pinilit na bigyan siya ng isang matamis na ngiti.


"Kailangan mo'ko i-hire kasi 'di hamak na mas magaling ako sa ibang nutritionist na naunang nag-apply. I can help you to choose what is right to eat. Lalo na't hotel itong kompanya mo. I can help you to add some nutritious Food in the menu so that more costumer could order food in us instead going outside to buy some food. Marami akong Alam na pagkain na madalang gamitin ng iba para sa healthy lifestyle—"

"Okay, stop. You can go now. My secretary will text if you're hired or not." Pagpuputol Niya ulit sa'kin. Bastos Naman nitong lalaking 'to. Ngumiti ako at tumayo agad.


"Thank you sir." Maikling Saad ko. Tumango Lang siya Kaya lumabas na ako. Nang makalabas ay agad akong napairap. Hindi pa nga ako tapos magsalita pinuputol Niya na. Tsk, pasalamat siya kailangan ko ng trabaho ngayon.



"Aida!" Tawag sa'kin Ni Sofia. Agad akong lumapit sakaniya at nagsimula kaming maglakad patungo sa elevator.


"Saan mo balak pumunta ngayon?" Tanong Niya sa'kin.



"Uuwi na. Hinihintay na ako ng anak ko. Paniguradong miss na ako agad no'n." Nakangiting Saad ko sakaniya. Gulat Naman siyang napatingin sa gawi ko.


"A-anak? May anak kana??" Hindi makapaniwalang tanong Niya.



"Yups, 4 year old daughter. Her name is Anatacia Stacey Fernandez." Napatakip Naman siya sa bibig Niya at Tila Hindi parin naniniwala.



"Ang ganda ganda mo at sexy tapos may anak kana?!?! Ilang taon kana ba?!" Gulat parin tanong Niya. Agad Kong tinakpan Ang bibig Niya dahil sa ingay ng bunganga Niya.



"25 na ako. College ako No'ng nabuntis ako sakaniya." Pagpapaliwanag ko. Agad naming sumakay sa elevator at bumaba para makauwi.



"Nasaan 'yong tatay?" Bigla akong natigilan sa tanong niya.



"Wala. Wala siyang ama." Maikling sagot ko. Napatango tango Naman siya at parang Alam niya ng iniwan ako or Kaya Hindi pinanindigan.



"Osiya sige na, Mauna na ako at baka hinihintay na ako ni Lola at Shania sa bahay." Wika Niya.



"Mag-iingat ka!" Saad ko. Tumango siya at agad pumara ng Jeep. Gusto ko Sana siyang ihatid pero ayaw niya. May number ako sakaniya in case na baka Isa kami sa makukuha since apat na nutritionist ang kukunin.



Sumakay ako sa kotse ni daddy na siyang ginamit ko papunta rito. Wala akong sariling kotse. Dumaan muna ako saglit sa SM para bilhan ng bagong laruan si anatacia para matuwa siya.



Pagpasok ko ng SM ay agad akong nagtungo sa Toy Kingdom. Pinili ko Ang doll house na laruan since mahilig sa gano'n si anatacia. Agad ko 'yon binayaran sa counter at lumabas na.



Habang naglalakad patungong national bookstore. Napatigil ako ng Makita sa Men's boutique ang picture Ni...... Ni Terizla Kung saan siya Ang Modelo ng nasabing mga damit. Ang laki ng pinagbago ng itsura at katawan niya. He became more Matured at mas lalong kumorte ako katawan niya. In short, he's still the handsome TERIZLA SEAN FERRER. Napailing nalang ako at tumuloy sa paglalakad papuntang bookstore.



Wala ring sense Kung tititigan ko ang larawan niyan he's still the selfish and cruel man I ever met. Nang mabili Ang kailangan ko sa bookstore ay umuwi Rin ako agad.



"Anatacia, baby, I'm home!" Masayang wika ko. Agad siyang lumingon sa gawi ko at may gumihit na tuwa sa itsura Niya. Sinalubong Niya ako ng yakap Kaya agad ko 'yon ginantihan.



"Namiss po Kita, mommy." She pouted her lips.


"Namiss Rin Kita, baby. By the way, may pasalubong ako sa'yo." Wika ko. Mas lalong lumiwanag Ang itsura niya.



"Really?! Pasalubong?? Where mommy?" She excitedly asked. Agad Kong itinaas Ang hawak Kong paper bag na may lamang doll house na binili ko kanina sa SM.



Kinuha Niya agad 'yon at tinignan.


"Thank you for this, mommy!" Wika Niya at pinasadahan ako NG Isa pang yakap.



"Anything for you, baby." Wika ko. Nagpaalam Naman siya agad na maglalaro NG bago niyang doll house. Ako Naman ay dumiretso sa kwarto namin para makapagpalit ng damit.



Nang matapos akong magpalit ay tumulong ako Kayla Yaya na maghain ng magiging hapunan.

THAMUZ SERIES 1: He's back |COMPLETED|Where stories live. Discover now