chapter 13

1.9K 33 4
                                    

A/N: special mention to DESTINYROSE_GABRIELE thank you for supporting me and for appreciating my story!

Aida's POV

Kakadischarge lang ni Anatacia ngayon. Pauwi na kami para makapagpahinga siya ulit. Tahimik lang kaming dalawa sa byahe. Wala si Terizla dahil may shooting Ito. Naalala ko pa kung paano siya nainis dahil Hindi Niya kami maihahatid pauwi ngayon.



"Sweetie, do you want something to eat? Para mabili natin." Pagbasag ko sa katahimikan. Umiling lang siya sa'kin bilang sagot. Napabuntong hininga nalang ako.


Alam kong nagtatampo siya Kasi Hindi kami maihahatid ng daddy Niya. Nagpromise pa Naman si Terizla Ang kaso, biglang may shooting sila at sakto Naman sa oras ng pag-uwi namin. Alam kong Hindi din ginusto Ni Terizla na masira Ang pangako Niya kaso hindi pwede na hindi siya pumasok sa trabaho Niya at baka magalit ang daddy niya. Hanggang ngayon ay wala paring alam ang daddy niya tungkol sa anak namin. Ayaw niyang ipaalam dahil baka hindi tanggapin ng ama niya dahil baka masira Ang career nito at ayaw ko ding ipaalam dahil ayoko na baka ipagtabuyan niya Lang Ang anak ko.


Nang makarating sa bahay ay bumaba ako Mula sa kotse. Sumunod naman si Anatacia.



"Yaya, pakikuha nalang ng gamit namin sa kotse." Saad ko.


"Opo, ma'am." Maikling Saad nito at yumuko. Pumasok Naman na agad ako sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa kwarto ni Anatacia. Pagkarating ko roon ay naabutan ko siyang nakaupo sa kama niya at tahimik na umiiyak.



Hays, kahapon palang sila nagkakilala Ni Terizla pero napalapit agad ang loob Niya sa daddy Niya.



Lumapit ako sa kama Niya at ipinatong ang bag ko sa table na nasa gilid nito. Umupo ako katabi niya at marahang hinaplos ang buhok Niya.



"Don't cry, sweetie. Mamaya, pupuntahan ka ng daddy mo dito, okay? Tahan na."



"M-mommy, Hindi n-naman po a-aalis si daddy ulit, 'di ba po?" Para akong binaril sa puso dahil sa paghikbi Niya. Kaya ba siya umiiyak? Kasi iniisip Niya na baka Hindi na bumalik ang daddy Niya?



"Babalik siya, sweetie. Nagtrabaho lang ang daddy mo. 'di ba Sabi niya papasyal kayo? Tahan kana, ha? Nagwork Lang si daddy." Wika ko at hinaplos haplos Ang buhok Niya.




"Ano p-po ba Ang w-work ni daddy, m-mommy? Bawal p-po ba s-siya um-absent? A-ano oras po siya m-matatapos? Gusto k-ko na po s-siya Makita at m-makasama." Umiiyak parin nitong Saad. Hindi ko Alam... Hindi ko Alam Kung anong oras siya matatapos dahil artista Ang daddy mo, anak. Minsan inaabot na sila ng umaga sa taping nila. Ayan Ang gusto Kong isagot ngunit iba Ang lumabas sa bibig ko.



"Gabi pa matatapos Ang work ng daddy mo, artista Kasi siya, sweetie. Hindi siya pwede umabsent dahil papagalitan siya ng daddy Niya." Pagpapaliwanag ko. Tumigil Naman siya sa pag-iyak at hinarap ako.


"Kung gano'n po *sniff* pwede ko mapanood si daddy sa TV?" Biglang lumiwanag ang mukha Niya sa tinanong. Nakangiti Naman akong tumango.


"Let's watch him po, mommy!" Agad akong tumango. Gumayak kami sa sala at binuksan ko ang TV. Hindi ko Alam Kung anong oras ipinapalabas ang drama ni Terizla.



"Sweetie, hintayin mo nalang na lumabas Ang drama ni daddy mo, ha? Maghahanda Lang ako ng hapunan natin."



"Opo, mommy. I want steak for dinner po." She said.



THAMUZ SERIES 1: He's back |COMPLETED|Where stories live. Discover now