Chapter 1

52 1 0
                                    

'Beginning of the Chaos'

DAMON'S POV

"WE JUST WANT TO ORIENT EVERYBODY THAT THERE WILL BE 3 NEW TRANSFER STUDENTS FROM SAJI UNIVERSITY." biglang announce sa intercom kaya lahat ng students ay napatigil.

Almost all of our students stopped whatever they were doing to look at each other and began to complain together. The whole school became a bee hive, Everybody was talking. Lahat sila nagbubulungan at halatang halata sa lahat ng mga estudyante na labag sa kalooban nilang may mapahalong tulad nila sa paaralan namin.

Saji University?!

Kahit sinong estudyante ng Williamson, O kahit anong paaralan pa yan ay tututol kung malalaman na may papasok sa paaralan nila na nagmula sa SAJI UNIVERSITY. Walang may gusto ang makahalubilo ang mga estudyanteng nanggaling sa basurang paaralan na iyon.

Mabigat ang paghinga ko at salubong ang kilay ko habang papasok ako sa mismong paaralan namin mula sa parking lot kung saan dun palang ay nakasagap nako ng masamang balita. Mukhang iba ang ihip ng hangin ngayon at hindi ako gustong bigyan ng magandang senior year sa huling pagkakataon.

"Pre narinig mo?" biglang tanong sakin ni Ken na mukhang tumakbo pa papunta sakin para lang tanungin yang napakawalang kwentang tanong na yan.

"Tanga ka ba? Malamang inannounce nga diba?" irita kong sagot kaya natawa siya ng bahagya habang nakahawak pa sa ulo at umiiling, Inayos nya ang buhok tsaka ulit humarap sa akin.

"Oo nga pala, Sorry naman. Ang sama ata ng timpla mo ngayon." tumatawa nyang sabi sakin kaya binatukan ko siya dahil nabuibuisit ako sa tawa nya tapos dumagdag pa yung announcement.

Ano ba ang pumasok sa utak ni dad at hinayaan nyang may mag enrol dito na taga doon? Eh alam naman nya kung anong nangyare nung freshmen ako.

"Bakit tumanggap sila Lolo ng taga SAJI!?" inis na tanong ko kay Ken habang marahas na ginulo ang buhok dahil sa pagkairita mula sa balitang ipinahayag kanina.

"Maybe because the owner of SU owns the land where our school is at so they have every right to transfer one of their students here since it's basically theirs." biglang singit ni Scott gamit ang "duh" na tono nya na naglalakad.

Nakapamulsa syang naglalakad habang ang isang strap ng bag nya ay nakasabit sa kaliwang balikat nya at preskong preskong naglalakad papalapit samin.

Nakipagbro-hug ako sakaniya. "Since when did you know?" nagtataka kong tanong kay scott tsaka kami naglakad lakad.

Ewan ko ba dito, Bigla bigla nalang madaming nalalaman tungkol sa mga ganitong bagay. Hindi naman maipagkakaila na sa aming tatlo si Scott ang pinakamatalino, Si Ken ang pinakamaligalig at ako ang pinakagwapo. Facts baby!

"Last night, Our dads had a meeting in our house. I listened in the cctv room." parang kaswal lang na sabi niya, Parang wala lang sakaniya ang ginawa nyang pagpuslit at pagtakas upang makinig sa usapan ng matatanda.

Nasa tamang edad naman na kami, Lahat kami ay legal na ang edad pero kahit ganon ay tinatrato parin kaming mga bata ng mga parents namin. Tratratuhin lang daw nila kaming adult kung nasa kolehiyo na kami. Which is stupid!

"Hindi ako papayag ng may taga-SU dito. Baka nakakalimutan nyo yung nangyare dati." inis kong paalala sakanila kaya dahan dahan na naiyukom ni Scott at Ken yung mga kamay nila.

I saw anger in their eyes, I saw how furious they were by the memory of what happened in the past like it was yesterday. That memory will forever remain in us like it's some sort of a tattoo that cannot be removed, That memory is permanent in our hearts and in our minds. It was almost the downfall of us, the image of our family, and the whole school.

Born in PainWhere stories live. Discover now