Chapter 6

1.9K 95 43
                                    

Chapter 6

It has been a week in Tokyo and my life seems going upside and down. Hindi pa naman nangyayari ang mga gusto kong mangyari. But I guess it might take time at hindi ko rapat madaliin. I'm here to take everything slow and cherish every moment. Hindi ko naman mamadaliin. My contracts permit me to stay for only six months kaya sa loob nang ilang buwan na 'yon, I will make this time to do something good.

Not someone who could be against them.

I'm with Sasa on a Friday night, tinawagan ko siya dahil wala na naman si Trent sa condo. He's with Albertyne kaya meron akong time magliwaliw. Nagpaalam ako sa kanya though he doesn't have any idea na sa club ako pupunta ngayon.

"So, what you and your boss are up to now?" tanong ni Sasa sa akin.

I scrunched my face. "Duh? Wala. Issue ka, girl."

"Weh? Mukha namang meron talaga," panunudyo pa nito.

Binatukan ko siya dahil hindi niya talaga ako titigilan na i-link sa akin ang boss ko.

"Ito naman," nguso pa nito. "Pero nakakapagtaka, bakit wala kang ideya na well-known billionaire pala 'yang boss mo? I thought you're just babysitting a toddler kasi girl, alam naman ng lahat na walang anak 'yang boss mo. How could you resist the temptation?!"

I grunted, rolling my eyes at her. "No, I did not know him and that's actually not a big deal."

Binalik naman niya ang pamamatok sa kanya. I glared at her but she's so serious that what I said was something erroneous.

"What—Why did you do that?!"

"Let me explain," she said and cleared her throat. "I don't even need to research his whole biography but just to give you some proof, ay screenshots ako for better understanding okay?"

"Bahala ka," walang gana kong sagot sa kanya. We're heading to a club na hindi pa rin niya sinasabi sa akin kung saan kasi for sure, mag-eenjoy daw ako nang bongga kaya hinayaan mo na lang muna siya. She knows Tokyo more than me.

"Before I even came here five years ago—"

"Five years ka na rito?"

Tinanguan niya ako ng mabilis. "Oo, girl. Ang bilis nga lang ng panahon. Pagkagraduate ko ng college, diretsyo agad ako na mag-apply abroad at may experiences na rin naman ako dahil working student ako before so hindi ako nahirapan on that part. Anyway, nalilihis tayo sa usapan. My story isn't that relevant kaysa diyan sa boss mo."

"Oh, okay... but if you'd like to talk about your story—"

"Next time," pagputol nito sa akin. Nanahimik na lang din ako at hindi na sumabat pa. "I know Trent Hu even before. Hindi siya model. Hindi siya celebrity. He's a known billionaire. Maraming humanga sa kanya na sa edad niya pa lang ay sukduluan na ng yaman niya. And for sure, hindi mo rin alam kung anong business ng boss mo, am I right?"

Napangiwi ako at saka umiling. Kukurutin pa sana niya ako sa tagiliran ko pero ako na mismo ang umiwas.

"He owned an international bank and a few fast-growing retailing companies. Kung hindi ako nagkakamali, he owned some real estate group of companies, basta 'yon. Hindi ko 'yon na-research at 'wag na natin ipamukha sa sarili natin na sobrang yaman niya. So 'yon nga. Why am I so surprised that a person like Trent Hu would get a nanny that in the very first place ay wala naman siyang anak? Nakakaloka."

"But he's fucking someone... baka may mabuo."

Nanlaki ang mata ni Sasa sa sinabi ko. "Goodness, gracious! That's a big scandal," halos pabulong na niya iyong sinabi sa akin at lumilingon sa dinaraanan namin para siguradong walang nakarinig. "How sure are you?"

Night Life in TokyoWhere stories live. Discover now