Chapter 28

1.5K 76 8
                                    

Chapter 28


I keeping looking and questioning myself in front of the mirror. Hindi ako makuntento. Feeling ko hindi pa sapat itong susuotin ko tonight. I didn't even stress myself out again after getting into this situation once again. Halos sampung dress na ang nailabas ko sa closet ko at wala akong matipuhan na sa tingin ko ay babagay sa akin.

Napasalampak na lamang ako sa sahig dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. I only have twenty minutes left at hindi pa ako nakakapag-ayos.

"Girl! Umayos ka nga!" sigaw ni Sasa mula sa video call. "Lahat naman ng damit na sinuot mo kanina ay bagay na sa 'yo. Choosy ka pa!"

"E kasi naman..."

"Girl, tama na angal," usal ni Sasa. "Kahit siguro nga hindi ka na nga magsuot, bet na bet ka na ni Trent! Akalain mo pupuntahan ka pa niya r'yan? I wasn't really expecting he'll go to that point pero girl, naniniwala akong true love na 'yan. Ayan na talaga 'yong taong hinihintay mo. Iyong taong magpapahalaga sa 'yo."

"Kaya nga help me choose something to wear!" I exclaimed, grunting.

"Girl! Isa pa! Ilang beses ko pa bang sasabihin!" usal ni Sasa at halos itapon na niya ang telepono niya palayo at ipasok ang kamay sa screen ng phone para masubunutan ako. "Just wear the sapphire one. Mas bet ko sa 'yo 'yon! Hindi masyadong daring."

"The satin backless dress? Hello? That's too daring kaya! 'Wag kang ano r'yan."

"Girl, kung nandito ka lang sa Tokyo kanina pa kita nabatukan kasi ang kulit kulit mo," panunudyo nito sa akin. "Basta! Believe me! Trent will appreciate it! Pero kung hindi mo naman bet, pwede mo namang ipadala sa akin dito sa Japan at akong magsusuot. Baka bumigay din sa akin si Dakito."

"Hoy, gaga ka talaga! Sige na, iyon na ang susuotin ko."

Pumalakpak naman si Sasa at sinimulan ko namang suotin ang sapphire satin backless dress. Kahit marami akong choices na nakataklob ang buo kong katawan, but this is not me teasing Trent. Gusto ko lang maging presentable sa harap niya. And I wanted to see how he will react after not seeing me for a whole month.

Nang mausot ko naman ang dress ay iniharap ko sa camera para makita ni Sasa ang kabuuang hitsura nito sa katawan ko. Pinaikot niya pa ako to see how it look like from the back at tumili naman ang gaga nang makita niya ako.

"Girl, trust me, sa kama ang tuloy niyo tonight!"

"Shut up, Sasa. Hindi 'yon mangyayari."

"Don't shut me up. Halos isang buwan tayong hindi nagkita tapos papatahimik mo lang ako? I don't think I would. Pero dalian mo na rin kumilos. Magta-trabaho na ako mamaya-maya. Papauwi na rin si Dakito."

"Should I go with heels or flats?"

"Wear what you feel comfortable for you. Wear heels siguro mga three-inch lang para mag-compliment sa dress mo. That dress goes only above your knee kaya kitang-kita ang long legs mo and it's good to flaunt it with heels as well."

"And where did you know how to do fashion?"

"Simula nang umalis ka," aniya. "I did something to entertain myself dahil hindi pa rin ako basta basta na lang pumunta sa nighclubs so I do something na mapaghahandaan ko once I can finally go out freely sa nightclubs."

"And then I'm your first client."

"Yup, and that's a hundred thousand yen."

"Okay then bye," aniko at akmang papatayin ang video call pero pinigilan niya sa pagsigaw niya. "Bakit? May sasabihin ka pa ba sa akin?"

Night Life in TokyoWhere stories live. Discover now