Chapter 2

2.4K 106 44
                                    

Chapter 2

I keep looking at the time on my phone every goddamn minute. Paniguradong pansin na ng kasama ko ang pangangarag ko pero mukhang wala siyang pakialam. She's doing make-up pa nga. Hindi alintana sa kanya na nasa loob kami ng sasakyan at medyo maalog pero super fine nang pagkakalagay niya ng red lipstick at blush on sa kanyang mukha. She even wanted me to put some eye liner pero hindi ako pumayag. Baka masundot ko pa 'yan in no time at kasuhan niya pa ako. Hindi ko kailangan ng problema but she's already bringing me into one.

Bakit nga ba ako sumama sa kanya?

I just freaking got here tapos party is life na kaagad? How would my boss react? Feeling ko mas lalong tatalim ang tingin no'n sa akin. Ni hindi ko na nga mabasa dahil halos walang expression niyang pakikipag-usap pero umaasa na lang ako na hindi kaagad siya uuwi.

And just to make myself at peace, wala naman siyang ibang pinapagawa sa akin bukod sa ayusin ang gamit. I guess that'll be fine. I shouldn't worry about other things.

"How do I look na?" tanong nito saka siya humarap sa akin. She pucked her lips and then circled the end of her hair with her finger.

I looked at her and she did great. Nagawa niya pang gawing winged ang pagkakalagay niya. Tumango ako bilang pagbibigay puri sa ginawa niya. "You look so pretty."

"Thanks," she giggled. "Malapit na rin tayo so be ready."

Napangisi ako at tumaas ang kilay ko. "Saan ba kasi tayo pupunta?"

She grinned. "You'll see."

It doesn't take too long nang huminto ang taxi at bumaba kmai. I still don't have any idea kung nasaan kami ngayon. Our travel only took thirteen to fifteen minutes from where we are kanina. Naghati pa kaming dalawa sa pamasahe. Pinagastos pa ako ng babaitang ito at hindi ko naman alam kung saan  niya ako dadalhin. She might be a member of some underground gang o kung ano man ang tawag nila sa sarili nila. But she doesn't look like to be one of those bad guys.

I still don't know her pero sinusundan ko lang siya dahil ayokong maligaw. I have my phone, some money but I couldn't afford to lose on my first night here alone. Hawak-hawak ko ang braso niya ay nakikisuong kami sa dagsa ng mga tao sa paligid.

Obviously, common sense na lang 'yan. It's Friday and people are alive at night to have some fun at ganito rin siguro ang pakay ng babaitang ito. If she's going to bring me para mapahamak, I would call her employer immediately para pabalikin siya sa Pinas. I mean, that's harsh pero kapag naapakan na ang pagkatao ko, walang talo talo r'yan girl. 

"Nasa'n ba tayo?" pagtatanong ko sa kanya habang hinahabol ko ang bawat bilis ng hakbang niya. May hinahabol ba siya? Ako meron. Ayokong mabigyan kaagad ng sermon galing sa boss. That would be the death of me. Maybe it would be the death of me. Maybe lang naman. 'Di pa sure.

She gave me a quick glance sabay ngiti. "Nasa Shibuya tayo."

"Oooh, the busiest intersection in the whole world? Pupunta tayo ro'n?"

"Not quite," sagot nito sa akin. "Hindi tayo tatawid do'n but maybe later. Malapit na lang din naman tayo sa unang place na pupuntahan natin. Don't worry, hindi naman nito bubutasin ang bulsa mo. Trust me, this is my only way of hanging out kapag stress na sa work ko. You'll see, your nightlife will never be the same again if you experience this one."

We were walking on sidewalks pero ang mata ko ay gumagala sa buong plaigid. There were too many blinking colorful LED lights flashing around. Kahit saan siguro ako mapalingon ay may matatanaw akong mga signages na makukulay. It is seven in the evening pero buhay na buhay ang paligid. Mas nalula rin ako sa dami ng mga locals at foreigners na nakakasalubong namin.

Night Life in TokyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon