•CHAPTER 23•

3 1 0
                                    

Narra P. O. V.

Ilang Linggo na Ang lumipas pagkatapos mangyari Ang kaguluhang iyun.

At may kaunting umbok na rin Ang aking tiyan.

Naka upo ako ngayon sa sofa, nanonood Ng movie sa malaking screen Ng tv na nakakonekta sa loptop ko.

Dito sa malawak na field ko nilagay Ang bahay malapit sa pinagte- trainingan Ng mga prinsipe.

Noong unang pasok nila dito ay manghang mangha sila.
Nagulat rin sila nang Makita Ang mga assistant robots ko.

Nilibot ko sila sa buong bahay hanggang sa 4th floor.

At dito narin sila natutulog, mas comfortable daw Kasi Ang pinaghihigaan nila, actually tagiisang kwarto pa nga sila ih, namangha rin sila sa mga assistant robots ko dahil marunong magluto at marunong maglinis Ang mga ito.

At kapag nasa bahay Lang Ang mga prinsipe ay nagsusuot sila Ng mga T-shirt, pants, shorts na panlalaki, at naging adik naman sa games si junkyu, si Yedam naman ay nagaaral Ng English at mga bagay bagay, si Doyoung ay nasa itaas kasama si BobBob, pinapanood Kung paano gawin Ang mga baril, si Junghwan naman ay nasa kusina dahil nagpapaluto Kay YanYan Ng pagkain, si Asahi at Jaehyuk naman ay kanina pa naghaharutan, panay sila takbo, habol dito, habol doon, takbo dito, takbo doon, para silang mga bata.

Si Prinsipe Hyunsuk naman ay mababaliw na ako sa kaniya, paano naman Kasi, unang Kita niya palang sa mga damit na pinamimili ko sa mga mall ay naghalungkat na ito at dinala sa kaniyang silid.

Minsan pa ay lumabas ito na suot Ang pangsundalong damit at nagpagulong gulong ito sa sahig, hawak Ang baril at parang umaarte ito na may kalaban, kakapanood niya iyan Ng action movie ihh.

Si Jeongwoo naman ay nasa loob Ng kaniyang silid, kumakanta, hawak niya Ang mic na Hindi ko alam Kung saan nangaling, baka nabili ko rin Ng Hindi ko na mamalayan.

At kahit Gabi ay kumakanta ito, meron pang Gabi na Hindi ito tumigil kakakanta kaya nabugbog tuloy siya Ng kaniyang mga kapatid.

At ito namang asawa ko, katabi ko ngayon, nakahiga Ang kaniyang ulo sa aking hita at hinahaplos niya Ang aking tiyan, kinakantahan niya rin ito Ng lullaby.

Napakasaya ko dahil kasama ko Ang mga taong importante sa buhay ko.

------

Kinabukasan

Nagpaalam saakin si Jihoon na pupunta sa palasyo at babalik din kaagad.

Ngunit mag gagabi na at Wala paring Jihoon na bumalik.

At Ang lakas Ng pakiramdam ko na may masama Ng nangyari sa kaniya.

Hindi ako mapakali, kanina pa ako palakad lakad at pabalik balik.

Pumunta ako sa computer desk ko at tsaka tinignan ang GPS na nilagay ko sa sapatos niya. Nakahinto ito sa palasyo.

"Huwag kang mag alala, babalik din siya."

Pero iba Ang pakiramdam ko, parang may Mali.

Tinawagan ko Ang Mahal na Hari gamit Ang binigay m
kong phone sa kaniya, buti nalang at Alam niya itong sagutin.

Tinanong ko siya Kung nanjaan pa ba Ang ikalawang Prinsipe.

"Maliwanag pa Lang kanina ay agad na itong umalis."

Hindi ko namalayang nahulog ko na Ang hawak kong cellphone.

Then where on earth my husband??

Napatingin Ang lahat Ng prinsipe saakin.

You're Mine & I'm YoursWhere stories live. Discover now