•CHAPTER 21•

3 1 0
                                    

Jihoon P. O. V.
Pagmulat nang aking mga mata Wala ng Narra sa aking tabi.

Hinanap ko siya sa buong tahanan pero Wala siya, nang mapadpad ako sa mga halamanan ay nakita Kong nagkukumpulan Ang aking mga kapatid.

At si Jeongwoo at Jungwhan ay umiiyak.

Lumapit ako sa kanila at napaiwas sila Ng tingin Ng humarap sila saakin.

"Na...nasaan ang bi..binibini?"

Nanginginig Ang mga boses ko.
Pati Ang mga tuhod ko ay parang bibigay na.
Muli silang umiwas ng tingin.

Tinuro ni Jaehyuk Ang orasan.

Tuluyan na ngang bumigay Ang mga tuhod ko, at napaluhod na ako sa buhanginan.
May naramdaman akong likidong pumapatak Mula sa aking mga mata habang nakatingin sa orasan.

Tinapik ako Ng aking kapatid sa aking balikat.

"Babalik siya, magtiwala ka Lang sakaniya."

Isang araw Ang lumipas, hanggang maging dalawa, tatlo, apat, Lima, anim, pito, walo, siyam, sampo, labing Isa, labing dalawa, labing tatlong araw ay Hindi parin bumabalik Ang binibini, Hindi ako umalis sa kinalalagyan ko sa mga araw na iyun, hinahatidan ako Ng pagkain Ng aking mga kapatid, para akong naparalisa at Hindi na gumagalaw sa pwesto ko.

Bukas na Ang kasal, at mas gugustuhin ko nalang mamatay Kung Hindi si Narra Ang aking pakakasalan.

Nagulat na lamang ako ng dumating Ang amang Hari sa aming tirahan, binati siya Ng aking mga kapatid, pinaalis niya Ang mga ito at lumapit saakin.

" Mayroon kaming usapan, Kung Hindi siya bumalik ng dalawang linggo, matutuloy Ang iyong kasal Kay binibining Yoona, at Kung makakabalik naman siya ay hahayaan ko kayong magpakasal."

Mahabang lintanya nito.
Hindi ako umimik at pinatitigan ko Lang Ang orasan.

"Kumain ka at maligo, kailangan ay maayos ka kinabukasan, huwang kang magalala, Alam Kong babalik Ang binibini, ganon ka niya kamahal."

Napatingin ako sa Amang Hari.
Alam ko ring galing sa ibang panahon Ang aking ina, at nagmamahalan silang dalawa, ngunit napilitang umalis Ang aking ina dahil pinagtatangkaan Ang kaniyang buhay at Ang punong ministro Ang may kagagawan non.

Hindi ko Alam Kung bakit parang gustong sirain Ng punong ministro ang pamilya ko, pero Hindi ako papayag na sirain niya Ang pagmmahalan namin ni Narra.

Hindi ako makakapayag!

Kinabukasan

Abala Ang lahat sa pagaayos para sa magaganap na kasal.

Nakahanda narin Ang lahat.

Ngunit hanggang ngayon ay Wala parin Ang binibini.

Ilang oras nalang ay magsisimula na Ang seremoniya.

Nakasuot pang kasal narin ako at sa kabilang silid nman inaayusan si binibining Yoona.

Napakunot aking noo Ng hinihingal na pumasok Ang aking kapatid na Jeongwoo.

You're Mine & I'm YoursWhere stories live. Discover now