•CHAPTER 22•

3 1 0
                                    

Narra P. O. V

Paglabas ko sa portal ay bumungad saakin Ang matataas na bakal na nakaharang.

Anong lugar ito??

Pilit kong binubuksan Ang parang pintuan pero Hindi ko mabuksan.

Nasaan ba ako??

Mayamaya pa ay may boses akong narinig.

"Sirain niyo Ang orasan, bago pa makarating dito Ang mga prinsipe."

Pamilyar saakin Ang boses na iyun.
Sumilip ako sa maliliit na butas at nakita ko Ang balbasing ministro na ngayo'y umalis na sakay nang kaniyang kabayo.

Sisirain Ang orasan para Hindi na ako makabalik.!!?

Pinalaki ko Ang isang luggage Kung nasaan Ang mga new devices ko.

Kinuha ko Ang isang laser, nakakahiwa ito Ng kahit na anong bagay at maari ring ibalik sa dati.

Cool, right?!

Gumuhit ako Ng medyo malaking bilog at walang kaingay ingay ko itong binuksan, nang makalabas ako ay binalik ko ito sa dati.

Sa likod pala nito ay gubat na, kaya nagmadali akong dumiretso doon.

Bago pa ako makaalis ay narinig Kong sinisira na nila Ang orasan.

Buti nalang talaga at napaaga akong bumalik , kung hindi, hinding hindi na ako makakabalik dito.

Tinaas ko Ang laylayan ng aking puting dress na hanggang paa ko, atsaka nagpatuloy sa paglalakad-takbo.

Kailangan Kong bilisan dahil baka magumpisa na Ang wedding ceremony nila.
At Hindi ako makakapayag na ikasal si Jihoon sa bruhang iyun.

Nang Makita ko na ang malaking gate Ng palasyo ay agad Kong binuksan iyun, at nakita ko ang lalaking pinakamamahal ko kaharap ang bruhang Yoona, nagsimula na ata Ang ceremony, buti nalang at nakahabol pa ako.

Nakita ko Ang pagkagulat ng lahat Ng Tao doon.

Ang mga prinsipe naman ay parang nakakita Ng multo.

Tumingin ako sa lalaking nagpasaya saakin, Ang lalaking bumuo sa buhay ko,Ang lalaking minahal ko at mamahalin ko habang buhay.
Si Jihoon.
Na ngayo'y umiiyak na.

Tumakbo ito palapit saakin at ganon din ako.

Niyakap niya ako at niyakap ko rin siya Ng mahigpit.

Hinalikan niya Ang noo ko, at tinitigan ako sa mata.
Pinahid ko Ang luhang pumapatak sa kaniyang mga mata.

"Akala ko ay Hindi ka na babalik."

"Hindi ko hahayaang ikasal ka sa iba, sabihin man nila akong selfish , I don't care, because I love you, I want you, and you're the only one man that I need, and no matter what happen, You're mine and I'm yours."

Hinawakan ko Ang gilid Ng kaniyang mukha atsaka ko siya hinalikan.

He kissed me back, with a same longing, the same warmth and the same intensity.

"I love you more, I want you more, and You'll be mine and I'll be yours forever."

Nagulat ako sa narinig.
Nakakapagsalita at nakakaintindi siya Ng English??

Atsaka ko naalala Yung sa patag na damuhan, Yung gabing sinabi Kong sabihin niya Ang I love you, at kaya pala napatigil siya Ng sinabi Kong sabihin niya Ang kiss me.

You're Mine & I'm YoursМесто, где живут истории. Откройте их для себя