•CHAPTER 3•

7 2 0
                                    

Narra  P.o.v

Ang boring sa loob Ng suit kaya naman naglibot libot muna ako.

At Hindi ko namalayang nasa dulo na pala ako Ng resort.

At may umagaw saking pansin, isang maliit na bahay na puno Ng  mga magagandang bulaklak.

Pagkapasok ko roon ay lalo akong namangha sa mga nakita ko. Ang maliit na bahay na iyon ay punong puno Ng mga antique na mga kagamitan at napakaganda Ng mga ito.

Muntik na akong mapatalon Ng biglang may sumulpot na matanda sa aking harapan.

"Magandang umaga sa iyo, binibini"

Ani nito at yumuko pa.
Bakit parang Hindi sya taga rito.??

" Magandang umaga rin po"

"Maupo ka, binibini"
Aniya.

Pagka- upo ko ay bigla na lamang nyang hinawakan Ang kamay ko.

"Binibini, bago Ang iyong magiging kasal dadanak Ang dugo, at nais Kong pumunta ka rito,"

Hawak hawak nya pa rin Ang kamay ko at dinala ako Kung saan naroon Ang mga orasan.

"Dumiretsyo ka rito at ikaw ay matutulungan Ng orasan na ito"

Pagtutuloy nya at itinuro Ang isang napakalaking orasan.

Pano ako matutulungan Ng isang orasan??

"Saan po galing Ang orasan na iyan?"

Tanong ko .

"Galing iyan sa dinastiya ng Joseon, na Ang tawag ngayon ay Korea"

Ahhhh ganon pala Yun pero parang Hindi naman ganon kaluma itong orasan na toh parang bago pa kasi..

"Maraming salamat po, pero kailangan ko Ng umalis."

Paalis na Sana ako Ng humirit ulit sya

"Tatlong beses mo lang maaring gamitin Ang orasan, KaYA pagisipan mong mabuti Ang iyong desisyon "

Anito.

Kinakalibutan ako sa sinasabi Ng matanda wohhhh...

--

Mag 11 pm na, kaya naman ay lalabas na ako.

Katulad Ng napagusapan namin ni Lexx ay pumunta ako sa sinabi naming pagkikitaan namin.

At naroon nga siya, nakaupo at naghihintay.

"Lexx "

Mahinang tawag ko sa kaniya.
Napatingin ito sa direksyion ko at agad na tumayo.

Lumapit siya saakin at niyakap ako.

Yung yakap na mafefeel mo talaga na mahalaga ka at Mahal ka Ng taong kayakap mo.

You're Mine & I'm YoursWhere stories live. Discover now