•CHAPTER 14•

5 1 0
                                    

Prince Jihoon P. O. V

May pilit siyang kinukuha sa kaniyang bulsa, ngunit Hindi niya maabot ito dahil sa natamo niya KaYA naman ako na Ang nanguha.

May maliit na bagay Ang nasa bulsa niya .

"Ma...aari mo bang pi....pindu..tin... Ang kulay asul."

Aniya ginawa ko naman Ang sinabi niya at bigla malamang lumaki Ang bagay na iyon.

Binuksan ko ito.
May Kung ano anong bagay Ang naroon.

Inilapit ko sa kaniya ito.
Kinuha niya Ang pahabang bagay na may karayom sa dulo.

"Yung kul....lay.. as...sul"

Aniya, kinuha ko naman Ang maliit na lalagyan na may kulay asul na likido.

Hinigop Ng bagay na may karayom Ang likidong asul.

Ibinigay niya ito sa kamahalan na nasa tabi niya.

"Ka..ma..halan maaari niyo bang iturok I..ito sa a...king ba..likat "

Ginawa naman iyon Ng kamahalan.

Pinakuha naman niya Ang kulay pulang likido.
Hinigop rin ito Ng bagay na may karayom.

At itinurok niya ito sakaniyang balikat at tiyan, Kung saan malapit Ang mga sugat niya.

Ilang segundo Lang ay dahan dahan niyang tinanggal Ang palaso na nasa balikat niya.

Tumigil narin Ang paglabas Ng dugo sa kaniyang mga sugat.

At tuluyan na siyang nawalan Ng malay.

Saktong dumating Ang aking kapatid kasama Ang tulong.

----------

Mag wawalong araw na Ang nakalipas ngunit Hindi parin nagigising Ang binibini.

Ang mga kapatid ko ay bumalik na sa palasyo dahil sa mga tungkulin nila, ako naman ay nagpaiwan muna dito

Hindi namin pwedeng ilipat Ang binibini sa palasyo dahil sa lalim Ng mga natamo niyang sugat .

Ang kapatid ko namang si Jeongwoo ay Hindi parin lumalabas sa kaniyang silid at Hindi rin kumakain at sinisisi niya Ang kaniyang sarili sa nangyari sa binibini.

Sabi niya Hindi daw siya lalabas hanggang Hindi pa nagigising Ang binibini.

Kumuha ako Ng tela at isang lalagyan na may lamang tubig.

Pagpasok ko sa silid Kung nasaan naroroon Ang binibini ay nagulat ako.

Nakita ko Ang binibini na nakaupo at Kung makakain ay parang ito na Ang huli niya.

Punong puno Ang kaniyang bibig , at napakaraming pagkain Ang nakakalat sa bibig niya.

Nakakaaliw siyang panoorin.

Mas lalo pa akong napangiti Ng tumingin siya saakin at ngumiti na puno ang bibig.

"Nariyan ka pala Mahal na prinsipe."

Aniya sabay lunok.

"Salamat naman ay gising kana"

Sabi ko.
Tumingin siya saakin, Yung tingin na nakakaloko.

"Bakit? Nagaalala ka ba saakin Mahal na Prinsipe??"

Tumataas taas pa Ang kilay niya.

"Hindi!! Bakit naman ako magaalala sayo"

Nagalala ako Ng sobra!

You're Mine & I'm YoursWhere stories live. Discover now