✒ luna

24 1 0
                                    

parang ibon na makasama mo lang sa paglipad sapat na;

maging ang pakiramdam na nasa himpapawid ay tila iba.

hindi mapantayan, hindi matumbasan;

saktong ngisi lang, "haha-ng" malaman.

mahirap pa sa madali;

sa madaling araw nagtatago ang gabi.

kalahati ng buwan;

nawala, sa sikat ng araw, nagapi.

mainit pa sa malamig,

pinaglalaruan ang bawat titik.

mainit ang bawat titik,

pinaglalaruan pa sa malamig.

ang bawat letra na ginawang panggatong sa papel;

pilit ipinapag-kasya, makapal pa sa mapapel.

mahirap pa sa madali,

pinupulot lang ang bawat salita sa tabi.

bugtong-bugtong, hanapin ang naiiba,

bugtong-bugtong, hinanap ang magkaiba.

bugtong-bugtong, nahanap ang kakaiba,

bugtong-bugtong, parehas parin pala.

capacityWhere stories live. Discover now