✒ us

27 2 0
                                    

Panatag ang lugar na kinaroroonan natin ngayon at walang ibang gumagambala sa atin. Nakakatulong din ang katahimikan na dahilan kung bakit natin naririnig ang lakas ng tibok ng ating mga puso. Hawak ko ang iyong kamay habang marahan tayong gagalaw at mag-uumpisang sumayaw sa indak na nanggagaling sa ating mga nararamdaman para sa isa't isa. Nakakatuwa sigurong pagmasdan ang mga sarili natin habang sumasayaw na parehas kaliwa ang mga paa. Sabay tayong matututong sumayaw at sumabay sa tugtog ng pag-ibig nating dalawa. Hihilain kita palapit sa akin, dahan-dahang yayakapin. Damang-dama ako ang init na nanggagaling sa iyo na nagbibigay balanse sa lamig ng lugar na kinaroroonan natin ngayon. Tuloy-tuloy lang ang ating pagsayaw, dahan-dahan man subalit paunti-unti din naman tayong matututo. Yayakapin kita ng mahigpit, hindi na kita pakakawalan. Masaya lang ako at nandito pa rin tayo na kahit sa kabila mga baku-bakong daan at mga layo ng paglalakbay natin, walang bumitaw; nandito pa rin tayo.

Hinding-hindi ako bibitaw, hinding-hindi ako lalayo. At alam mo naman na nandito lang ako. Palagi.

Nandito lang ako, hindi ako mawawala.

Tayo.

Palagi.

capacityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon