✒ binary

187 11 0
                                    

Isa, dalawa, tatlo't kalahati;

ang ulit na ginawang sulyap.

Panakaw na dahan-dahan,

ang ginawang paghagilap,

Apat, lima, o anim na paru-paro;

Nasaan? Nasaan?

Sa hilaga ba o sa silangan?

Binibigkas na sarado ang bibig,

sinisigaw ng damdamin.

Hindi mawari't mapagtanto,

salitang dapat aminin.

Mga mata na dahilan ng pagsinta,

ngiti'y walang hirap nilagay sa mukha.

Pito at walo,

hanggang siyam na ulit pa.

Subalit agwat, mahirap;

Oras, hagilap.

Pilit na hanap,

hindi makalap.

Mulat ka, pikit ako;

pikit ka, mulat ako.

Lakad ng patakbo,

sa gitna magtagpo.

Muling nagdugtong,

mga mundong nabuo sa nakaraan.

Parang planado,

gawa ng tadhanang naranasan.

Huwag mahulog, muli;

sa lubid at higpitan ang hawak.

Sinong sasalo,

sa damdamin na pahamak?

Sampu; sampung ulit pinag-isipan,

bawat salitang isusulat.

Sampu din ang ulit,

na pagbulong sa pangalan.

Magbilang mula sampu hanggang isa;

sampu, siyam, walo, pito, anim at lima.

Apat, tatlo at dalawa,

isang buntong hininga.

Isa; ang bagay na gagawin ng paulit-ulit,

at siya, ang masayang trahedyang sinapit.

capacityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon