✒ content

65 3 14
                                    

hindi na ako kinakabahan;

nawala na ang panginginig ng kamay ko pero hindi pa rin masabi ang nararamdaman;

parehas lang sa pakiramdam kahit na malayo ka o malapit sa akin;

masaya.

ang 'yong ngiting walang mintis sa pagpapatigil ng aking mundo;

takaw-tingin na may kasamang sikretong ngiti na tayo lang ang nakakapansin;

hindi makalimot;

sadya na talagang walang papantay sa kagandahang naukit mo sa isip ko.

ang pakiramdam na sabik sa piling mo;

hindi na matago ang pag-ibig na nakalaan para sa'yo;

ibulong mo lang sa akin ang salitang gusto kong marinig;

naghihintay ako.

handang maging alipin ng pag-ibig mo;

iibigin ang isang katulad mo;

ikaw ang magiging liwanag ko sa dilim;

wala nang makakapigil sa atin.

capacityWhere stories live. Discover now