✒ cliché

105 6 0
                                    

Hindi alam kung paano
sasabihin,
mga katagang nagsusumigaw sa
damdamin.
Sinusulat na pilit, mga salita'y
inuukit.
Buksan ang isipan at piki't matang
makinig.

Sa dami ng pangako, hindi na alam kung alin ang
totoo.
Pilit pinapaniwala, sarili'y hindi na
natuto.

Hindi man sabihin, kitang-kita ang lalim, ng
sakit
na dinulot nang nakaraang 'di na gusto pang
baunin.

Puso'y ginawang bato, utak ay pilit
sinarado.
Hindi na nais pang
marinig
ang mga salitang paulit-ulit na ang
epekto.
Susubukan bang pasukin ang isang
bagay
na naghihingalo't papatunayan ang
layunin?

Nais marinig ang sinisigaw ng puso kaya't pilit ang
paglapit.
Pagbigyan nang pansin ang isang
alipin.

Hindi alam ang takbo ng
kapalaran.
Hindi rin tiyak kung sino ang
nakalaan.
Hindi man maalala kung saan ang
umpisa
subalit ang importante'y kung saan
papunta.

Hindi man masambit ang mga salitang matagal nang
hinihintay,
Pangakong magsisilbi pa ring
bantay.

Heto na naman, isang makatang walang
alam.
Hindi masabi ang salita kaya pilit sinusulat na
lang.
Nagpapakadalubhasa sa larangang hindi
kinaya
subalit sa pamamagitan nito'y masasambit ang mga katagang
'mahal kita'.

capacityOù les histoires vivent. Découvrez maintenant