Darating ang simula ng umagang kasama ka
At ang panahon na ang 'tayo' ay totoo na
Ang liwanag na nagmumula sa araw ang magbubunyag sa kagandahang taglay ng iyong mga mata
Magkalayong mundo ay magiging isaHindi sa hindi na masasaktan
Katulad din sa hindi na mahihirapan
Magiging parte lamang lahat ito ng laro ng tadhana
Na hindi maaaring iwasanAng mga pakonti-konti lang na oras na inilaan
Maingat na iniipon sa sisidlan
Ibibigay na kapalit sa paggawa ng mundong sa atin lang
Naging buo na sa isipanKung bibigyan man ng pagkakataong mahalin hanggang sa walang hanggan
Gagawin ng walang alinlangan
Natutong magsalita ang pusong tahimik sa paghihintay
Sa bawat pagtibok, and sigaw ay ang pagsintaHindi na bibitawan.
Hindi iiwanan.
Pipikit habang nagsasaya.
Wala nang makakapigil pa.Sa atin.