Chapter 30

470 32 13
                                    

CHAPTER 30: MADALIIN ANG KASAL

AMEREIGH

"I love you."paulit-ulit niyang sabi habang nakangiting nagdi-drive.

"Mahal din kita."ulit-ulit ko ring sagot sa kaniya at saka kikiligin habang nagmamaneho.

Hawak niya ang kamay ko gamit ang isa niyang kamay at sa manibela naman ang isa.

Pabalik na kami ngayon sa bahay.

Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko ngayon.Masaya dahil sa regalo at pangako ni Anniro.Malungkot dahil hanggang ngayon ay wala pa akong nagagawa para maitigil ang kasal na gusto nila.

Inalalayan ako sa pagbaba ni Anniro sa kotse niya.

"Mauna na ako."sabi ko dito kaya tumango na lang siya.

Dumiretso ako sa loob ng bahay,magpapalit ako ng flat shoes.

Bumalik din ako pagkatapos.

...

Huwebes ngayon,magtatanghali at nandito na ako ngayon sa upahan.

Hindi ako..kami pala,hindi kami pumasok ni Anniro ngayon dahil ipinangako niya sa akin kagabi na maggagala kami.

Pumayag ako doon.

Dumarami na yata ang mga absent ko?

Nakasakay kami ngayon sa kotse niya habang nagmamaneho siya.

"Saan tayo?"tanong ko sa kaniya.

"Sa Mall."sagot niya kaya tumango ako.

Puro kwentuhan lang kami kanina sa kotse niya at ngayon ay pababa na dahil nakapag-park na siya.

Dumiretso kami sa loob saka namasyal.

"Doon tayo!"aya ko sa kaniya sa isang bookstore.

Tumango siya kaya agad ko na siyang hinila papunta doon.Ang saya ko ngayon.

Agad akong naghanap ng mga libro,naghahanap din si Anniro.

May kinuha siyang libro saka sumandal sa bookshelf.

Tiningnan ko siya habang palipat-lipat ang ginagawa sa pahina ng libro.

Kinuha ko ang cellphone ko saka agad siyang kinuhaan ng ilang litrato.

Agad akong napangiti ng tumingin siya sa banda ko,kasabay non ay ang pagpindot ko sa screen para makuhaan iyon.

Ang ganda ng mga anggulo niya na nakuha ko habang tinitingnan ang mga litrato.

Ginawa ko pang lockscreen iyong isa.

Nakita ko na ibinalik niya ang libro saka lumapit sa akin.

Agad kong itinago sa likod ko ang cellphone ko dahil baka i-delete niya.

"Patingin."sabi niya kaya umiling ako.

"Tingin lang."sabi pa niya.

Umiling lang ulit ako saka kinuha ang libro na nagustuhan ko mula sa shelf.

"Tara na?"pag-aaya ko para maiba ang usapan namin.

"Patingin muna."sabi niya kaya sumandal na ako sa shelf dahil ginagamit na niya ang mga kamay niya para makuha iyon sa likod ko.

Nginitian ko siya saka umiling.

Lumapit siya sa akin saka agad na iniharang ang dalawang braso dahilan para makulong ako dito.

Nagulat ako dahil doon,nakita ko na ngumiti siya.

Inilabas ko mula sa likod ko ang cellphone ko saka iyon iniabot sa kaniya.Nagtaka naman siya.

"Tingnan mo na."sabi ko saka nahihiyang nag-iwas ng tingin.

Ang lapit niya sa akin.

Parang hindi kami nag-kiss kagabi a?

Kinuha naman niya iyon kaya nawala na ang pagkakakulong ko sa mga braso niya.

Agad kong nakita ang ngiti sa mukha niya ng buksan niya ang cellphone ko.

Nakita niya siguro ang lockscreen.Namula ang mga pisngi ko dahil doon.

Nakita ko na ngumiti pa siya habang isini-swipe ang cellphone ko.

Wala naman iyong password kaya agad niyang makikita ang mga iyon sa gallery.

...

Mayroon kaming mga pinamili at nandito kami ngayon sa isang restaurant dito habang naghihintay ng order.

Nakaharap ako sa may entrance kaya kita ko ang mga pumapasok mula sa labas.

Laking gulat ko na lang ng makita kung sino ang papasok.

Nakita ko na papasok ang naka-uniporme pa na si...Anika.

Nakatingin siya sa gawi ko habang naka-smirk at nakataas ang isang kilay.

Papalapit siya sa pwesto namin.

Huminto siya sa tapat namin saka umupo sa katabing mesa namin ni Anniro.

Nakita din siya ni Anniro.

Nakita ko na kinuha niya ang cellphone niya saka parang nag-type doon.

Dumating na ang order namin kaya sinimulan na namin ang pagkain.

Tahimik lang kami ng mapansin ko na may nakatayo sa gilid ko.

"Date?Kasama ng ibang lalaki? Where's your fiancé?"si Anika.

Ano problema nito?

Magkasalubong ang mga kilay ni Anniro habang nakatingin kay Anika.

"Ikakasal ka na kay Vincen but you're still dating Anniro?"nakataas ang kilay niyang sabi.

...

Pauwi na kami ni Anniro,tahimik lang kami hanggang ngayon na nandito na ako sa bahay.Bahay namin.

Dito ako nagpahatid.

"Ingat ka pauwi!"sabi ko dito bago siya umalis.

Pumasok na ako sa gate saka dumiretso na papasok sa loob ng bahay.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko,humiga agad ako sa kama ko.

Nalulungkot ako nalulungkot din para sa sarili ko dahil hanggang ngayon wala pa rin akong nagagawa para maipatigil ang kasal.

Kanina pala agad naming iniwan ni Anniro si Anika kanina sa restaurant dahil sa mga tanong niya.

Bigla na lang tumayo si Anniro saka ako isinama papaalis doon at papalabas na din ng mall.

"Saan ka galing?"nagulat ako ng bigla ay may nagbukas sa pinto..Si Vincen.

"D-Doon lang."sagot ko sa kaniya.

"M-May pinuntahan lang ako."sagot ko,may pinuntahan naman talaga ako...kami.

"I have to tell you something."sabi niya saka bumuntong hininga.

"Ano 'yun?"tanong ko dito.

"Kailangan nating...maikasal ng maaga."sabi niya kaya na ikina-estatwa ko.

Maikasal ng maaga?

Maaga?Bakit?

"A-Anong sabi m-mo?"tanong ko.

"Nagka-emergency kahapon sa bahay."sabi niya.Oo nga,nagka-emergency sa kanila.

"Umatake ang sakit ni lolo."malungkot niyang sabi.

"Malala na iyon at...dalawang buwan na lang ibinigay na...taning ng doctor."sabi niya pa.

Natauhan ako dahil doon,kita ko ang lungkot sa mga mata niya.Close siguro sila ng lolo niya.

"Gusto niya na...makita ako na maikasal bago siya mawala."dagdag niya pa.

Kailangang...madaliin ang kasal.

..

Advance Happy New Year!💚

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Roommate Is A Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon