Chapter 10

783 60 3
                                    

CHAPTER 10: VINCEN'S FIRST DAY IN MORGADO HIGH

AMEREIGH

Parang normal na araw lang na dumaan ang linggo.Kahapon ako ng hapon bumalik dito kay Tita Mira.Nadatnan ko dito kahapon si Anniro.

Ngayon ay lunes,naka-upo ako sa pwesto ko dito sa classroom at hinihintay na lang dumating ang teacher.

Dumating iyong adviser namin,late siya ng ten minutes.Pagkadating niya'y ibinaba niya iyong gamit niya sa mesa saka nagsalita.

"Sorry for being late.Good morning class,I have an announcement.Kaka-meeting lang namin tungkol dito kaya na-late ako."sabi niya.

"This Wednesday is our Intramurals!"anunsyo niya kaya napapalakpak kami sa tuwa.Ito yata ang lagi kong hinihintay every school year!Player kasi ako ng badminton kaya gustong-gusto ko kapag Intramurals na.

"Excuse me."dinig namin na boses ng isang lalaki kaya napalingon kaming lahat doon sa pinto kung saan iyon nanggaling.It was Vincen!I forgot that today is his first day of class here at Morgado High.

"Oh!Mr.Cuevas!"sabi ni ma'am saka pinapasok si Vincen.

Nagbulungan naman iyong mga kaklase ko at dinig ko iyong iba.

"Ang gwapo niya!"kinikilig na sabi nila.

"I love you!"sigaw pa nung isa.

"'Di ba siya iyong special guest noong friday?"bulong noong kaklase ko.

"Oo,at nakita ko siya noong uwian na hinahatak si Amereigh sa braso and the other arm is Anniro."sagot noong kausap niya.

"You sure?"

"Yes!"

"Tahimik!"sita ni ma'am sa mga nagbubulungan dahil papa-ingay na iyon."Introduce yourself Mr.Cuevas."

Nakaharap sa amin si Vincen pero sa akin siya nakatingin saka nagpakilala.

"Good morning.I am Vincen Cuevas,17."iyon na ang pakilala niya?sobrang haba naman.Ni wala man lang nasayang na minuto.

"Can I sit next to Amereigh?"tanong niya kay ma'am.Hindi ba niya nakikitang may katabi na ako?

"There's an empty chair in front of her,ayaw mo ba doon?"sagot at tanong ni ma'am.

"I want to sit next to her and her seatmate can move in that empty chair."sagot niya sa guro.Ayaw ko siyang katabi.Sana 'wag pumayag si ma'am.Kahit sa harap ko mapunta si Caily ay ayaw ko.Gusto ko siyang katabi.Si Caily kasi ang katabi ko.

Pumayag na lang si ma'am dahil may mga sasabihin pa siya.Kinailangan tuloy lumipat ni Caily sa harapan na upuan ko saka umupo si Vincen sa tabi ko.

Nagsimula ng magsalita si ma'am kaya nakinig na kaming lahat sa sinasabi niya.

"Magpalista lahat ng mga gustong maging player in any category kay Denise Anne Magsino our class secretary mamaya."sabi ni ma'am.

"Hindi tayo magka-klase dahil practice muna ang gagawin ng lahat ng player.Kaya dapat mamaya'y mai-submit na sa amin iyong listahan ng mga pangalan ng mga player.May count din ang kukunin bawat category."dugtong pa ni ma'am.

"Hindi ito nabanggit last week dahil napag-desisyunan ng mga teacher na magkaroon ng camping in the next week."sabi pa ulit ni ma'am kaya tuwang-tuwa ang mga kaklase ko doon.

"Saan po gaganapin iyong camping ma'am?"tanong noong kaklase kong lalaki,si Paolo Bacus.

"We're not going anywhere.Dito lang tayo sa school but everyday is full of activities na talagang mae-enjoy ng bawat isa.Merong gastos pero hindi ganoon kamahalan at sana ay lahat kayo'y makasali."paliwanag ni ma'am.

"Tell your parents about the camping.It will be Monday to Wednesday,three days of having fun!"sabi ni ma'am saka nagpalakpakan ang mga kaklase ko pati na rin ako dahil sa excitement.

"I'll go now,magpalista na kayo kay Denise Anne then practice kayo sa court.May mga officers naman doon na magtuturo kung saan kayo banda maglalaro.Tomorrow morning naman ay tatanungin ko kayo kung sino ang mga sasali sa camping.Bago kayo umuwi ay bibigyan ko kayo ng letter,ipakita ninyo iyon sa mga magulang niyo at ipapirma.Iyon iyong katunayan na kasama kayo."sabi ni ma'am saka na nagpaalam sa amin.

Agad naman na pumunta sa harapan si Denise saka tinanong iyong mga kaklase namin kung sino ang sasali.Nagtataas ng kamay ang mga gustong sumali sa category na sinasabi niya.

Limitado lang ang pwedeng sumali kasi may bilang at saka kukuha pa ng ibang player sa ibang section kaya napilitan na huwag ng sumali iyong iba kahit gusto nila.

Noong sa badminton girls na ay nagtaas ako ng kamay.Pati na rin ang nasa harapan kong upuan,si Caily.

"Caily at Amereigh."sabi ni Denise kaya napalingon si Caily sa akin.Ngumiti ito kaya nginitian ko rin.Wala ng ibang nagtaas ng kamay sa badminton girls kaya kami na ni Caily ang player.Set A si Caily habang ako naman ay Set B.

Sa ibang section na lang daw ang double.

Pagkatapos noon ay pumunta na lahat ng kasali sa court saka nagtanong sa mga officers doon kung saan sila magpa-practice.Marami kasing maalwalas na espasyo para makapag-practice dito.

Napunta kami ni Caily dito sa bandang likod na bakuran na ng school.Malaki pa ang lupa dito na pwedeng-pwedeng gamitin para sa practice.Hindi rin ganoon kainit dahil may mga matataas na mga punong nagbibigay ng silong at hangin.

Habang naghihintay kami dito sa mga upuang kahoy dito ng mga ipapahiram nilang raketa,may umupo sa tabi ko,si Vincen.

"Hindi pa kayo nagpa-practice?"tanong niya sa akin.

"Hinihintay pa namin iyong mga raketa saka ilalagay pa lang nila iyong net."sagot ko sa kaniya.Tumango lang siya.

Nakita na naming paparating iyong mga nagdadala ng raketa at net,kasunod din nila iyong mga lalaking may mga hawak na raketa din.Baka ito iyong mga player na lalaki.

Noong makalapit na sila nakita ko sa bandang dulo iyong tatlo.Oo nga pala,player sila ng badminton nitong school.Nakita ko na silang maglaro noong grade 10 ako at hindi ko maitatanggi'ng magaling nga sila.Kung saan-saan pa ngang lugar sa Pilipinas ang mga nilalabanan nitong mga 'to.

Sila Anniro,Cody at Ender.

Nang makita ako ni Ender ay agad 'tong kumaway sa akin.Lumingon na rin sa banda ko sila Anniro at Ender.May nag-abot naman sa amin ng raketa kaya kinuha namin ni Caily iyon.

Tiningnan ko uli si Cody,bigla ay lumukot ang mukha niya at saka nakatingin kay Vincen.

Kinuha niya ang hawak na shuttlecock ni Ender saka iyon ibinato pataas saka itinira.Mabilis iyong tumama sa katabi ko na ikinagulat ko.

Malakas ang pulso ni Cody kaya malakas din itong tumira ng shuttlecock.

Gulat na gulat kaming nakatingin ni Caily kay Vincen na ngayo'y hawak ang shuttlecock at seryoso ang mukha na nakatingin kay Cody.Namumula ang bandang pisngi niya,doon siya natamaan.

Gulat din ang nakabakas sa mukha ni Anniro at Ender.Hindi siguro makapaniwala sa ginawa ng kaibigan.Nakatingin naman si Cody kay Vincen.

Bakit ginawa ni Cody iyon?

My Roommate Is A Bad BoyWhere stories live. Discover now