Chapter 16

466 36 4
                                    

CHAPTER 16: WHERE'S MY PRINCE CHARMINGS?

AMEREIGH

Nasa biyahe pa rin kami at mag-iisang oras na yata kaming bumabiyahe.Saan ba kami pupunta ng mga ito at saan nila kami dadalhin?Hindi na ako pamilyar sa lugar na 'to.

Kinakabahan na ako sa kung ano mang mangyayari dahil hindi ako sigurado kung may magliligtas ba sa akin o ano.

Tumagal pa ang biyahe ng halos 30 minutes at saka ko naramdaman na inihinto na nila ang kotse.Pinababa nila ako kaya sumunod na lang ako sa sinabi nila, tinanggal muna nila ang tali sa paa ko,baka ano pa ang gawin nila kapag hindi ako sumunod.Hawak ako sa magkabilaan kong braso kaya wala akong takas.

Tiningnan ko ang lugar,hindi na nga ako pamilyar.Nandito kami sa isang abandonadong bahay.Dalawang palapag ito at may kalakihan,mukhang nakakatakot din sa loob kapag gabi.Magkahalong kaba at takot na ngayon ang nararamdaman ko.

Nakita ko din ang kasunuran namin na van.Huminto sila saka lumabas isa-isa.Nakita kong lumabas doon ang babaeng nakatali din ang mga braso at may nakatakip na panyo sa bibig.

Sandali,ito iyong babae na kasama ni Lucas.Iyong babae sa park.Bakit naman nila kinuha ito?May ginawa din ba si Lucas sa kanila?Napakabait na tao ni Lucas at alam kong hindi niya kayang gumawa ng masama sa iba.

Tiningnan din ako noong babae at parang gusto niyang humingi ng tulong.Nag-aalala ko siyang tiningnan,hindi ko din alam kung paano kami makakaalis dito.Malapit na rin palang magtanghali.

Inilipat niya ang tingin niya sa lalaki sa harapan.Iyong tinawag na boss ng mga katabi ko kanina at iyong nasa passenger seat.Sumama ang tingin noong Tiffany sa lalaking iyon habang nakangiti lang itong nakatingin kay Tiffany.

Itinulak nila kami papasok doon sa bahay.Sabay kaming naglalakad ngayon ni Tiffany papasok.May pag-asa pa ba kaming makatakas sa kanila?May naghahanap na ba?Ni-report na ba ng mga teacher ito sa pulisya?

Pagkapasok ay pumunta kami sa isang malawak na kwarto sa second floor.May dalawang upuan doon.Itinulak nanaman nila kami papa-upo.Bakit ba tulak sila ng tulak?

Itinali nila ang mga paa namin sa upuan,kasunod naman ang kamay.Tinanggal din nila ang mga panyo na nakalagay sa mga bibig namin.Agad na nagsisigaw si Tiffany dahil doon.

"PAKAWALAN NIYO KAMI!TULONG!TULONG!"sigaw niya kaya nagsitakip ng mga tainga ang mga kasama namin dito dahil sa lakas ng boses niya.

"Manahimik ka!"sigaw din noong isang lalaki kay Tiffany saka lumapit dito't ikinagulat ko nalang ang sunod niyang ginawa kay Tiffany.

Sinampal niya ng malakas sa pisngi si Tiffany.Paano niya nagagawang manakit ng babae?

Napayuko dahil doon si Tiffany.Alam kong nasaktan siya doon pero noong nag-angat siya ng tingin ay masama lang ang naging tingin niya sa lalaking sumampal sa kaniya saka ito dinuraan sa mukha.

Ang tapang naman nito.Baka saktan na naman siya dahil sa ginawa niya.

Mukhang nainis iyong lalaki dahil doon.Sasampalin na niya sana uli ito ng may humila sa kaniya saka ito sinuntok dahilan ng pagkabagsak niya sa malamig na sahig.

Nakita kong seryoso ang mukha noong boss nila.Siya iyong sumuntok doon sa nanampal kay Tiffany.Galit ang mga tingin niya doon sa nanampal kay Tiffany.Tumayo ito't paulit-ulit na humingi ng tawad.Anong meron?

"Alisin niyo yan dito."utos niya sa mga tauhan niya saka lumapit kay Tiffany."Ayos ka lang?"tanong niya dito.

Masama naman siyang tiningnan ni Tiffany saka sinagot.

"Sa tingin mo ayos ako?Bakit mo ba ako kinuha?Nandamay ka pa!Wala namang ginagawa sayo yung babae!Pakawalan mo kami!"sagot nito.Oo nga,wala naman akong ginagawa.May pagka-tanga lang sila kaya ako nadamay.

"Pakakawalan ko naman kayo.Hinihintay ko lang ang mga prinsipe niyo na dumating para makapaghiganti ako."sagot niya.

"Higanti?Tanga ka ba?Wala namang ginagawa sayo si Lucas ah?"galit na tanong nitong Tiffany.

"Meron.Kinuha ka niya sa akin."sagot nito.Ah kaya pala sinuntok niya iyong lalaki kanina na sumampal sa kaniya.

"Kinuha ako?Kailan pa ako naging sayo ha,Nixon?"sagot nito.Naging seryoso naman ang mukha noong Nixon pala ang pangalan.Nasaktan siguro.

Tumango-tango ito kay Tiffany saka na tumayo't umalis.

"Gusto ko ng umalis dito."sabi ko na narinig ni Tiffany.

"Dadating din si Lucas,maghintay lang tayo."sabi niya sa akin.Tumango na lamang ako.

...

Naririnig na naming dalawa ang pagkalam ng mga tiyan namin dahil sa gutom,siguro nasa alas-otso na ng gabi at parang wala talaga silang balak o wala talaga silang balak na pakainin kami.Ni inumin nga ay ayaw kaming bigyan.

Ilang oras na kaming naghihintay ng tulong pero walang dumadating.Itinulog na lamang namin ang gutom at paghihintay sa kung sinuman ang dumating na tutulong.

...

Nagising ako ng hating gabi ng makarinig ako ng ingay.Nilingon ko ang buong kwarto.Wala ng gising sa mga tauhan dito at ng lingunin ko ang bintana ay parang doon nagmumula iyon.Ito na ba ang tutulong sa amin?

ANNIRO

Nag-kwentuhan lang kami maghapon kasama sila Mommy at Daddy pati na rin ang si Lauren.

Umalis nga pala ako ng school kanina at hindi na alam ang nangyari doon.Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko,naka-off pala 'to kanina pa.

...

Mga 8:00 PM na siguro ngayon at nakahiga na ako sa kama ko dito sa inuupahan ko.Dito pa rin ako umuwi kahit doon na ako sa bahay pinapatulog ni Mommy.Ewan ba,gusto ko na rin dito.

Pero pagdating ko kanina ay wala pa rin si Amereigh,hanggang ngayon wala pa rin siya.Naka-on na ang cellphone ko at sobrang daming message doon.Puro galing kay Ender at Cody.

Binuksan ko ang mga 'yon isa-isa at nagulat na lang sa nabasa.

Ender:

Where are you?Amereigh is missing!

Cody:

Amereigh is missing,Nixon is the one who kidnapped her.

Wait,what?Missing?Nawawala?At si Nixon ang kumuha sa kaniya.Binasa ko pa ang iba nilang message sa akin.Kaninang umaga,tanghali at hapon pa ang mga ito.Hinabol daw nila pero hindi nila naabutan at hindi alam kung saan hahanapin.

Lumabas ako ng inuupahan namin saka sumakay sa kotse ko,dala ko na pala ito papauwi kanina dito.Pupuntahan ko muna sila Ender at Cody.They're in the same village at magkalapit lang ang mga bahay.

I drive fast as I can para lang agad na makapunta doon.Naghihiganti ba si Nixon?Isip-bata ba ang taong yon?

Pinapasok agad ako ng guard ng village dahil kilala na rin niya naman ako.Umuna ako sa bahay nila Ender dahil malapit iyon kaysa kanila Cody.

Pagkababa ko sa kotse ay agad akong pinindot ang doorbell,hindi ko na inalala na baka nakaka-istorbo ako.

Nakita kong lumabas ng pinto si Ender,nong makita niya ako ay agad niyang binuksan ang gate.

"Nasaan si Amereigh?"

My Roommate Is A Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon