Chapter 2

1.3K 76 10
                                    

CHAPTER 2

ANNIRO

Mula noong sinabi ni dad na kailangang wala akong bugbog sa darating na linggo'y pinilit kong iwasan ang gulo.Nagdaan ang limang araw magmula noong linggo hanggang kahapon ng huwebes ay hindi ako nasangkot sa anumang gulo.At ngayong araw ng biyernes,umaga pa lang nakatanggap na ako ng message mula kay Ender.

Pagkatapos kong mabasa iyon ay tinawagan ko na ang maid namin na ipaghanap na ng mauupahan dahil alam kong puro bugbog ako nito pagka-uwi.

Wala naman kaming masyadong ginawa kaninang umaga at ngayong tanghali na ay sama-sama na kami nina Ender at Cody dito sa labas ng gate habang naglalakad patungo sa kinaroroonan ng mga nag-text.

Ang sabi doon sa message ay magkita raw kami sa pinakamalapit na kanto dito sa school,huwag raw magdadala ng armas.At ang message na iyon ay galing kay Nixon.Hindi pa ako nakakaganti sa lalaking iyon,masyadong madaya kung makipaglaban.Sasabihing huwag magdala ng armas pero sila'y may mga dala-dalang baseball bat at tubo.Kaya umuwi ako noong linggo ng puro bugbog ay kagagawan niya.

Tanda ko pa kung paano nagsimula ang away namin.Naghahanap lang noon kaming tatlo ng away sa ibang baryo pero ang napuntahan namin ay ang baryo kung saan naninirahan si Nixon at ginawa iyong teritoryo.Mga magnanakaw din sila.

Hindi namin alam na sa kaniya iyon kaya kada madaanan naming nga grupo ng kalalakiha'y inaalok namin ng suntukan.Naging madali lahat ng iyon dahil patas lang ang paglaban nila,walang armas.

Pero noong mapadpad kami kung saan sila Nixon ay inaya rin namin sila.Pero marami pala siyang kasama at doon nalaman na sa kaniya teritoryo iyon.Bawat tao niya ay may hawak,kung hindi tubo ay baseball bat.Ang dami nila noon kaya sa hospital ang bagsak namin nila Ender at Cody.

Nandito na kami sa tagpuan namin nila Nixon.Nandito na rin sila,lima sila at tatlo kami.

Sinasabi ko sa isip ko na matatalo namin sila dahil sa mga tubo at baseball bat lang naman sila nakakatama.Pero ang iniisip kong iyon ay nawala ng makitang maglabas si Nixon ng baseball bat pati iyong dalawa pa at tubo naman ang hawak ng dalawa pang natira.

Napakadaya nga talaga ng lalaking ito.Sumugod lang sila na siya naman naming sinalubong.Habang nagbubugbugan na'y napalingon ako sa palabas nitong kanto,may babaeng nakatingin sa amin.Nagulat siya ng makita ako kaya dali-dali siyang umalis.

Nagpatuloy lang ang bugbugan namin nila Nixon.Bagsak na yung dalawa.Mahihina pala...

...Napabagsak namin sila Nixon pero hindi namin naiwasan ang masuntok at mapalo ng tubo at baseball bat galing sa kanila.

Nailagay ko na sa garahe ang sasakyan ko kaya pumasok na ako sa loob.Kinuha ko muna ang panyo sa bulsa ko para punasan ang dugong nasa pisngi ko,ang hapdi.

Dumiretso na ako sa kwarto saka nilinis ang mga sugat...

...Maaga akong nagising para hindi ko makasabay mamaya si dad.Nasa kusina ako't kakatapos lang makapagluto ng agahang para sa akin at dadalhin iyon sa kwarto.

Paakyat na ako sa kwarto ko ng makasalubong ko si dad,patay.Agad na nagsalubong ang mga kilay niya at agad na bumaba sa hagdan para abutin ang kwelyo ko.Mabuti nalang at hindi pa ako nakakaapak sa unang baitang ng hagdan.

"May bugbog ka nanaman!"sigaw niya sa mukha ko.Napayuko na lang ako."Katrina!"tawag niya sa maid namin."Nakahanap ka na ba ng mauupahan niya?"tanong niya ng makalapit iyon.

"Opo,sir.Malapit lang po sa school niya,kay Tita Mira po,yung may-ari."sagot niya.Nakahanap na sila?Talaga ngang desidido siyang parusahan ako.

"Ilabas mo na iyong mga gamit niya at ipahatid mo kay Roni sa uupahan niya."sabi niya kay ate Katrina.

"Yes,sir."sagot niya saka umakyat patungo sa kwarto ko.Binitawan na ako ni dad.

"Dadalhin ko po iyong sasakyan ko."sagot ko ng nakayuko.

"Hindi!"sigaw niya.

"Wala naman po sa usapang hindi ko isasama iyon!"napasagot na ako.

"Hindi mo iyon kailangan,pwede kang maglakad o mamasaheros papunta ng eskwela."sabi niya.

Kainis.

Pababa na si ate Katrina dala-dala ang isang maleta.Idineretso niya iyon palabas ng bahay.

"Heto,tipirin mo iyan ng mga ilang buwan dahil hanggat hindi ko sinasabing umuwi kana'y hindi ka makakabalik dito."sabi niya,nanlumo ako lalo na sa binibigay niyang pera.Sampung libo?Kasya ba yan ng ilang buwan?Ilang linggo lang sa akin yan.

"Dad naman!Hindi aabot ng ilang buwan yan!"tutol ko sa kaniya.Nakita ko namang dumukot pa siya sa wallet niya.Nagbilang ulit siya ng sampung libo saka kinuha ang kamay ko at ikinabit roon ang perang nagkakahalagang dalawampung libong piso.

"Umalis ka na,bayad na iyong uupahan mo."sabi niya.Lumabas na ako saka pumasok na sa kotseng naghihintay sa akin.Isinarado ko yon at sinimulan ng paandarin ni kuya Roni.

May katagalan ng kaunti bago namin matungo itong upahan.Sinalubong ako nung tita Mira saka tinungo ang kwarto na inupahan na ni dad.Bakit dalawa ang kama?

"May kasama ka nga pala rito."sabi niya.

"Nasaan po?"tanong ko.

"Nasa kusina lang siguro iyon."sagot niya.Tumango lang ako saka na siya umalis.Hintayin ko lang raw ang roommate ko.

Tinext ko naman si kuya Roni kung bakit pang dalawang tao ang kinuha nila.

Nag-reply naman siya at sinabing

Kuya Roni:

Ako po yung nakausap ni ate Mira,sir.Ang sabi niya e wala na raw pang solo na kwarto at ganyan na lang ang natira.Saka hindi na po pupwede sa iba dahil ang sabi po ng daddy niyo e sa mura lang po na paupahan.

Nagpasalamat lang ako sa kaniya saka naligo na muna.Binuksan ko ang shower na nandito.Kakatanggal ko pa lang ng damit ko ng biglang bumukas ang pinto.Nakalimutan kong i-lock.Hindi ko nakita kung sino iyon dahil agad niyang isinara ang pinto.Pinatay ko ang shower saka lumabas ng Cr.

Nakita kong nakataklob iyong kanina ng comforter.Tinanggal niya iyon at tiningnan ako ng may nanlalaking mga mata dahil sa gulat.

Bigla nama'y tumaas ang isa  niyang kilay.Mukhang nakita ko na siya.Siya iyong babae kahapon na nakakita sa amin na nagbubugbugan.

Siya ba ang magiging roommate ko?At bakit babae?Namali ba ako ng napasukang kwarto?Hindi naman,dahil hinatid pa mismo ako ng may-ari.

My Roommate Is A Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon