Chapter 5

905 66 6
                                    

CHAPTER 5

AMEREIGH

Hindi ko na siya pinansin magmula kahapon pagkatapos ng sigawan namin pero hindi naman talaga kami nagpapansinan magmula noong dumating siya...

...Lunes ngayon at oras na ng break time.Hindi ko na naabutan kaninang umaga iyong roommate ko dahil siguro maagang umalis.

Nandito kami ngayon ni Caily sa canteen.Magkasama kaming dalawa lagi.Kaklase ko siya't kaibigan rin.

Habang kumakain kami may lumapit sa amin na dalawang lalaki.Nakangiti iyong isa kay Caily at iyong isa nama'y sa akin.

"Pwede ba kaming tatlo na sumabay sa inyo?"tanong nung lalaking kulay itim ang buhok na kay Caily nakatingin.

"Tatlo?"sagot ko.Dalawa lang sila.

"Oo,ako nga pala si Ender Castro, siya naman si Cody Viloria at si Anni---"sagot nung nakangiti kay Caily.Napatigil siya ng lumingon siya sa likod nila.Nakita sigurong dalawa lang sila."Teka lang ah."sagot niya saka sila umalis no'ng Cody.

"Hindi mo ba sila kilala Reigh?"tanong ni Caily ng makalayo sila.

"Hindi,bakit?"sagot ko.

"Sila yung dalawa sa mga mahilig makipagbugbugan dito.Kasama ni Anniro."sagot niya.

Ahhh Ender Castro at Cody Viloria pala ang pangalan nila.Hindi ko naman alam dahil si Anniro lang ang kilala ko---teka!Si Anniro ba iyong pangatlong sinasabi nila?

"Tara na,Caily."sabi ko sa kaniya.

"Huh--"hindi na niya naituloy dahil nandito na sa gilid namin nakatayo ang tatlong lalaki.

Tinignan ko sila at nakita doon si Anniro na nakabusangot ang mukha't iniiwasan ako ng tingin.Pumayag si Caily na sumabay sila kaya lumipat ng upuan si Caily sa tabi ko para silang tatlo doon sa pwesto niya kanina.May mga upuan pa namang bakante.

Kaharap ni Caily si Ender,katabi ni Ender si Anniro na kaharap ko't si Cody ang sunod kay Anniro.Ipinakilala rin niya si Anniro sa amin kahit hindi na kailangan dahil kilala na namin siya.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain habang nag-uusap-usap sila nila Caily.May halong pagka-ilang dahil minsa'y nakikita kong tumitingin sakin si Anniro.

Nakakarinig din ako ng mga bulungan sa mga kalapit naming mga estudyante.

Ipinakilala din ako ni Caily sa kanila.Nakita kong hinarap ako ni Ender at tinanong ng..

"Ang tahimik mo naman Amereigh."sabi niya.

Napalingon nalang ako sa kaniya't sinabing..

"May iniisip lang hehe."pagdadahilan ko kahit wala naman.Ayoko lang talaga magsalita.Tinanguan niya lang iyon saka na nakipag-usap muli kay Caily.

Nakita ko namang nakatingin at ngiting-ngiti sa akin si Cody kaya binigyan ko siya ng pilit na ngiti at saka inilipat ang tingin kay Anniro na nakatingin din sakin saka nag-iwas.

Natapos na kami ng hindi man lang kami sumali sa kwentuhan nila.Napakatahimik din nitong si Anniro.Nag-stay lang kami doon hanggang sa mag-bell na't nagpaalam na si Caily sa kanila.

Pagpasok sa room tinanong ako ni Caily kung bakit ang tahimik ko raw.Pareho lang din ng dahilan ko kanina ang isinagot ko.May pumasok na kasi sa isip ko na isipin.

Pupunta ako mamayang uwian sa restaurant nila mama.

Dumating iyong adviser namin, si Mrs. Encarnacion Padernal.May ia-annouce raw.

"Buwan na ng agosto at ito rin ang Buwan Ng Wika."panimula niya."May gaganaping pagpili ng naaayong kasuotan sa gaganaping programa."Dugtong niya."Kaya kailangang lahat kayo'y nakasuot ng baro't saya,barong at iba pang kasuotang pang katutubo at sinusuot ng mga ninuno natin noon.Iyon lang at sa biyernes iyon ng umaga gaganapin.May plus sa akin ang magsusuot."pagtatapos niya.

Lumabas siya sa classroom at yun din ang pasok ng susunod naming teacher.

Natapos ang klase ng puro paghahanda sa Buwan Ng Wika ang pinag-uusapan.

Dumiretso ako sa bahay at pagdating doo'y wala pa ang roommate ko.Nagpalit ako ng damit.Nakasuot ako ng maong pants at white t-shirt lang.

Pumara ako ng tricycle at sinabi ang lugar kung saan ako pupunta.Alam ko naman kung saan iyong restaurant.

Hindi naman ganoon kalayo.

Pagdating ko'y pumunta ako sa kitchen at saka nagsuot ng apron na sinusuot noong mga crew.

Tutulong ako kahit sa pagkuha lang ng order at pagbibigay ng menu.

Tulad ng sabi ni mama,hindi nga ganoon karami ang pumupunta dito.Kapag magsasara na mamaya'y doon ko nalang iche-check kung ano ang kulang.

Itinigil ko muna ang pagkuha ng order saka kumuha ng flyers para ipamigay sa labas.

Lumabas ako't bawat dumaang tao'y inaalok ko ng flyers.Kinukuha naman nila iyon,nakikita ko pa ang iba na babasahin ang nasa papel at saka na lulukutin at itatapon sa basurahan.

Napasinghap nalang ako sa ginagawa nila.Ipinagpatuloy ko nalang at hindi pinansin iyong ibang nakikita ko.

Dalawang oras na pala ako dito at pagkuha uli ng order at pagbibigay ng menu ang ginawa ko.Alas singko na ng hapon.

Kumuha ako ng menu at ibibigay iyon sa bagong dating na customer ng makilala ko kung sino ang mga iyon.

Sina Anniro,Ender at Cody.

Umupo sila sa isang round table.Ako nama'y pumunta sa pwesto nila dahil ako ang nagprisintang gawin ito.

Nagulat pa sila ng makita ako pero ibinigay ko lang iyong menu at kinuha ang ballpen sa bulsa ng apron at ang sticky note.

Inilista ko ang mga order nila't ibinalik nila ang menu.

Aalis na sana ako ng tawagin ako ni Cody.

"Amereigh!"tawag niya.

Liningon ko naman siya't lumapit uli.Ngumiti siya't nagtanong.

"Nagta-trabaho ka rito?"tanong niya.

"Ah hindi, tumutulong lang."sagot ko na nahihiya.Grabe kasi kung makatitig iyong isa sa kanila.

"Tumutulong?"taka niyang tanong.

"Parents ko may-ari nitong restaurant eh."sabi ko ng may pilit na ngiti sa kaniya.

Ngumiti lang siya't tumango kaya tumalikod na ako paalis at saka ibinigay iyong order nila sa crew sa kitchen.

Kumuha naman ako ng basahan para linisin iyong mga lamesa na ginamit noong mga umalis na.

Naiilang pa nga ako dahil alam kong nakatitig sakin sila Anniro at Cody.Nahihirapan tuloy akong kumilos dahil para bang may mali o may dumi ako.

Naihatid na iyong order nila't sinimulan na nila iyong kainin.Konti lang ang tao na pumunta rito kada araw sabi ni mama.

Hindi ko na hinintay na magsara ito,lumabas ako't tumayo sa harap ng resto.Tumatagilid pa ang mukha ko habang sinusuri ito.

Iniisip kung ano ang kulang.

My Roommate Is A Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon