Chapter 8

796 65 10
                                    

CHAPTER 8

ANNIRO

Pagkarating ko sa classroom,gulat agad ang nakita ko sa mukha ni Faith ng makita niya ako.Tinaasan ko lang siya ng kilay.May kinuha siya sa bag niya at lumapit agad sa akin.Make-up ata iyon.

"Bagay sayo yang suot mo,pero yang mukha mo puno ng pasa at sugat."sabi niya saka may inilagay sa mga pasa at sugat sa mukha ko.

Tumagal lang iyon ng ilang minuto at saka ibinigay ang hawak na maliit na salamin.Nakita ko ang mukha ko,hindi na nga halata iyong mga pasa at sugat.Ang galing ni Faith.

Nakahanap kaming tatlo nila Ender at Cody ng masusuot para sa Buwan Ng Wika noong bago kami makipag-away.

Nauna ang class namin sa court dahil maaga rin namang dumating iyong mga kaklase ko...

...Magmula nang nagsimula itong program puro pagpe-perform at pagpapasalamat ang ginagawa nila.Naiinip na ako.

Hanggang sa tumayo ang principal at ipinakilala ang special guest.Nagulat ako sa pangalang binanggit niya.Pinag-uusapan lang namin siya kagabi ni Amereigh.

Tinignan ko ang gawi ni Amereigh,katabing mga upuan lang namin ang pwesto nila at saktong harapan siya pati na rin kami.

Kita ko ang gulat sa ekspresyon niya.Sabi niya kasi sa kwento niya matagal na niyang hindi nakikita si Vincen Cuevas magmula noong pumunta sila sa ibang bansa.

Hindi ko na narinig ang mga sinasabi niya dahil na kay Amereigh ang buong atensyon ko.Halos hindi ko na matandaan kung ilan iyong mga nag-perform sa stage dahil lagi kong inililipat ang tingin ko kay Amereigh.Hanggang sa pilian na ng mga estudyante.

Nawala lang ang atensyon ko kay Amereigh ng tawagin ang pangalan ko.Tumayo naman ako at saka umakyat sa stage para kunin iyong certificate.Tiningnan ko rin si Vincen Cuevas habang papunta ako sa harap.

Sunod na tinawag ay si Amereigh,tiningnan ko siyang papunta dito.Liningon niya rin si Vincen Cuevas.Sunod ay si Cody ang tinawag.Narinig ko iyong sinabi niya kay Amereigh kaya napalingon ako kay Cody.

Nginitian ako ni Cody kaya ibinalik ko na lang ang paningin ko sa harap.Halata na may gusto siya kay Amereigh...

... Pagkatapos no'n ay pwede na raw umuwi.Nakita ko si Ender at Cody mula dito sa second floor sa room namin na kausap si Amereigh sa may gate kaya dali-dali akong bumaba papunta doon.

Pero hindi pa ako nakakalapit,nakita ko ng may humatak kay Amereigh.Hindi ko naririnig ang sinasabi nila kaya lumapit na ako.

Pagkalapit ko ay hahatakin sana ulit siya ni Vincen ng dali kong kuhanin ang isa niya pang braso at hawakan siya roon.

"Saan mo siya dadalhin?"tanong ko kay Vincen Cuevas.

"Bitiwan mo siya Delgado."sagot niya sa akin.

"Kung ayoko?Anong gagawin mo?"nanghahamon kong tanong.

"Iaatras ko ang deal namin ng ama mo at pababagsakin ko ang kompanya niyo."sagot niya sa akin na ikinagulat namin.Oo nga pala,mga Cuevas ang business partner ni dad.

"Anniro,bumitaw kana.Wala siyang gagawing masama sa akin."pag-uutos at paliwanag ni Amereigh sa akin.

Dahil ayoko rin namang ma-cancel iyong deal at hindi ko alam pero bigla akong nagtiwala sa sinabi ni Amereigh.At saka hindi ko alam kung bakit ganito yung pag-aalala ko sa kaniya.Siguro dahil lang ito sa kwento niya kagabi sa akin.

Lumuwag ang pagkakakapit ko sa braso niya hanggang sa mabitiwan ko iyon.Agad siya isinakay ni Vincen sa kotse niya.

"Sorry Cody!!"sigaw niya bago lumingon sa akin.Isinara na ni Vincen iyong pinto saka siya pumunta sa driver's seat.Pinaandar na niya iyong kotse at tanging paglayo lang non ang nakita namin.Hindi alam kung saan sila patungo.

AMEREIGH

Pauwi itong daan na tinatahak namin sa bahay.Sinisilip-silip ko rin minsan si Vincen,ang laki na talaga ng pinagbago niya.

Naramdaman ko naman na nag-vibrate ang cellphone ko na nasa loob ng bag na dala ko,kinuha ko iyon at tiningnan.

May message mula sa unknown number.Binasa ko iyon saka nalaman kung sino.

Unknown Number:

Are you okay?This is Anniro.

Paano niya nakuha ang number ko?Hindi ko na inalam iyon sa ngayon at nagreply nalang na ayos ako.Kapag nagkita nalang kami uli sa dorm saka ko siya tatanungin.

Kanina pa kami tahimik dito magmula nang umalis kami ng school.Sa sobrang kainipan ay tinanong ko na lang siya.

"Paano ka naging special guest ng school?"nahihiya kong tanong sa kaniya.Liningon niya lang ako sandali saka ibinalik ang tingin sa daan.

"Si Lolo dapat pero ako ang pinapunta niya."sagot niya.

Lumiko kami papasok sa gate nila.Tanaw ko ang bahay namin dito.Matagal na rin pala akong hindi nakakapasok dito.At saka bakit ba kami nandito?Anong gagawin namin?

Ipinarada niya itong kotse niya sa garahe nila saka siya nagpaunang bumaba saka binuksan ang pintuan sa tapat ko.Bumaba na rin ako,na siya namang lakad niya kaya sinundan ko na lang siya.Pagpasok sa pintuan,bumungad sa amin ang napakalawak na sala nila.

Nakita ko sila mama at papa na naka-upo sa isa sa mga sofa kaharap ang mga magulang ni Vincen.Mukhang may pinag-uusapan sila.

Pumunta si Vincen sa isa sa mga sofa at saka naupo.Liningon niya ako saka ako pinapunta doon,hindi ko alam kung bakit pero sumunod na lang ako saka umupo sa tabi niya.Meron ding dalawang parang mag-asawa dito.Nginitian ko iyong babae ang ganda niya.Parang mga nasa edad 40+ na sila.

Tumayo ulit ako para mag-mano kala tito't tita,mama't papa,at sa bisita ata nila saka umupo na ulit.

"Ang laki na ni Amereigh!"masayang sabi ni tita Vina,nanay ni Vincen.Nginitian ko lang si tita saka tumingin kala mama.

Yung reaksyon nila mama parang nag-aalala na hindi ko malaman.

Nagsalita iyong tatay ni Vincen,si tito Cendrick.Sa kanilang mag-asawa kinuha iyong pangalan ni Vincen.

"Vincen,my son and Amereigh,Paolo's daughter,are going to be married soon."sambit niya na ikinagulat ko pati na rin iyong dalawa pang mga kausap ata nila tita.Sila mama napayuko na lang ng tingnan ko sila.

Ikakasal kami?Bakit?Tiningnan ko si Vincen,tinaasan ko siya ng kilay.

"Lolo wants me to get married as soon as possible.He's going to give me the company."Sabi niya habang nakatingin lang sa akin ng kampante.

"He said,marry the girl that I loved and wants to be with in the future.So,I talked to my parents, told them to talked to your parents about this."paliwanag niya pa.

Gulat lang ang makikita niya sa akin.

"That's why I decided to transfer to your school,I wanna know you more."

My Roommate Is A Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon