Chapter 21

448 32 4
                                    

CHAPTER 21: CONFESSION

AMEREIGH

Tapos na akong maligo.

May zumba nga pala kaninang mga 6:00 AM.Kaya pala maingay sa court at may mga sumisigaw pa.Hindi na kami nakaabot ni Anniro doon,dahil pagkarating namin doon ay saktong pagtatapos rin.

Nahuli ako,kami ng gising pala ni Anniro.Ginising pala nila kami,at kami lang din ang natirang tulog pa kanina.

Oo nga pala,hindi ko pa nakikita si Vincen.

Kakalabas ko lang sa CR ng isa sa mga classroom dito.Buti pala nauna na ako dahil baka pumila pa ako't maghintay ng matagal kung nagpahuli ako.

Papunta na ako ngayon sa pwesto namin para mag-agahan.Tumabi ako kay Caily noong nakakuha na ako ng pagkain.Wala pa iyong iba,naliligo pa siguro.

Wala rin si Anniro at Vincen,hindi ko sila makita dito.

Nagsimula na kaming kumain.Nakita kong paparating si Anniro,Ender,Cody...at si Lauren.

Tabi-tabi silang umupo malapit sa amin.Nasaan na nga pala si Vincen?Kagabi ko pa siya hindi nakikita magmula ng magkausap kami.Nagalit kaya siya?

Binilisan ko ang pagkain,saka nagpaalam kay Caily na may pupuntahan.Tumango na lang siya ng alukin niya ako na sasama siya pero tinanggihan ko na.

Una akong naghanap dito sa mga tent.Wala siya dito.

Pumunta rin ako sa court.Wala din siya doon.

Bawat daanan kong classroom ay tinitingnan ko kung nandoon siya.Pero wala din.

Pumunta ako sa parking ng school,pinuntahan ko iyong kotse niya.Lumapit ako doon saka tiningnan ang loob.Nandito siya at nakita din ako.

Kinatok ko ang bintana para pagbuksan niya ako.Binuksan niya naman kaya pumasok agad ako.

"Nasaan ka kagabi?"tanong ko sa kaniya.

"Nandito lang,bakit?"sagot niya sa tanong ko saka niya tanong sa akin.

"Dito ka natulog?"tanong ko sa kaniya.

"Oo,papasok na sana ako sa tent kaso nakita kong may nauna ng ibang pumasok."sagot niya,nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.Bakit siya nalulungkot?

"N-Nakita mo ba kung s-sino yung pumasok?"tanong ko sa kaniya.Tumingin siya sa akin.

"Si Anniro,"sagot niya.Nakita niya nga.

"A-Akala ko kasi ikaw 'yong pumasok.Hindi ko kasi tiningnan."hindi ako makatingin kay Vincen sa hiya."N-Nalaman ko na lang kanina,pagkagising ko."sagot ko pa.

Diretso lang ang tingin niya sa harapan.

"Tara na doon,baka nagche-check na sila ng attendance at baka magsimula na 'yong mga activity."sagot niya saka naunang lumabas ng kotse.

Patuloy lang siya sa paglalakad.Hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto.Napaka-ungentleman niya,sobra.Binuksan ko nalang mag-isa ko saka na sumunod sa kaniya.

"Kumain ka na ba!?"tanong ko sa kaniya ng pasigaw dahil malayo na siya sa akin.

Hindi siya sumagot kaya tumakbo na ako makalapit lang sa kaniya.

"Kumain ka na?"tanong ko sa kaniya ng magkasabay na kami.

Tumango lang siya kaya naglakad na lang kami ng tahimik hanggang sa nandito na kami.

Tapos ng kumain iyong mga naunang natapos maligo kanina at iyong mga katatapos lang sa paliligo ang mga kumakain ngayon.

Bumalik na ako sa pwesto namin kanina ni Caily,doon din nagpwesto si Vincen.

My Roommate Is A Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon