Chapter 24

404 29 15
                                    

CHAPTER 24: INVITATION

AMEREIGH

Papasok na ako sa kwarto namin,inihatid na ako ni Vincen at nakaalis na rin siya.

Mga alas sais na nang magpasya kaming umuwi dahil sa paggagala na ginawa namin ni Vincen.

Pagod na pagod ako.

Nagkahiwalay din kami nila Lauren pagkatapos naming kumain.

Hindi rin ako makatingin sa kanila kapag kinakausap nila kami dahil nakakailang iyong mga ginagawa ni Lauren kay Anniro.

Pagbukas ko ng pinto,nakita kong wala pa si Anniro.Naggagala pa siguro sila ni Lauren.

Agad kong ibinaba ang mga ipinamili sa akin ni Vincen sa tabi ng kama ko saka agad na nahiga doon.

Ang sakit ng mga paa ko,lakad kami ng lakad at nakasuot pa ako ng heels.

Nagpahinga pa ako ng ilang sandali bago naisipan na magbihis na.Pupunta pa pala ako sa restaurant bukas.

Papalabas na ako ng CR,katatapos ko lang magbihis ng pantulog.

Pagkalabas ko ay ang pagpasok din ni Anniro sa kwarto.

Gulat ang ekspresyon ko dahil sa nakita.

Puno ng pasa at may mga dugo pa ang mukha niya.Anong nangyari?

Natigil ako sa paglalakad patungo sa kama ko habang gulat na nakatingin sa nagsasara ng pintong si Anniro.

Pagkaharap niya ay nagulat din siya dahil nakita ako.Agad niyang iniiwas ang mukha niya.

Lumapit agad ako sa kaniya saka siya tinanong..

"Anong nangyari sayo?"nag-aalala kong tanong sa kaniya.Hindi pa rin niya pinapakita ang mukha kahit nakita ko na.

"W-Wala lang 'to.N-Nadapa lang ako."pagdadahilan niya.Napakaluma talaga niya kung magpalusot.

"Anong wala lang?!Nadapa?Nadapa ba tawag mo diyan?"halos isigaw ko na sa kaniya ang mga salitang 'to."Umupo ka don,dali,dali!"utos ko sa kaniya na umupo sa may kama niya.Kukuha ako ng first aid kit sa bag ko.

Umupo naman siya kaya agad ko ng hinalungkat ang bag ko.

ANNIRO

Pauwi na ako ngayon sa inuupahan ko,kakahatid ko lang kay Lauren sa bahay nila.

Ginabi na kami.

Dadaanan ko ang school bago ang daan padiretso sa inuupahan namin.Pero nang makalagpas ako sa school ay may nailawan akong mga lalaki na nakaharang sa dadaanan ko.

Binusinahan ko sila pero hindi man lang sila gumalaw o umalis sa pwesto nila.

Sandali,itong nakagitna...si Nixon.May kasalanan pa 'tong walang hiyang 'to.

Balak ko nalang na lagpasan sila pero ng matapat ako sa kanila saka sila naglabas ng baseball bat at mga tubo.

Patay..

Naririnig ko mula dito sa loob ang malalakas na paghampas nila sa kotse ko.Pati ang bintana,nababasag na.

Tuluyang nabasag ang bintana,may mga tumama pang mga bubog sa akin.Hindi ako lalabas,hindi ko sila kaya.

Nakita ko si Nixon,sa tabi kong bintana hawak-hawak ang baseball bat at saka iyon biglaan inihampas sa may noo ko.

P*ny*t*.

Sa kabila naman ay ilang tubo ang mga tumama sa akin,sa mukha.

Hindi ko maidaan ang kotse dahil ang dami nilang nakaharang.Naririnig kong humahalakhak si Nixon,nakakabwisit.

Pinaandar ko ang kotse para makaalis na dito.Wala na akong pakealam kung mabunggo ko sila.Agad kong pinatakbo ang sasakyan.Nakita ko rin sa side view mirror na ibinato nila sa banda ko ang mga hawak nilang mga tubo.

Naramdaman ko rin ang sakit at hapdi ng mga pasa na siguro ang mga ito sanhi ng mga hampas nila.

Naramdaman ko rin ang pagtulo ng dugo mula sa noo ko.
...

Nandito na ako,buti na lang at walang nakalabas na mga nangungupahan.

Dumiretso na ako papasok sa kwarto.Isinara ko agad ang pinto pagpasok.

Gulat ako ng makita ang nasa harap ko.Si Amereigh.

Agad kong ini-iwas ang mukha ko para hindi niya makita pero mukhang nakita na niya.

"Anong nangyari sayo?"nag-aalala niyang tanong sa akin.

"W-Wala lang 'to.N-Nadapa lang ako."pagdadahilan ko.

"Anong wala lang?!Nadapa?Nadapa ba tawag mo diyan?"halos sigaw na niyang sabi sa akin.Bakit ba parang galit at nag-aalala siya?"Umupo ka don,dali,dali!"utos niya,sinunod ko nalang.

Pumunta siya sa may pwesto niya,nakita ko na may kinakalkal siya sa bag.

Agad siyang lumapit sa akin ng may dala-dala.First aid kit.

Agad siyang naglabas ng alcohol,bulak at betadine mula sa kit.

Hindi ko na alam ang ginawa niya dahil hindi ang ginagawa niya ang tinitingnan ko,nalipat ang tingin ko sa mukha niya.Ang ganda niya,ngayon ko lang sinabi 'to.

Agad akong natauhan ng maramdaman ang hapdi sa may noo ko.

"Aray!"halos sigaw ko dahil sa angal,alcohol yata ang ipinanglinis niya.Ang hapdi."Dahan-dahan naman!Tsaka 'wag alcohol."bilin ko sa kaniya.

"Oo na,oo na."sagot niya saka bulak na lang ang ipinanglinis.

Nabalik na naman ako sa pagtitig sa kaniya.Tinititigan ko siya habang naglilinis ng mga sugat at pasa ko sa mukha.

"Ano ba talagang nangyari?"tanong niya habang naglilinis.

"W-Wala."sagot sabay iwas ng tingin.

"Sabihin mo na!A-alchohol-in ko ulit 'tong mga sugat mo!"

"M-May nakasalubong lang."sagot ko.

"Tapos?Binugbog ka?"tanong niya saka nilagyan ng betadine ang mga sugat.

Tumango na lang ako kaya nagpatuloy na lang siya.

Hindi ko alam pero magmula kanina,pagtitig lang sa kaniya ang ginagawa ko.

"Tigilan mo nga!"sigaw niya sa akin saka nag-iwas ng tingin.

"A-Ang alin?"patanong kong sagot.

"K-Kanina ka pa n-nakatitig diyan!"sabi niya kaya napaiwas din ako ng tingin.

Akala ko hindi niya alam.

"Ayan,tapos na."sabi niya saka inayos ang kit niya.

"Salamat."nakangiti kong sabi sa kaniya.Tumingin siya sa akin saka nakangiting tumango.

Bumalik siya sa pwesto niya para ibalik iyon saka bumalik dito.

"Kumain ka na ba?"tanong niya.

Umiling lang ako pagkatapos ay iniwan na niya ako,lumabas siya ng kwarto.

Magtatanong tapos aalis.

Ilang minuto lang ay bumalik siya,may dala-dalang dalawang pinggan.

Iniabot niya sa akin iyong isa kaya kinuha ko.

"Ano 'to?"tanong ko.

"Pagkain,'di ba sabi mo hindi ka pa kumain?"nakasimangot niyang sagot.

Tumango na lang ako saka na kumain.Umupo siya sa tabi ko at nagsimula na din siya.

"Anniro..."sabi niya sa gitna ng pagkain namin.

"Hmm?"sagot ko dahil puno pa ang bibig ko.Gutom ako.

"M-May ibibigay sana ako."sabi niya kaya agad kong nilunok ang kinakain ko saka sumagot.

"Ano 'yun?"tanong ko.Nae-excite.

"Invitation."sagot niya kaya kinabahan ako.

Invitation?Para ba sa kasal nila ni Vincen?

My Roommate Is A Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon