20

1K 20 0
                                    

The following morning ay maliwanag na sa labas ng magising ako at kung hindi ko pa naramdamang gumalaw ang katabi ko ay hindi pa ako magigising.

Wait..katabi??

Oh right! Katabi ko nga pala si Light at mukhang pareho kaming tinanghali ng gising ngayon.

Pagmulat ng mata ko ay nagulat ako sa posisyon naming dalawa.

Nakayakap ako sa kanya habang nakaunan sa dibdib niya at siya naman ay nakayakap din sa bewang ko ng mahigpit.

Inangat ko naman ang mukha ko at titingnan sana siya  just to see that he is also looking at me. Namula naman ang mukha ko saka umiwas ng tingin sa kanya.

"Morning wife." He huskily said that it gives me some chills.

"Pwede pakibitawan na ako? Kagabi ka pa nangyayakap sa akin e." I told him sounding so annoyed pero sa totoo lang ay hindi. Sadyang naiilang lang ako sa posisyon naming dalawa dahil sobrang magkalapit ang katawan namin.

Malaki parin talaga ang epekto ng lalaking to sa akin at ngayon ko lang yon tuluyang narealize.

"Let us stay like this for a while please? I want to sleep more and I never had a good sleep like this for a long time now." Malumanay niyang sambit saka pumikit ulit.

I mentally shook my head then sighed heavily tsaka hinayaan nalang siya dahil hindi pa naman pala ganon katanghali. Tulog pa naman ang mga bata sa mga oras nato kaya okay lang kahit hindi muna ako bumangon agad.

Napatitig naman ulit ako sa mukha niya at doon ko lang napansin ng husto ang mga peklat niya pisngi at sa may bandang noo.

Ito ba ang nakuha niya sa pagsali sa mafia ng lolo niya?

Otomatiko namang dumapo ang mga kamay ko sa mukha niya saka hinimas ang mga peklat nito. I couldn't imagine how painful is this for him before.

Naramdaman niya yata ang ginawa ko kaya nagising ulit siya at hinawakan ang mga kamay kong nakahawak sa pisngi niya.

"How did you get this?" Hindi ko mapigilang itanong sa kanya.

"You don't have to know." Anito saka iniwas ang tingin sa akin.

Napahinga naman ulit ako ng malalim saka siya pinaharap ulit sa akin.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang lahat? Why did you have to hide everything that happened to you before?" I asked him straightly dahil hindi lahat ng totoo ay sinabi niya sa akin.

Bumalik naman agad ang tingin niya sa akin saka lumayo ng bahagya.

"So you already knew. Tsk. Kaya ba hindi ka umatras sa kasal natin dahil alam mo na ang lahat? Sino ang nagsabi sayo? Si mommy ba?" Inis niyang sambit pero umiling ako dahil hindi naman yon ang dahilan ko. I mean it's one of the reason pero may iba pang rason kung bakit hindi ako umatras.

"It doesn't matter who told me. All I'm just asking is why? Why did you have to sacrifice everything for us? For me? Bakit mo pinalabas na masama ka when in fact is not? Kung hindi ko pa nalaman sa iba ang lahat edi wala ako ngayon dito at sana hindi tayo ganito ngayon. Tsaka sana hindi kita kinamuhian sa mahabang panahon." I said kahit alam ko naman na ang rason niya and it's because I really feel so guilty on blaming him on the things that happened before.

"Can you blame me? All I think before is your safety and I don't want you to drag from the hell world that I live.  Tsaka nangyari na ang nangyari at hindi na natin maibabalik pa yon. I learned my lesson the hard way at hanggang ngayon ay pinagsisisihan ko ang mga nangyari noon. And again.. I'm sorry for what I did to you."
He said that made me teared up a little.

My Kind of Light ✔ [Completed]Where stories live. Discover now