13

1.1K 25 0
                                    

I was surprised on seing him today here! Like really really surprised!

Why of all the people ay siya pa ang makikita at makakasalubong ko?? Tsaka bakit siya nandito?

Nagkatitigan kaming dalawa at ng hindi ko makayanan ang seryosong titig niya ay agad na akong umiwas ng tingin sa kanya.

Those eyes. Those beautiful and mesmerizing eyes na lagi kong nakikita araw araw. Ang mga matang kuhang kuha ng mga anak ko sa kanya. Sh*t!

Light Vlaizen is right in front me standing and looking at me very seriously na animoy may malaki akong kasalanan sa kanya which is the opposite!

"Excuse me." I uttered then nilampasan siya na animoy hindi siya nakita pero agad niyang nahawakan ang kamay ko na ikinatigil ko naman sa paglalakad.

D*mn! Ano bang problema niya? Umiiwas na nga ako dahil naiinis ako sa mukha niya tapos pipigilan pa niya akong umalis?

This isn't the first time na nagkita kaming dalawa after everything had happened. I was once saw him in New York when I came there to visit my abuela at kasama niya non ang girlfriend niya o baka asawa na. Nagkasalubong kami sa isang coffee shop at halos ganito din ang eksena naming dalawa noon except walang ahas na nakabuntot sa kanya.

"Can we talk?" He asked kaya hindi ko naman maiwasang mainis.

Talk? Bakit ba yan lagi ang sinasabi niya sa akin? Tsaka ano namang pag-uusapan namin eh matagal na kaming tapos na dalawa?

"I have no time to talk to anyone right now at nagmamadali ako kaya pwede bang bitawan mo ang kamay ko?" Malamig kong sambit saka pilit inalis ang kamay ko sa kanya pero hindi ko magawa dahil sa higpit nito.

Hindi naman siya nakinig sa akin at hinila nalang ako sa kung saan at ipapasok sana sa loob ng isang kotse pero hindi ko siya hinayaan.

What is he up to?? Ang lakas naman ng loob niyang hilahin nalang ako basta basta!

"Ano ba! Sinabing bitaw e! May naghihintay pa sa akin kaya pwede ba bitawan mo na ako!" I shouted saka siya tinulak para sana makalayo pero hindi ko kaya dahil sobrang lakas niya.

"Please Xyrish, just give me a little time to talk with you." He pleaded na mas lalo kong ikinainis.

"Ano bang kailangan mo sakin ha??" Inis kong hiyaw dito

"I want you back Xy and please hayaan mo akong magpaliwanag tungkol sa lahat ng nangyari noon." Anito na nagpatawa sa akin.

"You want me back?? Seriously Vlaizen? Diba may asawa ka na so bakit mo pa ako ginugulo? Tahimik na ang buhay ko kaya pwede ba wag mo na akong guluhin! Hindi mo na ako maloloko ng basta basta ngayon!"

"I don't have a wife d*mn it! Bakit ba lagi mong pinagpipilitan yon?? I didn't marry anyone at wala akong balak magpakasal sa iba kung hindi lang rin naman ikaw!" He shouted na bahagya kong ikinatigil pero ikinailing ko din agad.

Hinding hindi na ako maniniwala sa mga kasinungalingan niya. Once is enough.

"Stop fooling around Vlaizen at tigilan mo na ako!" I shouted at inapakan ko ang mga paa niya saka tumakbo papunta sa kotse ko at mabilis itong pinatakbo papalayo.

Walang asawa? Talaga ba eh anong ibig sabihin ng mga larawang ipinadala sa akin ng walang hiyang Giana na yon. Ipinangangalandakan talaga sa akin na kasal na sila ni Vlaizen. Tsk.

Gosh! Sana ay yon na ang huling pagkikita naming dalawa dahil hindi ko alam sa susunod kung matatakasan ko pa uli siya.

Pagdating sa bahay ay agad kong pinark ang sasakyan ko at pumasok sa bahay saka hinanap ang mga anak ko.

My Kind of Light ✔ [Completed]Where stories live. Discover now